Hinahanapan na ng Butas si Duterte Batay sa Kanyang Mga Salita

HINAHANAPAN NA NG BUTAS SI DUTERTE

BATAY SA KANYANG MGA SALITA

Ni Apolinario Villalobos

 

 

TAKEN OUT OF CONTEXT ANG SINABI NI DUTERTE NANG INTERBYUHIN SIYA TUNGKOL SA PINATAY NA REPORTER SA QUIAPO. MALINAW ANG SINABI NIYA NA KARAMIHAN SA MGA TAGA-MEDIA AY MALINIS PERO MAY IBANG HINDI, ISANG KATOTOHANANG ANGKOP DIN SA LAHAT, SA ANUMANG LARANGAN MAN SILA.

 

MASYADONG PINALAKI NG MGA TAGA-MEDIA ANG ISYU. ANG GUSTO YATA NILA AY MASABING LAHAT SILA AY MALINIS. SA KOMUNIDAD NG MEDIA, HINDI MAAARING KUMALAT ANG MGA USAPAN KUNG SINO ANG MGA TIWALI DAHIL SA PANINIWALANG WALANG MAITATAGO SA MATA NG MEDIA KAYA ANG MGA MIYEMBRO AY NAGBUBUWIS NGA NG BUHAY UPANG MAKAPASOK LANG SA MGA DELIKADONG LUGAR. MAY ORGANISASYON NAMAN SILA, BAKIT HINDI NILA LINISIN ANG HANAY NILA?

 

SINAGOT LANG NI DUTERTE ANG TANONG AT WALA SIYANG SINABING ITIGIL NG MEDIA ANG PAGBATIKOS SA MGA TIWALI. AT, WALA RIN SIYANG SINABING DIRETSAHAN NA ANG MGA TIWALI AY BASTA NA LANG PAPATAYIN AT HINDI IDADAAN SA LEGAL NA PROSESO ANG KASO NG MAHUHULI.

 

SA INI-REPLAY NAMAN NG ISANG RADIO STATION NA INTERVIEW NG REPORTER NILA KAY DUTERTE BILANG KARUGTONG SA ISYUNG PAGPATAY NG REPORTER SA QUIAPO UPANG PALABASIN YATA ANG NEGATIVE SIDE NITO, ANG TANONG AY KUNG ILANG BESES NANG NASAGOT NI DUTERTE, NAGKAKAMPANYA PA LANG SIYA…. IPINANGAKO NIYANG WALA SIYANG SASANTUHIN SA MGA MAGKAKAMALING ITATALAGA NIYA KAHIT KAIBIGAN PA NIYA. IBIG SABIHIN. DAHIL DIYAN, LUMALABAS NA PANGUNGULIT NA ANG PAGTANONG NG REPORTER NG NASABING RADIO STATION KUNG BIBIGYAN NI DUTERTE NG TANING, HALIMBAWA AY ANIM NA BUWAN KUNG SINO MAN SA MGA CABINET SECRETARY NIYA ANG MAGKAMALI. SA UGALI NI DUTERTE, TALAGANG MAIIRITA ITO. NABANGGIT NI DUTERTE ANG “EXASPERATION” NIYA SA QUESTION SA PINAKAHULING INTERVIEW TUNGKOL SA INSIDENTE.

 

SA PANANAKOT NG MEDIA COMMUNITY KAY DUTERTE NA HINDI IKOKOBER ANG MGA PRESS CONFERENCE NIYA, BINARA NIYA ITO SA PAGSABING, GO AHEAD DAW, DAHIL NOON PA MAN AY AYAW NA NGA NIYA NG MGA INTERVIEW AT GUSTO PA NIYA ANG MGA KUHA NG CELLPHONE CAMERAS. BAKA MAMIS-INTERPRET NA NAMAN SIYA SA BINANGGIT NIYANG, “SIGE PATAYIN NYO ANG MEDIA”….ANG SISTEMA, HINDI TAO NA MIYEMBRO NG MEDIA.

 

OBVIOUS NA ANG GUSTO LANG NI DUTERTE AY MAGTRABAHO SA BAYAN AT LALONG AYAW NIYA NG MGA INTERBYUNG PANG-SOSYAL O HALATANG PANINIPSIP ANG INTENSIYON!

 

SA PAGREPORT, NAG-UUNAHAN ANG MGA REPORTER SA PAGBALITA NG “SCOOP” KAYA HALIMBAWANG USOK PA LANG ANG NAKIKITA SA BAHAY AY IBINABATO NA AGAD NILA SA KANILANG ISTASYON AT ANG MGA DETALYE AY “TO FOLLOW” PARA MASABING SILA ANG NAUNA AT HINDI ANG IBANG ISTASYON. PAANO KUNG NAGKAROON NG MAKAPAL NA USOK SA INIREPORT NA BAHAY DAHIL NAG-IIHAW PALA NG MARAMING SEA FOODS DAHIL MAY PARTY?

