Are you ready for a supernatural journey-Charm Dham yatra — Journal Edge

Uttarakhand is known as Dev Bhoomi (Land of Gods), as it is the land of great pilgrimages, sacred temples and places, which attracts millions of pilgrims and spiritual seekers to get enlightenment. “Char” means “Four” and “Dham” means “Abode”. Charm Dham, the four holy abodes, are believed to be the abodes of Hindu gods and […]

via Are you ready for a supernatural journey-Charm Dham yatra — Journal Edge

Camotes: Mangodlong Paradise Resort — The Travel Buff

I am a type of traveler who does not care too much on accommodation. I’m always comfortable staying in a tent or just a small kubo as long as there’s a public comfort room.:) But for this year’s trip to Camotes island, I stayed at Mangodlong Paradise Resort.

via Camotes: Mangodlong Paradise Resort — The Travel Buff

The More You Connect, the More You Grow! — Dream Big, Dream Often

Leave me your social media links in the comments and I and others will LIKE, FOLLOW, PIN and CONNECT! There are around 170 bloggers that have left their social media links in the comments so have at it! I like social media because I can interact more often with other bloggers and on […]

via The More You Connect, the More You Grow! — Dream Big, Dream Often

Mga Kawawang Filipino Senior Citizens

Mga Kawawang Filipino Senior Citizens

Ni Apolinario Villalobos

 

Nakakainis lang isipin na kung para sa mga kurakot, ay may pera, pero kung sa mga may papalipas nang panahon- ang mga senyor… dalawang libong piso na pandagdag sa pensiyon ay dinedbol pa ng papanaog na presidenteng si Pnoy Aquino. Ironically, may panukala ang SSS na itaas ang sahod ng mga executives nila, pero pumalag ito sa dalawang libong pisong dagdag sa pensiyon ng mga miyembro dahil wala raw pondo.  Hindi ba malaking insulto yan sa katalinuhan ng mga Pilipino na palagi na lang ginagawang tanga ng mga hangal at tiwaling namumuno sa ibang  ahensiya ng gobyerno?

 

Hindi lang yan….napakarami pang mga senyor ang mga “able”, may kakayahan, o malakas pa na magpakita ng gilas sa trabaho pero hindi binibigyan ng pagkakataon dahil yon nga….senyor na raw kasi kaya hindi na “dapat” magtrabaho. Paanong magkaganoon, kung ang retirement age ng mga pulis at sundalo ay wala pang 60, at maraming lampas nang 65 na taon pero maliksi pa sa ibang wala pang kwarenta na matamlay dahil ang alam lang na gawin ay manood ng TV kung pumasok na ang mga anak sa eskwela at ang asawa ay sa trabaho, o di kaya ay mag-casino, o mag-ball room dancing, o mag-good time lang sa gabi.

 

Ang mga tumatandang magulang ay nahihiyang “humingi” ng pera sa mga anak. Okey lang sana kung ang mga anak ay kapos din kaya wala talagang maibigay. Subalit para sa mga pilosopo at walang utang na loob na mga anak,  obligasyon daw ng mga magulang ang magpalaki sa mga anak, at least man lang, hanggang umabot sa legal age na 18. Ang kaso lang, may mga magulang na nasobrahan na yata sa obligasyong ito kaya hindi nila naisip ang sariling kapakanan pagdating ng katandaan nila kaya walang naipon man lang habang pilit na iginagapang ang mga anak na ang gustong kurso ay engineering, medicine, Law, etc. Nang maging propesyonal ang mga walang utang na loob na anak, ang mga “mapagmahal” na mga magulang ay naging pulubi naman kaya naiwang nakanganga!

 

Marami akong nakausap na mga matandang sa kalye nakatira na pinalayas daw sila ng mga anak dahil sa panginginig ng kamay nila ay nakakabasag sila ng gamit…pinalayas sila mula sa sarili nilang bahay ng mga suwail na anak na titulado at may kotse na hindi man lang natikmang sakyan ng matanda nilang magulang!

 

May mga nakausap din ako na ang mga maintenance na gamot na tableta ay hinahati para ang isang piraso ay magkasya sa dalawang araw. Mayroon ding walang pambili dahil ang pensiyon ay wala pang tatlong libo isang buwan. Ang iba pa ay nahihiyang magsabi sa anak na palitan o i-refund ang perang nadudukot upang maipambaon sa pagpasok ng apo sa eskwela, kaya walang natitirang pambili ng gamot na pang-maintenance. Ang nakakaiyak ay kuwento ng mga magulang na pinagtataguan ng pagkain ng mga anak, o di kaya ay hindi man lang maipakilala sa mga bisita nilang sosyal!

 

Mabuti na lang dahil kahit papaano ay mga establisemyento tulad ng SM Shoemart malls na nagbibigay sa mga senyor ng trabaho bilang “Mall Receptionists”, at lunsod tulad ng Las Piἧas na humihirang sa kanila upang maging street sweepers. Kaylan kaya susunod ang iba?

 

 

Sala sa Init…Sala sa Lamig (Kulang sa Init…Kulang sa Lamig)

Sala sa Init…Sala sa Lamig

(Kulang sa Init….Kulang sa Lamig)

Ni Apolinario Villalobos

 

Sinasabing dahil sa kapabayaan ng mga nagdaang administrasyon, lumala ang korapsyon at krimen, nangarap ang mga Pilipino ng isang lider na may kamay na bakal at seryoso sa pagpapatupad ng batas. Ibinoto si Duterte na nakitaan ng pag-asa batay sa ginawa niya sa Davao. Subalit hindi pa man nakakaupo ay binabatikos dahil sa “matitigas” niyang sinasabi kung paanong masawata ang kriminalidad na siyang gusto ng bayan.

 

Ang “due process” na lalo pang pinalambot ng “TRO” o temporary restraining order na iniisyu ng korte na minsan nang pinagdudahang may katumbas na halaga, lalong dumami ang mga kasong hindi nakitaan ng resulta at mga biktimang hindi nakatikim ng hustisya. Dahil diyan, umalma ang taong bayan…inakusang korap na rin daw ang justice system sa Pilipinas. Ilang mga tauhan ng gobyerno na ba ang nakakatakas sa responsibilidad dahil sa problemang yan, at ang iba ay mga big time pang sangkot sa droga? Sa kasamaang palad, itong “due process” na inabuso daw ang binabalikan ng mga bumabatikos kay Duterte dahil sa sinabi niya tungkol sa pagkapatay sa isang reporter sa Quiapo, ganoong ang palaging tinutukoy ng galit niya na dapat mawala sa mundo ay ang mga drug lords, drug pusher, mga rapist, gun-for-hire, at magnanakaw.

 

Ang hindi pa umuupong halal na presidente ay hinahanapan na ng butas dahil sa kanyang mga pahayag. Sino ang may pakana nito? Ayaw natin ng pabaya at malambot na presidente, ngayong magkakaroon na ng isang may tapang, kung anu-ano naman ang binabato sa kanya dahil lang sa katigasan niya at dahil ayaw niya ng paulit-ulit na tanong.

 

Kaya hirap umusad nang padiretso ang Pilipinas ay dahil sa ugali nating yan….