May Isang Santakrusan…

May Isang Santakrusan…

Ni Apolinario Villalobos

 

Ito’y kuwento ng isang kaibigan ko tungkol sa nangyaring Santakrusan sa kanilang bayan. Una, nag-away daw ang mga mapopormang babaeng nagsisilbi sa simbahan dahil sa isyu ng kung sino ang magiging Hermana Mayor. Ang mga magkakaibigan ay nagkasamaan ng loob. Bandang huli ay nanalo ang isang taga-Amerika na ka-facebook ng parish priest, na biglang  nagbalikbayan. Maski kasi sa Amerika itong babae ay nakakapagpadala pa rin sa pari ng pera para daw sa simbahan, kaya give her a chance daw.

 

Nang mapag-usapan daw noon pa lang na magkakaroon ng Santakrusan ay ibinalita agad ng pari sa kaibigan niyang nasa Amerika kaya bigla itong nagpa-overhaul ng katawan at  nagkumahog na umuwi. Dahil sa dami yata ng inineksiyung gamot o botux sa mukha upang mawala ang mga wrinkles ay namanhid na ito at nawalan ng reaksiyon dahil hindi na makangiti man lang sa mga kapitbahay nang dumating kaya nagkasya na lamang sa pagkaway na ala-Miss Universe at flying kiss. Umalsa rin daw ang boobs at puwet.

 

Ang nakakamangha daw ay parang inilublob sa isang drum na arina ang katawan dahil biglang pumuti, at upang malubos ang mga retoki ay nagpatangos din ng ilong!…ang resulta ay halos hindi siya nakilala ng mga kapitbahay dahil naging golden brown din daw ang buhok! Siya ay halos sisenta anyos na sabi ng kaibigan ko….”halos” lang daw dahil ayaw sabihin ang tunay na edad, ganoong binata pa lang siya (kaibigan ko), naalala niyang nagdiwang ang babae ng ika-55 years na birthday! Ngayon ang kaibigan ko ay may apat nang apo! At, ayaw din daw magpatawag na “lola” sa mga apo…ang gusto ay “mommy”, at ang magkamali ay may isang lumalagapak na palo.

 

Saktung-sakto ang Santakrusan dahil bilang Hermana Mayor ay may choice siya kung gusto rin niyang sumali sa prusisyon. Siyempre, upang ma-display ang kanyang bagong anyo ay nagdesisyon siyang sumali kaya nagpa-rush daw ng gown  sa pinagyabang na halagang Php120,000. Ang tuwang-tuwa ay ang pari dahil umapaw na naman ang donation box ng simbahan sa abuloy ng babae.

 

Kahit umaambon nang araw ng prusisyon ay nag-decide silang ituloy ang Santakrusan kaya kung ilang dosenang itlog daw ang inialay sa estatwa ni Santa Clara na pag-aari ng isang kapitabahay. Natuwa naman daw ang may-ari ng santo dahil nagkaroon naman ito ng negosyong leche flan! Ang swerte nga naman!

 

Dahil ang ibang kalsada sa bayan nila ay hindi sementado, lahat ng laylayan ng mga gown ng mga naglakad na sagala ay nakulapulan ng putik at ang ilang miyembro ng banda ay nadulas sa kaiiwas sa mga lubak. Ang buhok naman daw ng iba ay nagkalaylayan o biglang dumiretso dahil nabasa ng ambon. Ang eye shadow naman daw ng iba pa ay nalusaw.

 

Ang masaklap, nalubak ang traysikad na sinasakyan ng balikbayan na Hermana Mayor at siya ay napamura daw ng pagkalutong-lutong na, “Ay, putang ina”. Hindi man lang inisip na ang prusisyon ay para sa birheng Mariang ina ni Hesus! Pero nakabawi daw naman sa pagsori dahil nagpahabol ng, “ay sorry, SHIT pala!!!” Naalala sigurong galing siya sa Amerika kaya dapat kung magmura siya ay sa Ingles. Nagalit yata si Lord sa kanya kaya nalubak uli ang tryasikad at siya ay nauntog sa kawayang pinagtalian ng payong – swak na swak ang kanyang retokadong ilong at tumabingi dahil bagong repair lang! Tumayo pa kasi upang idespley siguro ang pinatambok na puwet at nagyayabang na dibdib dahil sa silicone kaya chest out na chest out daw!