4 thoughts on “Hinahanapan na ng Butas si Duterte Batay sa Kanyang Mga Salita

  1. Hindi ko gusto ang sobrang pagka-prangka niya pero at least hindi siya tulad ng nakararaming politician na lip service lang ang ginagawa at sinasabi lang ang gustong marinig ng mga tao. Hindi ako komportable sa mga sinasabi niyang ipapapatay niya yong mga kriminal. Iba-iba naman ang lebel ng krimen. Siguro medyo liberal pang ang pinaniniwalaan ko kaya hindi ko natatanggap ang ganitong sobrang harsh na punishment. Kulang nalang siguro ay gayahin yong punishment sa Middle Eastern countries na punishment by lashing or punishment by finger cutting. Wag naman sana. Pero I’ll hold my final opinions about him. Kakaupo palang naman niya. Kung mapapabuti niya ang lagay ng Pinas, eh di masaya ako. Pero kung hindi, nakakatakot naman.

    Liked by 1 person

    • We are on the same side. Pero, nag-zero in siya sa mga kriminal na tinutukoy – yong may kinalaman sa drugs, rapists, at gun for hire or outright killers….maramii siyang sinabi to justify his “views” na ang saklaw ay pati panahon noong bata pa siya…he grew up in a depressed area in DAvao….habang tumatanda siya, nakikita niya ang mga unfair practices na prevalent sa ating gobyerno – mga kapabayaan….ang justice system ay hindi maaasahan dahil sa TRO at piyansa although, part sila ng “due process” pero inabuso naman sa Pilipinas….ang mga nagdaang administrasyon ay walang nagawa….ano pa ang option except “kamay na bakal”? …dahil sa “legalities” maraming naabsuweltong may kasalanan dahil kayang magbayad ng magaling na abogado….ano ang nangyari sa Maguindanao Massacre? di ba wala?, at marami pang iba….binigyan niya ng taning ang kanyang sarili….ang gusto ko lang sa kanya ay hindi siya plastik…yong babaeng reporter ay wala na yatang matanong kaya inulit na ang kung ilang beses nang natanong na kung “ano ang gagawin ni Duterte sa cabinet secretary niyang hindi mabuti ang performance, kung bibigyan pa ba ng taning na halimbawa ay 6 months”…nasagot na ang tanong na yan nangangampanya pa lang siya….kaya sa latest interview sa kanya tungkol sa issue, hindi niya napigilang magsabi ng “I was exasperated by the question”, napuno na rin yata dahil pa sa banta na iboboykot daw ang mga press con niya na binara din diya sabay counter ng challenge na “go ahead”. ….malalaman kung naiinis na siya sa mga question na wala namang kabuluhan kapag halos mabulol na siya sa pagsagot dahil siguro sa pagpipigil sa sarili upang hindi magmura….I understand him dahil ganyan din ako….I hope huwag siyang diktahan to adjust his personality dahil president na siya…

      Liked by 1 person

      • Wow, haba. Pero naiintindihan ko naman ang ibig mong sabihin. Parehas kayo ng opinyon ng dad ko tungkol kay Duterte. I acknowledge and respect ‘yong track record niya sa Davao City. In fact, may former blogging buddy ako na doon nakatira at bago pa man ako maging pamilyar sa pangalan ni Duterte, sinasabi na niya na malaki ang nagawa ng mayor Duterte para sa lugar nila. At siyempre alam ko rin kung gaano kakurakot ang gobyerno sa Pilipinas. Ang akin nga lang, masyadong extreme ang mga plano niya. Marami ang nagsasabi na kailangan ng extreme measures para malinis ang napakaduming gobyerno sa Pilipinas; kung tama man sila, makikita natin sa pagpapalakad ng bagong presidente. I admire na talagang prangkang-prangka si Mr. President sa pananalita at wala siyang sinasanto, kaya lang kung minsan parang bordering on bastusan na. But that’s just me. I’m not too fond of his personality but if he can successfully clean up the Filipino government and make the Philippines a great nation again, then I’ll be happy as a Filipino kahit technically hindi na ako Pinoy citizen.

        Liked by 1 person

  2. Through your writing, you are showing “the other side of the coin.”

    It is in media’s nature to criticize… although sometimes they twist the information be ause they have hidden agendas, or are beholden to other parties.

    Media is a good watchdog, to keep the exercise of power in check.

    Sent from my iPad

    >

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s