Hiking in the heart of Elbe Sandstone – Saxony Switzerland National Park.

Sallyporte

As rightly said – It is only by Adventure you can succeed in knowing yourself in one self.

This day would always be in my memory of doing something beyond my comfort level.
With No safety helmet, No harness and climbing sets, and my sweaty palms hiking is never a recommend but one of the most harmful thing to do.
Trust me if I am writing this then it is with the sense of accomplishment of coming back successfully without breaking any bones;-)

I was always fascinated with the videos and pictures of hikers and had a wish if I could do something like that ever.
Only those who will risk of going too far can possibly find out how far one can go.
In the end we may not remember the people we met and every usual day in life but we will always remember the craziest moment done…

View original post 564 more words

Playing with Blue Whales~

Cindy Knoke

DSC00918
Okay so we’re not at The Holler, but we’re not on a trip either…… not exactly. We’re just heading up to NoCal to rendezvoux with the kids. A family visit, not a trip. But, since we were driving…..we stopped at Channel Islands National Park to play with the Blue Whales, and dolphins and humpbacks. I kid you not. Next time you feel like going to Sea World to see some marine mammals. Don’t. Save money and save animals. Go see ’em in a protected national park, in their natural habitat. Here they play with you……by choice!
DSC00898
I have never been so up close and personal with blue whales. They were all over the Santa Barbara Channel today. Swimming upside down under our boat and spraying us with spouts. I’ll post more pics soon, and tomorrow we head out again to a different island!
DSC00883
You may have heard blue whales are…

View original post 249 more words

Ang Kabataan Ngayon…pag-asa pa kaya ng bayan?

ANG KABATAAN NGAYON

…PAG-ASA PA KAYA NG BAYAN?

Ni Apolinario Villalobos

 

 

ANG KABATAAN AY PAG-ASA NG BAYAN

INAASAHAN DING MAG-AALAGA NG MAGULANG

SA KANILANG KATANDAAN…

 

SUBALIT KUNG NALULUNG SA DROGA

SILANG PAG-ASA NG BAYAN –

NASIRAAN NG BAIT

PUMATAY AT NANGGAHASA…

MAITUTURING PA KAYA SILANG PAG-ASA?

 

HANGGANG KAYLAN PA TAYO MAGPAPARAYA

SA KUMAKALAT NA SALOT –

NA DULOT NG DROGA?

 

 

 

 

Ang Mayabang na Pari

ANG MAYABANG NA PARI

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Sa isang bayan ay may isang paring mayabang. Ang tingin sa sarili ay napakatalino dahil galing siya sa mahirap at nagsikap sa buhay kaya nagtagumpay kuno. Sa halip na maging mapagkumbaba bilang pari, hinayaang pumasok sa ulo ang hangin ng kayabangan kaya halos lumutang sa ere ang hangal. Dahil sa sobrang pagkabilib sa sarili, akala niya lahat ng sinasabi at ginagawa niya ay tama. Sa mga ganyang uri ng mga pari galit ang santo papa!

 

Ang simbahang sinimulang ipaayos ng dalawang pari na nauna sa kanya ay kinukuwento niyang kung hindi dahil sa kanya ay hindi maipapaayos. Nabistong hindi pala niya kabisado ang geographical scope ng hinawakan niyang parukya kaya nagkakandalito kung alin ang may talagang kapilya at alin ang may multi-purpose hall na pinagdadausan ng misa. Dahil diyan, pati ang mga bagay na hindi niya saklaw, ay pilit pinakikialaman, kahit nakakapag-trespassing na siya sa mga karapatan ng mga homeowners’ associations na may-ari ng multi-purpose halls. Akala niya, dahil nagdadaos ng misa sa multi-purpose halls, ang mga ito ay “branch” na ng simbahan niya, kaya gustong kamkamin ang mga gamit na naipundar ng mga nasabing association.

 

Ang paring ito, sa sobrang kayabangan ay hindi naaagad-agad na matawag kung may mga emergency tulad ng pagbendesyon sa naghihingalo, kesyo pagod o natutulog. Pati ang mga Mother Butler na may sariling grupo at labas dapat sa kanyang hurisdiksiyon ay pinakialaman kaya pinagtatanggal, ganoong hindi naman niya sinusuwelduhan, at ang serbisyo ng mga babaeng tinutukoy ay para sa simbahan at hindi para sa kanya bilang pari. Hindi niya inunawa na ang itatagal niya sa parukya ay anim na taon lang kaya ang mga pang-matagalang bagay tulad ng may kinalaman sa Mother Butler ay labas sa kanyang “kapangyarihan” kaya hindi niya dapat pinakikialaman.

