Crimes are not the Brainchild of the Impoverished…as what the “comfortables” insist

Crimes Are Not the Brainchild of the Impoverished

…as what the “comfortables” insist!

By Apolinario Villalobos

 

It is like the vicious cycle which has no clear answer, as to which came first, the egg or the chicken. There’s a popular belief that poverty creates crime, as the need of the impoverished to survive forces him to earn via crimes. But what has not been taken into consideration is the “second party” or the people who “use” the impoverished for their selfish motive. Simply put, drug lords organize “educated pushers” to explore the impoverished areas to recruit “uneducated runners”, as well as, entice the gullible residents – young and old to be hooked to illegal drug.

 

In my long years of association with those living in depressed areas, I learned and observed personally that they can go by with even just one meal a day. Committing crime is far from their mind as they are a contented lot. But when illegal drugs entered their life, and they became hooked to them, they were forced to find ways and means to “earn” so that they can go on with their newly-found habit. In this regard, some of them learned easy-to-earn trades such as snatching, sex peddling or hooking, shoplifting, killing for a fee, petty burglary and drug-running. When they came to Manila, they had no vices except occasional drinking. Foremost in their mind was to work hard with part of their earnings to be sent back home to their families. But, then, well-to-do and impressively educated newfound friends gave them ideas how to earn fast and live comfortably in the city.

 

It should also be noted that in far-flung provinces, life is very simple. Having vegetables and rice for meals is not considered a way of the impoverished. Students walk their way to school. Life is laid back. But when illegal drug is introduced into communities, some of which still have no street lights, a drastic change occurred in the life of the “probinsiyanos”. In this regard, some news heard over the radio and seen as broadcast on TV are about unknown barrios and towns with drug dens raided by authorities, and drug pushers cornered and caught red-handed with marked money!

 

Illegal drugs are residues of progress. For people to enjoy progress, heavy prices must be paid …with the future of the youth that goes puff with every sniff of the melted crystals… or, with the crumpled values and honour, long nurtured in the heart of the gullible squatting residents and “probinsiyanos”.

 

On the other hand, if one insists that poverty creates crime, he is like saying that there are drug laboratories in slums, or the poor can afford to buy and hoard high-powered guns, or they have immense garages for luxury cars used in delivering drugs to avoid detection, or they can afford to organize high-end concerts akin to “tiyangges” so that imported drugs can be sold easily at bargain prices, or they are so clever or well-financed enough as to negotiate for deliveries of kilo-tons of drugs from China, or that offices of illegal recruiters can be found in their midst!

 

Unfortunately, many Filipinos are so comfortably confined within the secured walls of their homes, hence, their knowledge of what are really happening “on the other side” of the country are derived from TV shows and pages of broadsheets. Despite that glaring reality, SOME, IF NOT MANY OF THEM, still have the gall to utter dismay and disbelief….of course, they cannot believe them, because they chose not to open their eyes to the realities of the big chunk of Filipino life!

 

 

Si Mang Ompong…patuloy na pinagkakatiwalaan ng mga taga-PAL

Si Mang Ompong…patuloy na pinagkakatiwalaan

ng mga taga-PAL

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Sa pagkakaalala ko, si Mang Ompong (Rodolfo Frondoso) ay dating team leader ng mga janitor ng Stellar na na-assign sa dating Administrative Office Building (AOB) na ngayon ay Data Center na. Maliit siya at malumanay magsalita. Hindi siya gaanong nag-uutos sa mga janitor na nasa pamamahala niya. Hindi rin niya pinupuna kung para sa kanya ay “bitin” ang ginawang paglinis ng ilan sa kanila, dahil siya na lang ang gumagawa uli upang mapaayos ang kanilang trabaho. Kahit janitor siya, napapakiusapan din siyang bumili ng mga empleyado sa canteen at kahit sa labas ng opisina.

 

Bumilib ako sa kanya nang minsang marami sa mga tauhan niya ang hindi pumasok dahil sa malakas na ulan. Sinalo niya ang lahat ng mga gawain na lalong dumami dahil sa maya’t mayang pag-mop ng sahig sanhi ng ulan. Ni minsan ay hindi ko rin napansing siya ay umabsent.

 

Nang mapalipat ang Division namin sa Vernida building sa Makati, nabalitaan kong nagkasakit siya at muntik nang mamatay. Inopera naman daw at nakaraos. Subalit ang hindi ko alam ay kanser pala sa lalamunan ang naging sakit niya kaya kasama sa operasyon ay ang pagbutas ng lalamunan upang mapasakan ng instrumento na makakatulong sa kanyang pagsalita.

 

Nakita ko si mang Ompong uli nang masalubong ko siya sa Airport Road (Baclaran). Nang batiin ko siya, sumagot subalit sinabayan ng paghawak niya sa kanyang lalamunan at noon ko narinig ang boses na parang galing sa robot. Hindi malinaw ang mga sinabi niya subalit nang sumunod pang mga pagkikita namin ay nasanay na ako kaya naiintindihan ko na ang mga sinasabi niya.

 

Makalipas ang napakaraming taon, nagkita uli kami nang kumuha ako ng alokasyon kong libreng tiket sa PNB Building kung saan naroon ang Administrative Benefits office. Nagkagulatan kami, pero lalo akong nagulat dahil nalaman ko na kahit matagal nang hindi siya janitor ng Stellar na nabuwag na, “konektado” pa rin siya sa maraming empleyado ng PAL na patuloy na nagtitiwala sa kanya bilang “messenger” nila. Wala man siyang buwanang suweldo, ay nakakaraos pa rin siya sa inaabot ng mga nag-uutos sa kanya kaya araw-araw ay nagti-check siya sa kanila kung meron silang iuutos.

 

Ang napansin ko lang ay hindi na gaanong malinaw ang mga sinasabi niya at lalong humina ang “boses” dahil talagang walang akong maintindihan nang mag-usap kami. Kaya upang makuha ko ang tamang pangalan at kontak niya ay isinulat niya ang mga ito sa kapirasong papel. Nang nagtanung-tanong ako sa iba tungkol sa instrumento sa lalamunan, ang sabi sa akin, kailangan din daw palitan ito pagkalipas ng ilang taon. Ang hinala ko, hindi na napalitan ni mang Ompong ang ginagamit niya dahil sa kakapusan sa pera. Inisip ko na lang din na malamang ay idinadaan na lang sa pagsulat ang lahat ng instructions na binibigay ng mga nag-uutos sa kanya.

 

Ang pinakamahalagang nalaman at ikinatuwa ko ay ang tiwalang ibinibigay pa rin sa kanya makalipas ang mahigit tatlumpong taon ng mga dati at bago niyang mga kaibigan sa PAL… isang bagay na bihirang mangyari sa isang taong may kapansanan tulad ni mang Ompong. At ang pinakamatinding dapat tularan ay ang pagsisikap ni mang Ompong na kumita sa malinis na paraan sa kabila ng kanyang kapansanan.

 

Makokontak si Mang Ompong sa cellphone: 09196391930. Huwag lang sana siyang kausapin, at sa halip ay text lang ang gamitin sa pakikipag-ugnayan sa kanya. Ang batiin siya sa pamamagitan ng text ay malaking bagay na para malaman niyang may mga nakakaalala pa pala sa kanya. Kung may ibibigay kayong regalo sa kanya, mas lalong mabuti….

 

OMPONG