Ang “Trial and Error” sa Buhay ng Tao

ANG “TRIAL AND ERROR” SA BUHAY NG TAO

Ni Apolinario Villalobos

 

Ayon sa alamat ng Pilipinas tungkol sa kung paanong nagawa ang Pilipino, sinasabing kung ilang beses daw na sumubok ang Diyos hanggang sa kalaunan ay nagawa niyang maging tama lang ang pagkasalang o “pagkaluto” ng lupang hinubog upang magkulay kayumanggi – ang lahi ng Pilipino. Noong una kasi ay kulang daw sa pagkaluto kaya maputla at ang ikalawang pagsubok ay nasobrahan naman kaya nasunog. Kung siseryosuhin ang alamat, yan ang kauna-unahang “trial and error” na nangyari kung saan ay bida ang Pilipino.

 

Sa buhay ng tao ay maraming nangyayaring “trial and error” subali’t hindi lang napapansin. Ang panahon ng pagiging mag-“on” ng magnobyo halimbawa, ay masasabing dumadaan sa “trial and error” dahil ang magsyota ay nagpapakiramdaman at nagkakasubukan hanggang sa magkahulihan ng loob na umaabot sa pagsasama, may kasal man o wala. Umaabot sa sukdulan ang “trial and error” ng nagsamang babae at lalaki kung may mga anak na sila. Masuwerte na kung sa kati-testing nila sa isa’t isa ay pinairal nila ang pang-unawa kaya masasabing nagtagumpay sila sa pagbuo ng pamilya. Pero kung sumipyat naman at talagang hindi umobra ang “trial and error”, bagsak sa hiwalayan ang samahan kahit may mga anak na nadamay pa!

 

Ang balakid sa “trial and error” para sa mga ikinakasal ay ang kontratang nagsisilbing habang buhay na pagkatali nila sa isa’t isa dahil sa kawalan nito ng expiration. Kung may nakasaad sanang validity period tulad halimbawa ng limang taon at pwede namang i-renew dahil kontrak nga, wala sanang problema. Ang kaso, kahit nagkabistuhang hindi tugma sa isa’t isa ang ikinasal ay nagtitiis pa rin sila sa pagsasamang hitik sa balugbugan, murahan, at tikisan. Ang hindi makatiis na naghanap ng ibang kandungan ay itinuturing na taksil at kriminal sa mata ng Diyos at tao. Ang kunsuwelo lang ay ang pagkaroon ng pormal na hiwalayan o diborsiyo subalit nangangailangan ng hindi birong halaga, kaya sorry na lang ang walang pera…hanggang dusa na lang sila. Ang konsuwelong ito ang maituturing kong malaking kahangalan dahil pwede naman palang maghiwalay pagdating ng panahon, ay bakit paaabutin pa sa puntong halos magpatayan na ang mag-asawa at sila ay pagbabayarin pa. Kung isinasaad ba naman sa kontratang pinipirmahan ng bagong kasal ang mga batayan ng paghihiwalay, sana ay wala nang gulo at sakitan….iyan ang isa sa mga inconsistencies ng batas ng tao!

 

Sa trabaho, mayroon ding “trial and error” sa pamamagitan ng “probation period”. Kung hindi pumasa sa standards ng kumpanya, ang aplikante ay tahasang tinatanggal na naaayon naman sa batas. Okey na sana itong probation period, subalit ang matindi ay ang mga kumpanyang wala man lang nito, at sa halip ay nagpapatupad ng “contractualization” na pilit namang pinapatigil ni presidente Duterte. Ganoon pa man, sa ganitong usapin dapat unawain na may mga trabahong kung ituring ay “seasonal” o di kaya ay mga hindi pangmatagalan ang pangangailangan sa manggagawa o pang-“one time need” lang, kaya talagang kailangan ang “contractualization”.

 

Sa panahon ngayong hindi na masambot ng mga korte ang mga kaso lalo pa at kung mismong mga nagpapatupad ng batas ay mga korap, nagkakaroon din ng “trial and error, na sa  katawagang kalye ay “palusot”. Susubukan halimbawa ng abogadong magpalusot ng mga kadahilanan upang maabsuwelto ang kanyang kliyente at kung sa unang attempt ay nagtagumpay siya, na hindi malayong mangyari kung nagkaroon ng padulas sa palad ng huwes, congratulations na lang sa “matalinong” abogado dahil big time ang kanyang kliyente. Subalit kung kulang sa dulas ang mga palad ng korap na huwes, kaya hindi nagtagumpay ang abogado, punta naman siya sa step 2.

 

Ang isa pang uri ng “trial and error” sa hukuman ay ang pagpresenta ng mga bayarang testigo na handang magpakulong dahil sa laki ng bayad, kung sakaling magkabistuhan. Kung ang unang testigo ay hindi naging convincing sa kanyang mga sinabi, isusunod ang pangalawa. Kung palpak pa rin ay isusunod ang pangatlo, at marami pang iba hanggang makamit ant inaasam na tagumpay.

 

Ganyan ang nangyayari ngayon sa hearing sa Senado tungkol sa “extrajudicial killings” na pinaparatang sa bagong presidente at mga kaalyado nito. Nagpalusot si senador de Lima ng isang saksi na ang pangalan ay Matobato, na naging abut-abot ang pagsemplang dahil animo ay si Lola Basyang sa paghabi ng mga kuwentong mga bata lang ang pwedeng maniniwala. Nag-request pa ng Senate proteksiyon si de Lima para kay Matobato pero semplang pa rin kaya para hindi na lang siguro maitala sa kasaysayan ng Senado at ng Pilipinas ang pagpalpak ng kanyang “trial and error” effort ay binawi ni de Lima ang nakasulat na request upang hindi ma-archive….diyan siya nagtagumpay…sa pagbawi ng isang ebidensiyang magpapakita ng effort na mabigyan ng proteksiyon ang isang witness na pinagsayangan ng halos buong araw sa Senado kahit ang mga sinabi ay hindi tugma sa dapat pag-usapan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s