Ghosts of the Wild West~

DSC02850
Do unquiet ghosts still linger here?
DSC02877
Peering through the painted glass?
DSC02858
Living in their pioneer world.
DSC02881
What tales would they tell of the wild, wild, west?
DSC02902
Would you dare check in and stay?
DSC02906
To hear what they would have to say?
DSC02908
Or would you just stop by for the day?
DSC02903
I, of course, would love to stay!
Cheers to you from the wild, wild, west~
Note: The pioneers built these homes and buildings, located in San Diego’s Old Town, from 1825 until the late 1890’s.
“I would like to live a Victorian life surrounded by exquisite clutter” Freddie Mercury

View original post

Ang Pangarap na National ID System ay Hanggang Pangarap Lang

ANG PANGARAP NA NATIONAL ID SYSTEM

AY HANGGANG PANGARAP LANG

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang technology system sa Pilipinas na isang third- world country ay walang binatbat, walang silbi. Ang mga servers ay mahina kaya ang mga gumagamit ng mga cellphone at computers upang makapag-internet ay nagdurusa. Ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ay hindi inter-connected sa pamamagitan ng communications technology. Marami pa ring ahensiya ang kulang sa telepono at computer units. Kadalasan din, ang mga computer ng mga ahensiya ay off-line.  Ano ang mangyayari kung hindi ma-check ang ID na ito halimbawang natuloy, kung ang computer ay off-line? Magtatawagan? Paano kung ayaw sagutin ang tawag na madalas mangyari dahil sa mg empleyadong tamad? Ang pag-issue naman ng Voter’s ID at SSS ID ay inaabot ng siyam-siyam. Dahil sa mga nabanggit, ang pangarap na pagkakaroon ng National ID System ang Pilipinas ay hanggang pangarap lang. …kaya itigil na yang pangarap at mag-isip na lang ng makatotohanang proyekto.

 

Delikado ring magkaroon ng National ID System ang Pilipinas dahil sa pagkamalikhain ng mga tiwaling Pilipino na may utak-kriminal. Siguradong magagamit lang ang mga impormasyong mailalagak sa archive ng mga ahensiya. Naglipana ang mga utak-kriminal na mga Pilipino na lahat na yatang bagay ay nagagawan ng paraan upang mapagkitaan. Nariyan ang hacking ng ATM card; ang pyramid system na negosyo; ang budul-budol; ang raket sa text na kunwari ay nanalo ng malaking halaga ang nakatanggap ng message. Bukod pa diyan ang pag-angkas sa motorsiklo na kung tawagin ay “riding-in-tandem” na dapat sana ay napakalaking tulong sa mga mahihirap na commuters at mga umiiwas sa trapik, pero ginamit upang mangholdap at pumatay….at, dito lang nangyayari yan, dahil sa mga bansang tulad ng Thailand at India, hindi nagagamit sa masamang gawain ang sistemang angkasan sa motorsiklo.

 

Ang nawawalang mga pangalan sa listahan ng mga botante ay isa ring napakalaking problema na ginagamit sa dayaan tuwing panahon ng eleksiyon. Sinasabi ng COMELEC na hindi raw corruptible ang sistema nila, pero nalaman ko na isang maliit lang na detalya sa information tungkol sa isang botante ang mawala ay dahilan na upang ang pangalan niya ay mawala rin sa listahan. Tao ang may control ng sistema na pwedeng bayaran o utusan. Dahil diyan hindi rin sigurado kung ang mga impormasyon ay mapapangalagaan kapag ipinasok ng empleyado ng ahensiya sa computer, dahil hindi rin sigurado kung ang empleyado ay hindi masisilaw sa pera o masisindak ng boss niya.

 

Sa National Bureau of Investigation (NBI), napakawalang resourcefulness din ang mga tong gumagamit ng computer dahil kapag nagkaroon ang isang clearance applicant, halimbawa, ng “kapangalan” ay ginagamit na itong dahilan upang pahirapan ang applicant na pahiwatig ng “padulas”. Ibig sabihin, hindi efficient ang archiving system ng ahensiyang ito. Paano na ang iba pang ahensiya dahil ilang beses na ring napatunayan ang kahinaan nila?

