Ang Mag-anak na Nangangalakal sa Luneta

ANG MAG-ANAK NA NANGANGALAKAL SA LUNETA

Ni Apolinario Villalobos

 

Nang dumaan ako sa Luneta mula sa Pandacan isang umaga ay napansin ko ang mag-asawa na nagpapasuso ng anak sa tsupon subalit ang laman ng bote ay malabnaw na gatas. Tumigil sila upang ayusin ang mga nakasabit na mga boteng plastic sa likod ng stroller kaya nagkaroon ako ng pagkakataong makausap sila. Bunso pala nila ang nasa stroller dahil ilang sandali pa ay may lumapit na tin-edyer sa amin na panganay pala nila. Nang malaman kong galing pa sila sa Tondo ay hindi na ako nagtanong pa kung kumain na silaa dahil mag-iikapito na noon ng umaga. Malamang, dahil wala pa silang naibebentang kalakal, kahit kape ay hindi man lang sila nakahigop.

 

Halata kong hindi naging maganda ang buhay ng mag-asawa dahil nakita ko ang mga braso ng misis na may mga gurlis o natuyong hiwa ng blade, na ginagawa ng mga bangag sa rugby o glue. Ang mister naman ay walang gurlis subalit may mga tattoo. Malinis ang ayos nila, at dahil malayo ang agwat ng panganay sa bunso, ay napagtanto kong matagal din siguro bago nila naisipang magbago, lalo na ngayong si Duterte na ang presidente. Tinanong ko kung kilala nila si Gerry o si Long Hair na na-blog ko na rin, yong gumagawa ng sirang payong sa Roxas Boulevard pero tumatambay din sa Luneta, at sinabi nilang kaibigan daw nila ito.

 

Ibinili ko sila ng “lugaw with egg” sa isang puwesto sa Luneta sa halagang 30pesos isa at tatlong pandesal para tig-isa sila. Tuwang-tuwa sila at noon nila inamin na hindi pa nga sila kumain nang umalis sila sa Tondo. Noon ko naisipang sa susunod naming pagkikita ay  sasamahan ko sila sa pag-uwi nila upang malaman kung malapit lang sila sa Baseco compound na madalas kong pasyalan. Pero nang sandaling yon ay hindi ko muna binaggit upang hindi sila maasiwa sa akin. Ni hindi ko tinanong ang pangalan nila. Pagkatapos mag-iwan ng kaunting cash  sa misis na galing sa  natirang bigay ni “Ms. Di” para pambayad sa paggamit ng CR sa Luneta, pambili ng tanghalian nila, at gatas para sa bunso, iniwan ko na sila, pero pinakiusapan kong doon sila uli tumambay sa bahagi ng Luneta kung saan ko sila nakita dahil may ibibigay pa ako sa kanila kinabukasan. Nag-iwan din ako sa kanila ng trapal at payong, at sa panganay naman ay libro na padala ni “Perla”…kaya biniro ko sila na dahil may payong sila at trapal, rain or shine magkikita kami. Bago ako tuluyang nakalayo ay narinig ko ang nanay na kumanta ng “happy birthday”, hindi ko lang alam kong sino ang tinutukoy niya….baka ang sanggol na kalong niya.

Ang Prosesong Legal

ANG PROSESONG LEGAL

Ni Apolinario Villalobos

 

 

ANG SINASABING PROSESO AY NAGIGING KALASAG NG MGA KRIMINAL NA KAHIT NALITIS AT NAPATAWAN NG PARUSA AY NAKALALABAS PA RIN DAHIL SA KAPANGYARIHAN NG PERA AT IMPLUWENSIYA.

 

KAYLAN NAGING MASAMA ANG ISANG GAWAIN UPANG MATIGIL ANG KRIMEN DAHIL LANG UMABOT SA HINDI MAIWASANG PAGKAPATAY SA KRIMINAL? KAILANGAN PA BANG PATUNAYAN ANG PAGKA-INOSENTE NG KRIMINAL DAHIL LANG SA TINATAWAG NA PROSESO NG BATAS NA WALA NAMANG BINATBAT? ANO PANG EBIDENSIYA ANG HAHANAPIN KUNG ANG KRIMINAL AY HULING-HULI SA PAGGAWA NG KRIMEN? ANO PANG PAGTATAKIP ANG GAGAWIN KUNG MISMONG MGA NAKAKAKILALA SA KRIMINAL ANG NAGSASABING TOTOO NGA ANG PARATANG?