 

Bandang huli, nagbunga rin daw ang pamimilit ng retokadong balikbayan na maging Hermana Mayor dahil hinding-hinding-hindi na siya makakalimutan ng kanyang mga kababayan bilang babaeng tumabingi ang ilong!

 

ANG LEKSIYON: Huwag nang magpilit na sumali sa Santakrusan at hayaan na lang ito sa mga kabataang may karapatang mag-display ng kanilang tunay o likas na kagandahan, hindi yong pinaputi lang glutathione. Kung maging Hermana Mayor, magpakain na lang ng mga bisita at banda.

 

PAALALA: Kung ang buwan ng Mayo ay itinuturing na panahong inaalay kay Maria, dapat ito ang pagkakataong turuan ang mga kabataan tungkol sa kanya habang sila ay nakabakasyon, hindi yong magpilit na magkaroon ng Santakrusan makapag-display lang ng gown at katawang niretoki ….kaya tuloy kinakarma ang Pilipinas dahil sa ugali ng ibang mahilig gumawa ng mga karumal-dumal na bagay! Napansin ko lang kasi na hindi na ginagawa ang pagturo ng katekismo sa mga bata tuwing Mayo at ang nakagawiang pag-alay sa Birheng Maria. Dati ito ang palaging inaabangan ng mga bata tuwing bakasyon nila sa eskwela.

Isang Simpleng Paalala Tungkol sa “Diyos”

ISANG SIMPLENG PAALALA

TUNGKOL SA “DIYOS”

ni Apolinario Villalobos

 

 

HINDI KAILANGANG KASAPI SA ISANG SIMBAHAN O GRUPO NG MANANALAMPALATAYA ANG ISANG TAO PARA LANG MAGKAROON NG PANINIWALA SA ISANG “PINAKAMAKAPANGYARIHAN” NA NAGLALANG O NAG-CREATE SA LAHAT NG BAGAY SA SANLIBUTAN, AT KUNG TAWAGIN NG MGA MORALISTA AT RELIHIYOSO AY “DIYOS”.

 

ANG “DIOS” NA SALITANG LATIN AY HANGO SA PANGALANG “ZEUS” NA LIDER NG MGA DIYOS-DIYOSAN NG MGA PAGANO SA ROMA AT IBA PANG ISLA NG MEDITERRANEAN. ANG ROMA AY DATING PAGANO KAYA MARAMING SEREMONYAS NA GINAGAMIT SA SIMBAHANG KATOLIKO ANG HANGO SA MGA GAWING PAGANO, PATI ANG MGA KAPISTAHAN AT MGA GINAGAMIT NA PANGALAN NG MGA ARAW AT BUWAN SA KALENDARYO NG KRISTIYANO.

 

GINAMIT ANG MGA INOOBSERBAHANG KAPISTAHAN AT SEREMONYAS NG MGA PAGANO UPANG DUMAMI ANG MGA CONVERTS SA ROMANO KATOLIKO. DAHIL PA RIN DITO AY ANIMO NAG-IMBENTO NG MGA KAPISTAHAN ANG SIMBAHANG ROMANO KATOLIKO UPANG MAIPAGPATULOY LANG NG MGA PAGANONG CONVERTS ANG DATI NA NILANG GINAGAWA TULAD NG “SATURNALIA” NA GINAWANG “CHRISTMAS” NG SIMBAHANG ROMANO KATOLIKO AT GINAWA PANG DAHILAN ANG BIRTHDAY DAW NI HESUS GANOONG HINDI PA TALAGA NAPAPATUNAYAN ANG TUNAY NA ARAW, SUBALIT AYON NAMAN SA MGA MAPAPAGKATIWALAANG MANANALIKSIK AY TUMAPAT DAW SA UNANG LINGGO NG BUWAN NG ABRIL.