 

Ang paring ito ay iniwan na ng mga umaalalay sa kanya – mga convent staff, maliban sa secretary at isang kamag-anak. Ayon sa kuwento, hindi daw matiis ng mga dating tauhan ang kayabangan niya kesyo graduate daw siya sa isang high-end university kaya siguro ang tingin niya sa iba ay yagit. Ang nakalimutan ng paring ito ay maraming graduate sa exclusive na mga kolehiyo at high-end universities na nang magtrabaho sa gobyerno o maging opisyal  ay naging korap!

 

Nakausap ko ang mga kaibigan kong dating nagsisimba sa simbahang Katoliko na hawak ng paring ito pero ngayon ay sa misa sa isang mall na lang dumadalo o di kaya ay sa katedral na hindi kalayuan. Yong iba ay nagtitiyaga sa panonood ng misa sa TV kung Linggo kaya hindi na lumalabas ng bahay. Pinayuhan ko sila na huwag magalit sa pari dahil magkakaroon lang sila ng kasalanan….hayaan nang ang bagong santo papa ang magkondena sa kayabangan nito!…at iwasan din upang hindi mag-kurus ang kanilang landas at baka pandiliman pa sila ng paningin!

 

 

Life as a Toy

Life As A Toy

By: Kevin Norbert G. Lopez

 

I am your friend, foe, or lover,

I’ll be here especially when you’re sober.

I will love you until the end of time,

So for you, I’ll make this poem rhyme.

 

To express my love for you,

I’ll make it rhyme as we are too.

Until you find another I shall stay,

I will be with you and no other way.

 

Until you get tired of playing with me,

I was built to be played, you see.

Although I was built to smile,

My sadness would shed me tears of Nile.

 

I can’t help but to be sad,

I am a toy but to me you’re my lad.

You’re a friend I always wait to knock on my door,

I may be a toy, but I hope you play with my feelings no more.

Si Nelly…nagka-AIDS, pero nakapagpatapos ng isang kapatid sa kolehiyo

SI NELLY…NAGKA-AIDS, PERO NAKAPAGPATAPOS

NG ISANG KAPATID SA KOLEHIYO

Ni Apolinario Villalobos

 

Matagal ko nang kaibigan si Nelly, halos sampung taon na. Nabulyawan ko siya noong una ko siyang makita sa Avenida. Mag-aalas-siyete pa lang noon ng umaga nang sundan niya ako habang naglalakad sa Avenida, upang humingi ng pangkape, kapalit ang short time “check-in”. Sabi ko sa kanya, “ang ganda mo, pwede ka namang magtrabaho sa karinderya man lang, bakit ka nagpuputa sa Avenida….ang aga-aga, eh, iniistorbo mo ako…”. Dahil napahiya, yumuko na lang at umupo sa bakanteng silya sa tabi ng babaeng nagtitinda ng sigarilyo at kendi. Tiningnan din ako ng masama ng tindera. Papunta ako noon sa Fabella Center. Subalit nang makarating ako sa Recto ay nakonsiyensiya ako sa ginawa ko kaya bumalik ako sa puwesto ng tindera upang kausapin si Nelly.

 

Hindi ko siya inabutan dahil ang sabi ng tindera ay umalis daw kasama ang nakakabatang kapatid na ihahatid sa eskwela. Kinabukasan ay binalikan ko siya sa lugar kung saan ko siya nakita subalit nang makita niya ako ay umiwas at tumawid sa kabilang panig ng Avenida. Pinakiusapan ko na lang ang tindera na tawagin si Nelly na ginawa naman, kaya bilang pasalamat ay bumili ako ng maraming “snow bear” menthol candy.

 

Hindi nagmi-make up si Nelly kaya lutang na lutang ang likas na makinis at ganda niyang morena. Sa tabi mismo ng tindera ay una kaming nag-usap at nagtanong sila kung reporter ako na itinanggi ko naman. Maya-maya pa ay dumating ang kapatid na naka-uniporme na inihahatid niya sa eskwela. Nang umalis si Nelly ay tinanong ko ang tindera kung ano ang alam niya sa pagkatao nito. Sabi niya ay marami dahil kilala niya ang nanay nitong kamamatay lang. Matagal nang abandonado daw sina Nelly ng tatay nila, kaya bilang panganay ay ito ang tumatayong magulang ng mga kapatid niya. Nalaman ko ring 27 years old si Nelly. Ang sumunod na nakababata sa kanya ay 17 at ang bunso na hinahatid niya sa eskwela ay 10 years old. Nakatira silang magkakapatid sa isang maliit na kuwarto ng lumang gusali sa di-kalayuang kalye ng Raon. Ang kapatid na sumunod sa kanya ay nagtitinda ng banana cue at malamig na inumin malapit lang sa tinitirhan nila, at ang suweldo ay 75pesos sa halos kalahating araw na trabaho. Pagdating ng alas-tres, umuuwi na ito para maghanda sa pagpasok sa eskuwela.

