BUKAS NA LIHAM KAY SENADOR LEILA DE LIMA…
DEAR SENADOR DE LIMA:
Sa talumpati mo noong August 2 sa bulwagan ng senado, sinabi mong maliban sa pagpatay sa mga drug pushers at drug lords ay may ibang paraan pa. Ang mga sumusunod ay katanungan na may kinalaman tungkol dito:
- Totoong may mga batas nang nakalatag upang masawata ang illegal na droga at sinusunod naman subalit ano ang mga nangyayari sa mga nahuli noon?…hindi ba napapakawalan dahil sa piyansa ng mga drug lord financer?…hindi ba ang mga nakakulong na mga drug lords ay nakakapag-operate pa mula sa loob dahil sa malinaw na pakikipagsabwatan nila sa kanilang bantay?…hindi ba sa kabila ng mga batas na yan ay marami ding local government officials ang nasasangkot ngayon?
- Binilang ninyo ang ang pinatay na mga drug pushers at drug lords na ilang daan lang, subalit binilang ba ninyo ang mga milyon-milyon na buhay na nawala at nasira ang kinabukasan?…at, kung ilang milyong pamilya ang nasira dahil sa pagkalat ng bisyong ito hanggang sa pinakaliblib na barangay?
- May magagawa ba ang mga prusisyon ng mga pari at madre upang manawagan sa mga drug pushers at drug lords na tumigil na sa kanilang ginagawa?
- Ang mga batas ng Pilipinas ay kasama sa mga pinakamagaling sa buong mundo, subalit hindi naipapatupad ng maayos dahil sa kutsabahan ng mga gustong kumita…ito ba ang sinasabi ninyong paraan?…paanong nagkaroon ng political dynasty, hindi ba dahil sa mga batas na maraming butas kaya napapaikutan?…paano nagkaroon ng mga ghost projects…hindi ba dahil sa mga “magagaling” na batas nasilipan ng mga butas?
- Hindi ba naging kalihim kayo ng Hustisya noon? Ano ang nagawa ninyo dahil noon pa man ay talamak na ang illegal drugs? Noong huling mga buwan ninyo sa puwesto, bakit hindi pinursige ang pag-raid sa Bilibid? Bakit nakalampas sa inyong paniningin ang mga naglalakihang pasilidad na pinagawa ng mga detinadong drug lords?
Ngayon, nanghihinayang kayo sa iilang buhay na nalagas, mga buhay ng mga drug pushers at drug lords, pero hindi kayo nanghihinayang sa milyon-milyong buhay na nasira dahil sa droga. Alam naman siguro ninyo na maski sa mga liblib na barangay ay mga illegal drugs na at ang bentahan sa iba ay “charged to crop” o pagdating ng anihan ng palay o mais. Hindi maaaring hindi ninyo ito alam dahil may budget kayo para sa “intelligence” bilang kalihim ng Hustisya.
Kung hindi naman ito alam ng mga pinupuri ninyong paring nagkokondena sa mga pagpatay sa mga drug pushers at drug lords, sana ay huwag na silang magtatalak dahil sa kakulangan nila ng kaalaman. Hanggang saan nakarating ang mga paring pinuri ninyo sa privilege speech? Nakapasok na ba sila sa mga slum areas? Naglibot na ba sila sa Maynila lalo na sa gabi upang makita ang mga tunay na nangyayari na may kinalaman sa gutom at isa sa mga dahilan kung bakit namamayagpag ang problema sa droga? Nakita na ba nila ang mga babaeng may edad na at tin-edyer na alas siyete pa lang ng umaga ay nakatambay na sa Avenida upang magbenta ng laman? Nakakita na ba sila ng mga nangangalkal sa basura na nagsubo ng inaamag na pagkain at pinagpagan ng dumi upang maisubo?…..kung ang sagot nila sa mga tanong ay hindi, tumahimik na lang sila at magdasal 24/7!
MARAMING SALAMAT,
Si Juan ito…isang naiinis na mamamayan at nagtatanong kung bakit may mga taong matalino sa mundo subalit hindi ginagamit ito sa tamang paraan, at higit sa lahat ay makasarili.
(Ang liham na ito ay computer-generated kaya walang pirma.)
Ito talaga din nasa loob ko!!
“Binilang ninyo ang ang pinatay na mga drug pushers at drug lords na ilang daan lang, subalit binilang ba ninyo ang mga milyon-milyon na buhay na nawala at nasira ang kinabukasan?”
LikeLiked by 1 person
Reblogged this on Punjetry and commented:
Matagal na akong gustong magsulat tungkol dito pero hindi ko na natapos. Ngayon, nabasa kong itong post ni kuya Peng – kuhang-kuha niya lahat ng nasa loob ko at gusto ko sabihin.
LikeLiked by 2 people
taena pano ba kasi nanalo yan? hahaha.
LikeLiked by 2 people
as expected, minane-obra para masiguro ng partido niya na nasa senado siya upang maghasik ng lagim!….kung magkaroon ng recount, talo siya!
LikeLiked by 2 people
asa pa tayo
LikeLiked by 1 person
Ewan ko. Buti talaga hindi ko siya binoto.
LikeLiked by 1 person
naloko na naman ang mga pinoy sa advertisement neto. isa lang din naman ang masasabi ko sa kanya…
“You had that one job.”
tapos insert ng meme. lol.
…or talagang may nandaya.
LikeLiked by 2 people
Hahaha! Gusto ko yang you had that one job! :))
LikeLiked by 2 people
this po: https://www.google.com/search?q=you+had+that+one+job&source=lnms&tbm=isch&sa=X
naisip ko yan dahil sya yung head ng justice tapos naging five star hotel yung bilibid. she had that one job. dumbf*cker.
LikeLiked by 2 people
Hahahaha! Ang dami nating pwede ilagay na meme for her
LikeLiked by 1 person
Btw, naging maayos ang bilibid – literal na maayos na inayos niyang parang five star hotel hahaha
LikeLiked by 2 people
ako naman, tiandtad ko siya ng blog, naka-apat yata ako…
LikeLiked by 1 person
isa na po ito sa mga pinaka-paborito kong gawa nyo sir. super spot on! nanggagalaiti tuloy akong malaman kung ano ang mga magiging tugon ni Sen . de Lima.
LikeLiked by 2 people
thanks so much…
LikeLiked by 1 person
Reblogged this on emulong and commented:
Hi, Sen. de Lima. I badly hope you read this.
LikeLiked by 1 person
Kaka high blood! Hahahaha
LikeLiked by 1 person
talaga lang…
LikeLiked by 1 person