Ang Pagnanakaw

ANG PAGNANAKAW

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Madalas kong marinig sa iba kong kaibigan na hindi daw dapat pagkatiwalaan ang mga nangangalakal o scavengers dahil ang iba sa kanila ay nagnanakaw kapag nagkaroon ng pagkakataon. Sinong tao ba ang hindi nagnakaw sa tanang buhay niya?….yan ang pinang-boldyak ko sa kanya dahil sa inis ko. Tinanong ko rin kung hindi ba siya nangopya noong estudyante pa siya o di kaya ay nangupit sa pitaka ng nanay niya upang may pangbili ng sigarilyo kahit nasa high school pa lang, kaya ngayon ay naging chain smoker na siya.

 

Kung hindi bibigyan ng dahilan ang mga taong magnakaw, ibig sabihin ay akitin sila, mawawalan sila ng pagkakataong gawin ang katiwaliang ito. Ang problema ay ugali ng iba na burara at mayabang….nagdi-display ng cellphone na tig-30 thousand; binabalot ang katawan ng ginto kaya aakalain mong may hepatisis kahit mamalengke lang; pinapatugtog ng malakas ang stereo at TV upang mapansin; nagkukuwento ng kanilang karangyaan kesyo malaki ang sweldo ng mister; iniiwang bukas ang bag upang masilip ng katabi sa jeep ang lamang mga gadgets; iniiwang bukas ang gate kung aalis ng bahay; etc.

 

Hinuhusgahan ng iba ang mga kapus-palad na magnanakaw, pero hindi nila isinasaalang- alang ang pagnanakaw na ginagawa ng mga edukadong opisyal sa gobyerno na dapat ay nagbibigay proteksyon sa mga mamamayan kaya sila ibinoto. Hindi rin nila naisip na ang pagnanakaw ay hindi lang tungkol sa kaperahan dahil maraming empleyado ang nagnanakaw ng oras na laan dapat sa kanilang trabaho sa pamamagitan ng sinasadyang pagpapatagal ng lunch break. At, ano ang masasabi nila sa “Monday/ Friday sickness” na sinasadyang dahilan ng mga empleyado upang pumalya sa pagpasok kaya naapektuhan ang operasyon ng kanilang opisina? Ang pagsira sa tiwala ng asawa, hindi ba isang uri rin ng pagnanakaw? Ang “plagiarism” na madalas nang gawin ngayon ng mga estudyante sa pamamagitan ng pag-copy/paste ng mga nire-research nila kuno sa internet upang may maipasa sa kanilang propesor na tamad mag-check, hindi ba pagnanakaw ng kaalaman ng iba?

 

Para sa akin, lahat ng mga gawain na may kinalaman sa kawalan ng katapatan at pagkawala ng tiwala ay pagnanakaw…kaya pasok din ako diyan dahil noong maliit pa ako ay nagnakaw ako ng balimbing at lagas na sampalok sa kapitbahay namin para ibenta sa eskwela at nang may maipambili ng mga gamit; kasama ang barkada ay nagnakaw din ng mga malalaking bayabas ng mga madre ng katabing high school; nagnakaw din ng tuba kasama pa rin ang barkada sa Agdao (Davao) tuwing kabilugan ng buwan….etc.

 

Kaya yong mga ipokritong mahilig manghusga, tumahimik na lang dahil kung ikumpara ang mga ninakaw ng mga hinuhusgahan nilang mga kapus-palad, wala pa sa katiting ang mga ito ng mga ninakaw at ninanakaw pa ng mga walang modong nasa gobyerno – ibinoto man o mga ordinaryong empleyado, pati na ang mga nasa pribado na oras naman ang pinagdidiskitahan. Kung sabihin naman ng mga ipokritong ito na ang isyu dito ay ang “act” o ang “paggawa” na pagnanakaw….pag-isipan din nila ang intensiyon ng pagnakaw. Ang mga kapus-palad ay nagnanakaw upang may makain kahit isang beses isang araw o para may ipambili ng gamot o gatas ng anak, samantalang ang mga “big-time” na magnanakaw ay nagnanakaw sa kadahilanang sila ay TALAGANG SAGAD SA BUTO ANG PAGKA-GANID…na pagpapakitang walang epekto ang mga pinag-aralan nila sa mga high-end na kolehiyo at unibersidad!

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s