 

Kamakailan lang ay may nahuling mga Indonesian na gumamit ng Philippine passport para sa lipad nila papuntang Middle East. Hinuli sila at inimbestigahan, pagkalipas ng ilang araw ay pinakawalan….yon lang! Ano ang ginawa sa nag-isyu ng authentic na passports na siyempre ay taga-Department of Foreign Affairs? Pinatunayan ng insidente na may mga tiwali pa ring natitira sa ahensiyang iyan na hindi natakot sa babala ni Duterte.

 

Batay sa mga nabanggit, malinaw na bukod sa mahina at mala-pagong na technology system sa Pilipinas, ang isa pang isyu tungkol sa National ID System ay ang umiiral na corruption kaya hirap na hirap ang bansa sa pag-usad tungo sa makabagong kaunlaran.

 

 

Ang Napabayaang “Bilao/Tumpok/Kariton” Sektor ng Ekonomiya ng Pilipinas

ANG NAPABAYAANG “BILAO/TUMPOK/KARITON” SEKTOR

NG EKONOMIYA NG PILIPINAS

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Bulag ang gobyerno sa katotohanang napakalaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas, o sa Manila na lang ang umaasa sa maliit na pagkikitaang nakatumpok sa bangket at bilao, at ang puhunan ay galing sa mga Bombay. Napakaraming Pilipino ang umaasa sa ganitong uri ng pangkabuhayan dahil hindi nila kayang umupa ng puwesto sa commercial building, mall, at mga palengke. Sa halip na tumunganga sa kawalan, maraming pamilya – magulang at mga anak ang namumulot ng mapapakinabangan pang gulay na tinatapon ng mga biyahero o wholesaler sa Divisoria. Ang iba ay nagpupuwesto sa mga bangketa sa iba pang bahagi ng Maynila upang magbenta ng kape, kendi, biscuit, chicherya, at iba pa na ang tubo ay barya-barya.

 

Sa halip na mag-isip ng paraan ang gobyerno kung paanong makontrol ang mga taong ito upang hindi sila makasagabal sa trapiko at mga pedestrians, ang ginagawa ay basta na lang kinukumpiska ang mga gamit sa pagbenta at mga kalakal kaya ang mga inutang na puhunan ng mga tinaboy na mga vendor ay nawalang parang bula!

 

Dapat tanggapin ang katotohanang ang Pilipinas ay hindi pa kahanay ng Singapore at iba pang mga mauunlad na bansa sa ibang panig ng mundo. Dahil diyan dapat asahan na hindi lahat ng mga mangangalakal o nagbebenta ay may puwesto sa malls at palengke at zero ang sidewalk o ambulant (kariton) vending.

 

Hindi rin mawawala kahit kaylan ang “bazaar o tiyangge business mentality” nating mga Pilipino dahil bahagi na ito ng ating kultura noon pa man. Kahit maglipana pa ang mga malls sa iba’t ibang panig ng bansa, magkakaroon pa rin ng mga negosyanteng tingi-tingi ang kita dahil ang kaya lang ay maliit na puhunan. Ito ang dahilan kung bakit hindi 100% na mga vendors ay maipapasok  sa mga modernong palengkeng pilit isinusulong ng Manila sa tulong ng mga private investors. Magkakaroon pa rin ng mga vendors na ang gamit ay mga bilao at kariton sa labas ng mga modernong pasilidad na ang iba ay aircon pa, sa di-kalayuan mula sa kanila.

 

Sa pagpa-moderno ng mga palengke, dapat maglaan din sana ng bahagi para sa mga nagbibilao upang hindi na sila kumalat pa sa mga sidewalk. Kapag ginawa ito, hindi na magrerekalamo ang mga maliliit na nagtitinda kahit magbayad sila ng legal na arawang upa, kaysa naman magbigay ng tong sa mg protector na taga-City Hall o pulis. Ang isa pang paraan ay maglaan ng mga lugar para sa permanenteng “night market” para sa maliliit na negosyante. Sa ibang lugar ay umiiral na ito tulad ng Divisoria at Baclaran kung saan, ang mga negosyante ay nagliligpit pagdating ng alas siyete ng umaga.

 

Dapat maging makatotohanan ang mga panukalang pang-ekonomiya ng gobyerno upang pati ang maliliit ay makinabang din. Hindi lang dapat magturo kung paanong magnegosyo na ginagawa ng iba’t ibang ahensiya dahil aanhin ang kaalaman kung wala namang puhunan?