Anna…ang eleganteng food vendor sa Roxas Boulevard (Manila)

Anna…ang eleganteng food vendor sa Roxas Boulevard

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Masasabi kong elegante si Anna dahil sa sinasabi sa Ingles na “regal bearing” niya habang nagtitinda ng kape, kendi, at mumurahing sandwich sa isang bahagi ng Roxas Boulevard. Lalo akong nagulat nang walang pangingimi niyang sabihin na ang inabot niya ay Grade One. Hindi na siya nakapagpatuloy ng pag-aaral dahil tumulong siya sa kanyang mga magulang. Isa siyang Tausug, taga-Jolo at ang asawa naman niya ay isang Samal na nagtatrabaho bilang part-time security guard, ibig sabihin, ay “on standby” para magrelyibo o pumalit sa umabsent o aabsent na guwardiya. Lumalabas ang likas na talino ni Anna sa mga sinasabi niya habang nag-usap kami.

 

Una ko siyang napansin nang lumapit siya sa ilang bikers na nagpapahinga at omorder sa kanya ng sigarilyo. Lalong napaaliwalas ng hindi nawawalang ngiti ang likas niyang ganda na pilit lumulutang kahit pinapawisan siya. Kapansin-pansin ang maraming bikers na nagpapahinga at may isang umamin na matagal na nilang suki si Anna sa kabila ng kakaunti nitong paninda dahil mabait daw. Ikinuwento ni Anna na ang ginagamit niyang maliit na kariton ay regalo sa kanya ng isa niyang suking biker.

 

Dahil ang pinag-usapan namin ay tungkol sa buhay-buhay, ini-share niya na sa kabila ng maliit nilang kita, ay napapag-aral pa nilang mag-asa ang dalawa nilang anak…isa sa college at isa sa high school, samantalang ang panganay nila ay may sarili nang pamilya. Nakatulong ng malaki ang mura nilang upa sa bahay kasama ang kuryente at tubig, sa halagang Php2,500, dahil mabait daw ang may-ari. Sa San Andres Bukid sila nakatira na mararating sa loob ng ilang oras na lakaran mula sa Roxas Boulevard. Hindi din daw maiiwasang magalaw niya ang bahagi ng puhunan niya upang magamit kung may emergency, subalit kahit kaunti lang ang paninda ay pinipilit niyang pumunta sa Roxas Boulevard upang magtinda tulad nang Linggong yon nang mag-usap kami.

 

Sa mga Muslim Filipino, ang mga Tausug, tulad ng mga Maranao ay kilala bilang mangangalakal. Sila yong mga dumadayo sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas na karamihan ay nagtitinda sa palengke at bangketa kahit kakaunti ang kalakal. Mapapansin din na kahit sa iisang bilao lang nakalatag ang mga paninda, ang nagtitinda ay maayos ang bihis. Sa murang edad sila ay sinasanay na sa ganitong uri ng pagkikitaan kaya may mapapansing mga tin-edyer pa lang ay may mga sarili nang puwesto. Matiyaga sila kahit ang kinikita sa maghapon ay barya-barya. Ayon na rin kay Anna, ang gusto nila ay kumita ng maayos upang magkaroon ng tahimik na pamumuhay, dahil ayaw nila ng gulo kaya sila pumunta sa Maynila.

Ang Bamboo Xylophone Band sa Roxas Boulevard (Manila)

Ang Bamboo Xylophone Band

sa Roxas Boulevard

ni Apolinario Villalobos

 

 

Sa paglalakad sa Roxas Boulevard ay natawag ang aking pansin sa mga nagkukumpulang tao at may narinig akong tugtog mula sa isang instrument. Bigla kong naalala ang inusyuso kong bamboo xylophones na tinugtog sa iniistambayan ng mga seafarers sa TM Kalaw. Noon ko pa gustong makausap ang may-ari ng bamboo band tungkol sa grupo nila. Nang umagang yon ay nagkaroon ako ng pagkakataong makausap ang may-ari mismo ng banda na si Doy Tamparong at ang maganda niyang anak na si Anne. Habang tinutugtog ni Doy ang isang xylophone, ang isang paa naman niya ay ginagamit naman sa tambol. Si Anne naman ang tumutugtog ng isang xylophone. Marami na raw siyang naturuang tumugtog ng xylophone at ang pinakahuli daw ay ang kanyang anak na si Anne na palagi niyang kasama ngayon.

 

Taga-Pandacan sina Doy Tamparong at matagal na raw silang tumutugtog. Ilang pista na rin ang kanilang tinugtugan at ang nag-imbita pa ang mga opisyal. Inuupahan din daw sila upang tumugtog sa mga birthday party. Kung tumugtog sila sa mga public areas ay naglalagay sila ng garapon sa harap upang lagyan ng mga donasyon mula sa mga nasisiyahang usyuso.

 

Makokontak ng mga interesadong umupa ng kanilang grupo si Anne sa cellphone niya: 09056886681.

 

Another Look at the Philippine Media

Another Look at the Media

By Apolinario Villalobos

 

 

The localized, albeit, persistently exaggerated criticism of Duterte by the media , and which lately has been further inflated by a so-called international group is incomprehensible. In the first place, what Duterte criticized is the involvement of SOME media people in crime, especially, drugs.

 

There is no question on their noble purpose that calls for a lot of sacrifice. But, for fairness sake, they should not look at themselves sweepingly as “sterile” or free from tints of misdoing. Any calling is exposed to temptation…even Jesus underwent this test, but he persisted on fighting the devil which he did successfully. Who among the members of the media can be a Jesus today?

 

Again, if the lawmakers, the police, church workers and many others have admitted that their ranks are tainted with corruption, why can’t the media do the same? They should instead, just admit it and start doing some kind of internal cleansing as what the aforementioned groups are doing. Surely, the media can do it with their numerous “organizations” and “federations” that afford them a feeling of cohesion and security.

 

With the meager pay and with a big family to feed, woe to those who will bite or have already succumbed to the dangled temptation in terms millions of pesos and other comforts of life in the face of the trying times. But I admire those who are steadfast in their avowed noble purpose as heralds of the people despite their deficient remuneration. In the end the only consolation of the honest members of the media who get killed in the field is to be recognized, hence, called “heroes” during eulogy at their wake, a fitting honor that has no monetary equivalent.