Mas Bilib ako sa mga Pastor ng Christian Ministries

MAS BILIB AKO SA MGA PASTOR NG CHRISTIAN MINISTRIES NA LUMALAPIT SA MGA KAPUS-PALAD KAYSA SIMBAHANG KATOLIKO NA WALANG GINAGAWA KUNDI ANG MAKIALAM SA PAMAMALAKAD NI DUTERTE SA PARAANG MARAHAS NGA SUBALIT EPEKTIBO DAHIL  ANG MGA SINASABI NG MGA IPOKRITO NA PROSESONG LEGAL AY NAPATUNAYANG WALANG SILBI  SA LOOB NG KUNG ILANG DEKADA SA ILALIM NG MGA NAKARAANG PRESIDENTE.

 

KAHIT HALOS WALANG NATATANGGAP NA TITHE ANG MGA CHRISTIAN PASTOR MULA SA MGA MIYEMBRO NILA AY HINDI SILA PUMAPALYA SA PAGSUONG SA TRAPIK NG MAYNILA MULA SA MALALAYONG TIRAHAN TULAD NG BULACAN UPANG PATULOY NA MAKAPAG-SHARE NG MGA SALITA NG DIYOS SA MGA MIYEMBRO NILANG NASA STA. CRUZ, QUIAPO AT IBA PANG KILALANG PUGAD NG MGA KAPUS-PALAD.

 

ANG SIMBAHANG KATOLIKO AY MAY SOBRENG IBINIBIGAY SA MGA NAGSISIMBA PARA SA LOVE OFFERING NILA, MALIBAN SA PINAPAIKOT NA “BUSLO” TUWING DUMATING SA BAHAGI NG “OFFERTORY” ANG MISA. ANG MGA CHRISTIAN MINISTRIES AY IISA LANG ANG “LOVE OFFERING” NA KAYANG IBIGAY NG MGA MIYEMBRO….NAGPAPAKAIN PA SILA NG LUGAW KUNG MINSAN BAGO SILA MAGHIWALAY.

 

ANG MGA SIMBAHANG KATOLIKO, IILAN LANG ANG NAGPAPAKAIN NG KAHIT LUGAW PERO ANG GUMAGAWA AY MGA RELIGIOUS ORGANIZATIONS PA KAYA GALING SA BULSA NG MGA MIYEMBRO NITO ANG PERANG GINAGAMIT. IILANG SIMBAHANG KATOLIKO LANG DIN ANG MAY LIBRENG PAIHI-AN SA PUBLIKO….ANG NASA STA. CRUZ NGA AY SAMPUNG PISO PA ANG SINGIL SA IIHI! LIBRE ANG IHI-AN SA QUIAPO AT BACLARAN. NASAAN ANG AWA NG MGA PARING WALANG DAMDAMIN PARA SA MGA MARALITA NA WALANG TIRAHAN KAYA NAGTITIYAGA SA BANGKETA AT WALA RING MAIHI-AN MAN LANG?!!!

MABUTI PANG MAGHUBAD NA LANG SILA NG SOTANA DAHIL NAKAKAHIYA SILA!

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s