May Isang Santakrusan…

May Isang Santakrusan…

Ni Apolinario Villalobos

 

Ito’y kuwento ng isang kaibigan ko tungkol sa nangyaring Santakrusan sa kanilang bayan. Una, nag-away daw ang mga mapopormang babaeng nagsisilbi sa simbahan dahil sa isyu ng kung sino ang magiging Hermana Mayor. Ang mga magkakaibigan ay nagkasamaan ng loob. Bandang huli ay nanalo ang isang taga-Amerika na ka-facebook ng parish priest, na biglang  nagbalikbayan. Maski kasi sa Amerika itong babae ay nakakapagpadala pa rin sa pari ng pera para daw sa simbahan, kaya give her a chance daw.

 

Nang mapag-usapan daw noon pa lang na magkakaroon ng Santakrusan ay ibinalita agad ng pari sa kaibigan niyang nasa Amerika kaya bigla itong nagpa-overhaul ng katawan at  nagkumahog na umuwi. Dahil sa dami yata ng inineksiyung gamot o botux sa mukha upang mawala ang mga wrinkles ay namanhid na ito at nawalan ng reaksiyon dahil hindi na makangiti man lang sa mga kapitbahay nang dumating kaya nagkasya na lamang sa pagkaway na ala-Miss Universe at flying kiss. Umalsa rin daw ang boobs at puwet.

 

Ang nakakamangha daw ay parang inilublob sa isang drum na arina ang katawan dahil biglang pumuti, at upang malubos ang mga retoki ay nagpatangos din ng ilong!…ang resulta ay halos hindi siya nakilala ng mga kapitbahay dahil naging golden brown din daw ang buhok! Siya ay halos sisenta anyos na sabi ng kaibigan ko….”halos” lang daw dahil ayaw sabihin ang tunay na edad, ganoong binata pa lang siya (kaibigan ko), naalala niyang nagdiwang ang babae ng ika-55 years na birthday! Ngayon ang kaibigan ko ay may apat nang apo! At, ayaw din daw magpatawag na “lola” sa mga apo…ang gusto ay “mommy”, at ang magkamali ay may isang lumalagapak na palo.

 

Saktung-sakto ang Santakrusan dahil bilang Hermana Mayor ay may choice siya kung gusto rin niyang sumali sa prusisyon. Siyempre, upang ma-display ang kanyang bagong anyo ay nagdesisyon siyang sumali kaya nagpa-rush daw ng gown  sa pinagyabang na halagang Php120,000. Ang tuwang-tuwa ay ang pari dahil umapaw na naman ang donation box ng simbahan sa abuloy ng babae.

 

Kahit umaambon nang araw ng prusisyon ay nag-decide silang ituloy ang Santakrusan kaya kung ilang dosenang itlog daw ang inialay sa estatwa ni Santa Clara na pag-aari ng isang kapitabahay. Natuwa naman daw ang may-ari ng santo dahil nagkaroon naman ito ng negosyong leche flan! Ang swerte nga naman!

 

Dahil ang ibang kalsada sa bayan nila ay hindi sementado, lahat ng laylayan ng mga gown ng mga naglakad na sagala ay nakulapulan ng putik at ang ilang miyembro ng banda ay nadulas sa kaiiwas sa mga lubak. Ang buhok naman daw ng iba ay nagkalaylayan o biglang dumiretso dahil nabasa ng ambon. Ang eye shadow naman daw ng iba pa ay nalusaw.

 

Ang masaklap, nalubak ang traysikad na sinasakyan ng balikbayan na Hermana Mayor at siya ay napamura daw ng pagkalutong-lutong na, “Ay, putang ina”. Hindi man lang inisip na ang prusisyon ay para sa birheng Mariang ina ni Hesus! Pero nakabawi daw naman sa pagsori dahil nagpahabol ng, “ay sorry, SHIT pala!!!” Naalala sigurong galing siya sa Amerika kaya dapat kung magmura siya ay sa Ingles. Nagalit yata si Lord sa kanya kaya nalubak uli ang tryasikad at siya ay nauntog sa kawayang pinagtalian ng payong – swak na swak ang kanyang retokadong ilong at tumabingi dahil bagong repair lang! Tumayo pa kasi upang idespley siguro ang pinatambok na puwet at nagyayabang na dibdib dahil sa silicone kaya chest out na chest out daw!

 

Bandang huli, nagbunga rin daw ang pamimilit ng retokadong balikbayan na maging Hermana Mayor dahil hinding-hinding-hindi na siya makakalimutan ng kanyang mga kababayan bilang babaeng tumabingi ang ilong!

 

ANG LEKSIYON: Huwag nang magpilit na sumali sa Santakrusan at hayaan na lang ito sa mga kabataang may karapatang mag-display ng kanilang tunay o likas na kagandahan, hindi yong pinaputi lang glutathione. Kung maging Hermana Mayor, magpakain na lang ng mga bisita at banda.

 

PAALALA: Kung ang buwan ng Mayo ay itinuturing na panahong inaalay kay Maria, dapat ito ang pagkakataong turuan ang mga kabataan tungkol sa kanya habang sila ay nakabakasyon, hindi yong magpilit na magkaroon ng Santakrusan makapag-display lang ng gown at katawang niretoki ….kaya tuloy kinakarma ang Pilipinas dahil sa ugali ng ibang mahilig gumawa ng mga karumal-dumal na bagay! Napansin ko lang kasi na hindi na ginagawa ang pagturo ng katekismo sa mga bata tuwing Mayo at ang nakagawiang pag-alay sa Birheng Maria. Dati ito ang palaging inaabangan ng mga bata tuwing bakasyon nila sa eskwela.

4 thoughts on “May Isang Santakrusan…

  1. Na-experience ko iyang pag-aalay ng bulaklak sa imahen ng Mahal na Birhen, nang mamasyal kaming mag-anak sa mga simbahan ng Laguna. Mga bata ng baryo, nakasuot ng ordinaryong damit, nakapila sa labas ng simbahan, hawak ang mga bulalak na pinitas nila sa kani-kanilang bakuran… kay gandang tingnan!

    Sent from my iPad

    >

    Liked by 1 person

    • enhance dapat ang santakrusan ng festival for the Virgin Mary….ito ay ang “finding” daw or “discovery” ng cross by the queen mother of Constantine….pero ngayon ay naging parada na ng mga babae at baklang nagpapatalbugan sa suot na gown…blasphemy na dapat ito…

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s