Ang Pagpapadali ng mga Transaksiyon sa Gobyerno ay may Batas na pala, pero Bakit Hindi Napapatupad?

Ang Pagpapadali ng Mga Transaksiyon sa Gobyerno

ay May Batas na pala pero Bakit Hindi Napapatupad?

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Sa isang interview sa Director ng Civil Service Commission (CSC) ay sinabi nito na may batas na daw para sa pagpapadali ng mga transaksyon sa gobyerno, pero napansin kong kahit wala ngang lunch break, ay wala namang Customer Assistance Desk o Counter sa LAHAT ng mga ahensiya. Kung may “information desk” man, ang nakaupo ay hindi empleyado ng ahensiya kundi guwardiya na namimigay  din ng mga forms. Samantala, kung umasta naman ang ibang mga empleyado ay animo mga “boss”….hindi malapitan upang matanong.

 

Sa interview sa hepe ng CSC, nagpapakalat daw sila ng mga “mystery shoppers” sa mga ahensiya upang palihim na mangalap ng mga impormasyon tungkol sa hindi mabuting pakikiharap ng mga empleyado, pero bakit tila wala pa ring nangyayaring pagbabago kung matagal na pala nilang ginagawa? …at, may naparusahan na ba sila kung mayroon mang nahuli, dahil hindi talaga maaaring wala? …nangako pa ang hepe na ilalathala daw nila ang resulta…AWWW, COME ON!!!

 

Dapat ang repasuhin ng CSC ay ang mga patakaran o mga provision sa Civil Service Code para sa agarang pagdisiplina ng mga mayayabang at pala-absent na mga empleyado. Maliwanag naman na ang problema sa serbisyo nila ay mga taong nasa bandang “ibaba”….mga empleyadong clerk pa lang ay mahahaba na ang sungay! Kahit ilang beses pang magpalit ng hepe kung palpak naman ang performance ng mga nasa counter ay wala ring mangyayaring pagbabago. Ibig sabihin, ang problema ng mga ahensiya ng gobyerno ay “systemic” o naka-ugat sa buong sistema dahil hindi naipatutupad ang mga dapat ipatupad na lalong pinalala ng mahinang leadership.

 

Sa interview naman sa isang taga-Land Transportation Office (LTO), ang mga sagot sa nagtanong na taga-radyo ay PURO MAGAGANDA rin dahil may mga batas na rin pala, lalo na ang tungkol sa mga fixer. Pero, ang tanong pa rin….hanggang salita na lang ba ang mga taga-LTO? Araw-araw, ang mga fixers ay nakikita sa loob at labas ng opisina at animo ay mga empleyado kung kumilos, pero bakit kailangan pang hintaying magmura si Duterte upang “kunwari” ay kumilos ang mga opisyal ng nasabing ahensiya?

 

Ang dalawang nabanggit na mga ahensiya ay ilan lang sa mga hindi kasiya-siya ang performance. Masama mang banggitin ay hindi maiiwasang sabihin na LAHAT ng mga ahensiya ay nangangailangan ng PAGBABAGO NANG PERMANENTE, HINDI NINGAS-KUGON!

 

SANA AY MAGKAROON NG MALAWAKANG BALASAHAN SA LAHAT NG MGA AHENSIYA PAG-UPO NG MGA BAGONG HEPE….LAHAT NA PATI MGA JANITOR AT MESSENGER ISAMA…DAHIL SA BUREAU OF CUSTOMS, MAY ISANG MESSENGER NA NADISKUBRE NOON, NA DAIG PA ANG PRESIDENTE NG KUMPANYA DAHIL SA KANYANG ANIMO AY MILYONARYONG LIFESTYLE!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s