 

Inabot ng halos isang linggo bago ko nakumbinsi si Nelly na isama ako sa tinitirhan nila. Ang sabi ko ay igo-grocery ko muna sila kaya natuwa at pabirong nagsabi na wala na nga daw silang bigas at kape. Hinahayaan ko siyang rumampa tuwing makatapos naming mag-usap dahil ang sabi ko sa kanya ay interesado lang ako sa buhay niya na gusto kong isulat….subalit hindi natuloy noon. Kilala si Nelly ng kaibigan kong  tin-edyer na taga-Baseco (Tondo) compound na rumarampa rin sa Avenida subalit sinuwerteng maampon ng mag-asawang retirado na taga-Pasay, kaya nag-aaral na ito ngayon at ang kuwento ay  nai-blog ko na rin.

 

Basta mapadaan ako sa Avenida ay dinidiretso ko na lang sa tinitirhan nina Nelly kung ano mang dala ko ang para sa kanila. Alam ng mga kapatid ni Nelly ang ginagawa niya at wala silang magawa dahil noong nagtrabaho ito sa isang restaurant ng Intsik sa Quiapo ay pinagtangkaan itong reypin ng kanyang amo. Nang pumasok naman sa tindahan ng mga damit ay kulang na kulang ang kita nito para sa pangangailangan nila dahil ang suweldo ay 200pesos lang isang araw, kaya sumama na lang sa kaibigang kalapit-kuwarto nila na rumarampa sa Avenida. Dahil nahihiya pa, ibinugaw muna si Nelly ng kaibigan hanggang matuto na siyang mangalabit.

 

Ngayon, kung kaylan nakatapos ng BS Tourism ang kanyang kapatid ay saka nalaman ni Nelly na may sakit siyang AIDS. Nagtatrabaho na ang kapatid niya sa isang hotel sa Roxas Boulevard at ito na ang gumagastos sa bunso. Gumagawa ngayon si Nelly ng mga pulseras na crystal beads upang maibenta sa tabi ng Quiapo Church. Regular din siyang nagpapa-check up. Ikinuwento ko sa kanya ang buhay ni Sarah Jane Salazar ang unang biktima ng AIDS sa Pilipinas na naging kaibigan ko rin. Magkaiba nga lang ang “tema” ng kanilang kuwento dahil si Sarah Jane ay talagang pakawala at nagpabaya sa buhay na walang direksiyon samantalang si Nelly ay may layuning makatulong sa kanyang mga kapatid, at may pangarap sa buhay.

 

36 years old na si Nelly at nagkikita pa rin kami hanggang ngayon. Naisama ko na rin siya sa Tondo upang ipakitang mas marami  ang hirap sa buhay kung ikumpara sa kanilang magkapatid. Ang pinakakaingatan niya ay ang dalawang magasin na kinapapalooban ng mga retrato niyang naka-bikini…naging bold star din kasi siya noong 16 years old pa lang at dahil malaking bulas ay hindi halatang menor-de-edad. Naka-apat na pelikula din siya pero puro second lead lang, at ang bayad daw sa kanya ay 15,000 pesos kada pelikula. Ang malaking bahagi daw ng kita niya ay sa ahente niya napupunta….isang call boy na kabit ng direktor ng mga  pelikula.  Naging addict at patay na ngayon ang call boy na ahente niya.

 

Ang tatay nila ay lasenggo at malakas mag-marijuana at ang nanay daw nila ay alaga ng bugbog nito tuwing malasing. Ang pangarap niya ngayon ay makatapos ang bunso nilang kapatid at kung makapagtrabaho ito ay uuwi siya sa Lucena. Pupunta na lang siya sa Maynila upang patuloy na makakapagpagamot sa isang ospital ng gobyerno na malapit sa Bambang. Ang sakit na HIV-AIDS ni Nelly ay nasa stage na maaari pang maagapan basta walang patlang o tuluy-tuloy ang gamutan.