 

ANG MGA NAGISING SA KATOTOHANANG MGA ROMANO KATOLIKO NAMAN NA NAKAPAG-ISIP NA PARA LANG SILANG GINUGUYO, AY NAGTATAG NG MGA SIMPLENG GRUPO KUNG SAAN AY TALAGANG MGA SALITA GALING SA BIBLIYA ANG PINAG-UUSAPAN UPANG MAGAMIT SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY. DAHIL DIYAN NAGSULPUTAN ANG MGA “CHRISTIAN GROUPS” AT IBA’T IBANG LOKAL NA SEKTA NG ROMANO KATOLIKO NA LALO PANG LUMALAGO HABANG NAKIKITAAN NG KAHINAAN ANG SIMBAHANG ROMANO KATOLIKO.

 

ANG ROMANO KATOLIKO AY NAGKAROON NG “SANTO PAPA” NA ANG PUWESTO AY DATING “BISHOP” LAMANG SUBALIT SA KAGUSTUHAN NG MGA BISHOP NA TAGA-ROMA NA KILALANING PINUNO NG IBA PANG MGA OBISPO DAHIL NASA VATICAN SILA NA TINUTURING NILANG SENTRO NG KATOLISISMONG ROMANO, IPINILIT NILA ANG GANITONG TITULO O “TITLE” HANGGANG BANDANG HULI, ANG PAGPILI AY IDINAAN NA RIN SA BOTOHAN NG IBANG MGA OBISPO – ISANG URI NG PULITIKA SA LOOB NG SIMBAHANG ROMANO KATOLIKO. SINO NGAYON ANG NAGSASABING WALANG PULITIKA SA SIMBAHANG ROMANO KATOLIKO?

 

ANG PAGRERESPETO SA LAKAS NG KALIKASAN TULAD NG KAHOY, ILOG, BUNDOK, ETC. AY ISANG “PAYAK” NA URI NG PAGRESPETO SA “LAKAS” NA ANG IBA AY NAGBIBIGAY NG BUHAY TULAD NG TUBIG, AT GINAGAWA NAMAN NG MGA KATUTUBO. ANG MGA “LAKAS” NA ITO AY MGA PAKITA O PRUWEBA O MANIFESTATION NG ISA PANG LAKAS, ANG “PINAKAMAKAPANGYARIHAN” SA LAHAT. IBIG SABIHIN, HINDI MAN KASAPI SA SIMBAHAN O KUNG ANONG GRUPO ANG MGA KATUTUBONG ITO, NANINIWALA PA RIN SILA SA “PINAKAMAKAPANGYARIHANG LAKAS” NA HINDI NILA KAILANGANG TAWAGING “DIYOS” O “DIOS”. SUBALI’T PARA SA IBANG MORALISTA AT RELIHIYOSO, DAHIL HINDI KASAPI ANG MGA KATUTUBO SA ANUMANG SIMBAHAN AY WALA NA SILANG KARAPATAN UPANG “MAKALIGTAS” PAGDATING NG ARAW NG PAGHUKOM NA ISANG KAHANGALAN!…SIGURADO BA SILANG MAKAKALIGTAS GANOONG ANG IBA SA KANILA AY NAMUMULAKLAK ANG BIBIG SA PAGMUMURA KAHIT KALALABAS LANG NG SIMBAHAN, O ENJOY NA ENJOY SA PANINIRA SA NANANAHIMIK PERO KINAIINGGITANG KAPITABAHAY?

 

SA PAGIGING “CORNY” NG MGA MORALISTA AT MGA RELIHOYOSO KUNO, SA HALIP NA MAKAHIKAYAT O MAKAAKIT SILA NG MGA TAO UPANG SUMAPI SA KANILA, LALO PA NILANG INIINIS ANG MGA TAONG ANG GUSTO LANG AY SIMPLENG PAGHIKAYAT – SA PAMAMAGITAN NG MGA MAKATAONG GAWA AT HINDI NG MGA KAHANGALANG SALITA!