 

LIMITADO ANG PANANAW NG MGA TAONG MAY ADBOKASIYA SA “HUMAN RIGHTS” DAHIL HANGGANG SA KAHULUGAN LANG SILA NG SALITANG “KAMATAYAN” AT “BUHAY” NA ANG TINUTUKOY AY ANG KRIMINAL. HINDI NILA BINIGYANG HALAGA ANG IBA PANG SAKLAW NG MGA SALITANG NABANGGIT DAHIL HINDI NILA ISINAMA ANG KAPAKANAN NG MGA BIKTIMA. MAS NAAAWA PA SILA SA BUMULAGTANG KRIMINAL NA PINATAY DAHIL NAHULI SA AKTO, SA HALIP NA BIGYANG-PANSIN DIN ANG MGA BIKTIMA NA KUNG HINDI NAWALAN DIN NG BUHAY AY HABANG-BUHAY NA MAGDURUSA!

Time for Reckoning of Barangay Real 2 Council Accomplishments

TIME FOR RECKONING

OF BARANGAY REAL 2 COUNCIL ACCOMPLISHMENTS

By Apolinario Villalobos

 

Aside from being the smallest barangay of Bacoor City, this political unit is also under the administration of BJ Aganus, who at forty one is the youngest Chairman. For sure he had a hard time adjusting because he took the place of the three-termer Vill Alcantara, who also did his best during his time.

 

Nevertheless, Kapitan BJ as he is called by his constituents and his council of Kagawad was not fazed by the challenge. I was around when the steel frame of the hall’s extension was assembled to become the roof of a multi-purpose open area. Not contented, he also had the Health Center wing improved. Not long after, a fiberglass flat-bottomed boat was also procured to be used during floods, and which proved very helpful. The barangay has its share of depressed area, an informal settlement along the creek just a few meters from Luzville subdivision.

 

The tiles of the second floor of the hall, used primarily for meetings was refurbished and while this was going on, he requested from the office of Jonvic Remulla, Cavite Governor, for the concreting of the remaining portions of the Perpetual Villalge 5 streets. On the other hand, the roofed basketball court which was initiated during the time of Vill Alcantara had its final phase completed during the early few months of Kapitan BJ. To secure the area covered by the barangay, the volunteers that comprise the contingent were regularly made to undergo briefings and seminars. To further the barangay’s security effort, CCTV cameras were installed at strategic points.

 

As the multi-purpose hall of Perpetual Village 5 proved to be a distance from other subdivisions, a facility for this purposed was constructed beside the basketball court of Silver Homes 1. I was informed that the basketball court will be provided with a roof, too, so that it can be used during the rainy season and together with the one beside the barangay hall, can also be used to provide accommodation to evacuees from flood-prone areas.

 

Since his assumption of responsibilities, Kapitan BJ and his council has also organized medical missions to serve the residents of the barangay and those from the neighboring Panapaan 7 as a gesture of goodwill. Much effort for this project was exerted by kagawad Pojie Reyes whose medical related occupation, contacted friends for their services. For one thing, the barangay chairman will never be forgotten for his effort in the release of certificates of award to the residents of the Padua compound.

 

All indications point to the effort of Kapitan BJ and his council in using to the fullest whatever meager budget the barangay has been provided with.

 

 

Mga Paa Kong Gala

MGA PAA KONG GALẲ

Ni Apolinario Villalobbos

 

Ang mga paa kong galằ

Sa malalayong lugar ako’y dinadala

Kilo-kilometrong kalye ang tinatahak

Aspaltado, sementado, at lubak-lubak.

 

Dahil sa kanila’y naakyat ko

Sa Mindanao ay matarik na Mt. Apo

Pati na ang sa Legasping Mt. Mayon

Bulkang kamangha-mangha’t magayon.

 

Liban sa mga bundok ng ‘Pinas

Nilakbay din namin ang mga palanas

Sa kagubatan ng lunsod ng Maynila

Walang pinipili, liblib o madilim na eskinita.

 

Thank you, Lord sa pagbigay mo

Ng dalawang paang walang reklamo

Maputik man o mabatong matahak

May bubog man o epot na sandamakmak!

 

 

Notes:

magayon – Bikol word for beautiful

sandamakmak – plenty

FEET 1