Ang Kasal at ang Marriage Contract

ANG KASAL AT ANG MARRIAGE CONTRACT

Ni Apolinario Villalobos

 

Kung ang lahat ng kontrata ay may mga condition at expiration, dapat ang marriage contract ay meron din. Subalit dapat bigyan ng pagkakataon ang mga kinakasal na balewalain ang expiration kung gusto nilang magsama habang-buhay. Dapat ay may mga condition din ito na batayan ng automatic na pagbabalewala sa kontrata kahit hindi pa umabot sa expiration. Para sa mga mayayaman ay proteksiyon ng mga ikinasal ang mga condtion upang hindi mapagsama ang mga ari-arian nila bago sila ikasal at ang expiration  ay para sa walang gulong hiwalayan kung nagkasawaan na sa isa’t isa.

 

Kung hindi rin lang masunod ang mga nabanggit dapat ay palitan ang pantukoy o titulo ng dokumento. Sa halip na “contract” dapat ay tawagin itong “COMMITMENT AND ACKNOWLEDGEMENT OF CEREMONY” dahil ang basic na laman nito ay ang “pangako” sa isa’t isa ng dalawang ikinasal na “magsasama habang buhay, sa hirap at ginhawa”….kahit hindi binanggit na ang pagsasama ay umabot sa umbagan, sakalan, tadyakan, saksakan…..kawawa daw kasi ang mga anak nila kung sila ay maghiwalay. At, lalo’t higit ay kahit umabot sa pag-abandona ng lalaki sa pamilya niya dahil nagbahay ng isang mas sariwa at mabangong itini-table niya sa paboritong beer house….at kahit umabot din sa pagpendeho sa lalaki na iniwan ng asawang malandi at makati kaya sumama sa isang machong tricycle driver o pulis.

 

Dapat ding tawaging “acknowledgment” ang dokumento dahil ito ang magpapatunay na nang ikasal ang magsing-irog, sila ay nasa katinuan ng kanilang pag-iisip….hindi bangag sa bawal na gamot, hindi lasing, at walang tutukan ng baril na nangyari.

 

Ang presidente ng Pilipinas ay pwede nang manumpa ng tungkuling pangako sa harap ng isang Barangay Chairman, kaya dapat ay pwede na ring magkasal ang nasabing LGU official. Ang taong nagkakasal ang pangunahing saksi sa pangakong magsasama sa dalawang ikinasal, ang mga ninong at ninang ay suporta lamang. Ganoon din ang nangyayari kung pari ang nagkasal, subalit sinasabi na kung sa simbahan ginawa ang seremonya, ang pangunahing saksi ay ang Diyos o si Hesus. Sa isang banda, kung ang Diyos o si Hesus ay nasa paligid at hindi limitado ang presensiya sa loob lang ng simbahan , sila ay nasa  beach din, restaurant, events venue, lugar ng mga casino tulad ng Las Vegas, basketball court, etc. kung saan ay ginagawa ang Christian ceremony. Ang problema nga lang dito ay ang pirmahan sa “contract” na walang expiration dahil ang ibang nagpapakasal ay nadala lang ng damdamin kaya makalipas lang ang ilang buwan o taon ay nag-uumbagan ang “magsing-irog”  dahil walang maisaing na bigas o di kaya ay dahil sa selos!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s