 

PARA SA AKIN AY WALANG MASAMANG RELIHIYON, ANG NAGPAPASAMA SA KANILA AY ANG MGA BULAG SA KATOTOHANAN AT MGA “CORNY” NA NAMUMUNO AT MGA KASAPI. KAWAWA ANG MGA NADADAMAY NA KASAPING  TALAGANG BUKAL SA KALOOBAN ANG PANANAMPALATAYA. DAPAT MAKINIG SA MGA SINASABI NG BAGONG SANTO PAPA ANG MGA ROMANO KATOLIKO DAHIL ANG GUSTO NIYA AY MABAGO ANG MGA NAKASANAYANG MALING GINAGAWA NG MGA KASAPI.

 

Ang Hirap sa Ibang Moralista Daw…hindi “pangtao” ang kanilang pananaw

Ang Hirap Sa Ibang Mga Moralista Daw

…hindi “pangtao” ang kanilang pananaw

Ni Apolinario Villalobos

 

Mahirap intindihin ang ibang mga moralista dahil sa pagtanggi nilang ibalik ang hatol na kamatayan. Para sa kanila, ito daw ay labag sa utos ng Diyos. Nandoon na ako sa utos ng Diyos na bawal ang pumatay pero ito ay kung para sa pansariling kapakanan tulad ng pagnanakaw kaya dapat litisin ang pumatay, lalo na ang pumatay dahil sa pagdepensa sa sarili lamang.

 

Subalit sa isa pang kautusang huwag pagnasahan ang kapwa o “asawa ng kapitbahay” na literal na translation ng “thou shall not covet thy neighbor’s wife” kaya humahantong sa rape o panggahasa…na sa panahon ngayon ay palagi nang ginagawa dahil sa droga, kaya pati nanay o lola ay nagagahasa na ng addict….ANO ANG MASASABI NG MGA MORALISTANG ITO? NGINGITI NA LANG BA O DI KAYA AY MAGTAAS NG MGA KAMAY SA LANGIT, SABAY SIGAW NG “PRAISE THE LORD!”?

 

NGINGITI NA LANG BA ANG ISANG INA O AMA O MGA KAPATID KUNG MASALUBONG NILA ANG NANGGAHASA SA KANILANGANG ANAK O KAPATID NA HINDI NALILITIS GANOONG ALAM NA NG BUONG BAYAN ANG KANYANG GINAWA, PERO NAKAKALAYA DAHIL ANAK O PAMANGKIN NG MAYOR O MAYAMANG NEGOSYANTENG MADALAS MAG-DONATE SA SIMBAHAN AT KUNG MAY PISTA SA BAYAN? AT KUNG MAKASUHAN MAN KUNO KAYA NAKULONG KUNO AT MAKALIPAS ANG ILANG BUWAN AY NAKALAYA AT NANGGAHASA ULI DAHIL TALAGANG BISYO NA NIYA ITO, LALO PA AT ADDICT PALA….ANO ANG MASASABI NG MGA MORALISTA?…”PRAISE THE LORD?”

 

ISANG TANONG: MAKATARUNGAN BA ANG “DIYOS” NG MGA MORALISTANG ITO?

ANG GUSTO YATA NILANG MANGYARI AY GAYAHIN NG TAO ANG ASO NA PAGKATAPOS MAGKASTA O MAKA-PANGANGKANG SAAN MANG LUGAR – GITNA NG BASKETBALL COURT O KALSADA O PLAZA O HARAP NG SIMBAHAN O LABAS NG GATE NG BAHAY, ETC. AY PARANG WALA LANG NA AALIS NA, AT BABALIK ULI SA PANAHON NG TAGLIBOG UPANG MAGKASTA O MANGANGKANG ULI NG IBANG ASO!!!