Talagang Mabait ang Diyos…

Talagang Mabait ang Diyos…

Ni Apolinario Villalobos

 

Noon ay may nai-blog akong tin-edyer na nagpo-prosti sa Avenida upang makapag-aral, at nang malaman ng kaibigan kong mag-asawang retirado ay inampon nila upang pag-aralin. Katatanggap ko lang ng email mula sa lalaking asawa na foster father ng bata upang ibalita na tuluyang nawala ang lumalaking bukol niya sa colon. Ang prostrate naman niya ay nabawasan ang pamamaga at nakawala na siya sa warning para magkaroon ng cancer kaya hindi na itinuloy ang operasyon na dapat sana ay noong nakaraang buwan. Nawala naman ang panginginig ng kanang kamay ng kanyang misis na inakala nilang dala ng katandaan. Nakakahawak na daw ito ng mga bagay at hindi nahuhulog. Itinuturing nilang ang mga ito ang kapalit sa kabutihang ginawa nilang pag-ampon sa batang prosti.

 

Ang isa pang mag-asawang nai-blog ko rin at inabandona na ng mga sariling anak kaya hirap sa pagbili ng mga gamot na pang-maintenance ay nagbalita naman na unti-unting bumabalik ang loob ng mga anak nila sa kanila. Tuwing Linggo ay pinapasyalan na sila ng mga anak at apo nila upang mag-bonding sa tanghalian. Masama ang loob ng mga anak nila noon nang mag-ampon ang mag-asawa ng isang batang namumulot ng junk sa kanilang subdivision. Kung bakit daw nag-ampon pa kahit wala nang pera, kaya tinikis sila ng mga anak nila. Masipag ang bata at nakatulong pa sa mag-asawa dahil nagtanim ito ng mga gulay sa mga bakanteng lote upang makapagtinda ng talbos sa Zapote market. Dahil nakitaan ng magandang ugali ang bata ay pinangakuan siya ng tulong ng mga anak ng mag-asawa para sa kanyang pag-aaral. Noon, kahit hirap ang mag-asawa sa pera ay hindi nila pinabayaan ang bata na bandang huli ay nakatulong pa sa kanila dahil nagpatuloy pa rin ito sa pamumulot ng junks at nagtinda rin ng mga gulay mula sa kanyang mga garden.

 

Ang nabiyayaan naman ng maliit na halaga upang madagdagan ang niluluto niya sa maliit niyang karinderya sa Luneta, si Myrna, ay nag-ampon rin ng batang gala (street child) na pakalat-kalat sa Luneta. Sa pasukan ay magi-enroll ang bata sa isang elementary school sa Paco, sa tulong ng nakilala niyang titser dahil walang birth certificate ang bata. Samantala, pilit pa ring hinahanap ang mga magulang ng bata na hanggang ngayon ay nagsasabing ayaw nang umuwi sa kanila dahil sinasaktan siya palagi ng tatay niyang lasenggo at ng kabit nito. Ang nanay naaman daw niya ay may iba na ring asawa.

 

Si Imelda naman, ang babaeng “barker” sa Lawton na natagpuan ng mga kamag-anak dahil sa ginawa kong blog, ay nakatulong sa isang istambay sa lugar na yon, na gustong umuwi sa Masbate. Nilapitan ni Imelda ang isang kaibigan na taga-Masbate at pinakiusapang baka pwedeng isabay ang istambay sa pag-uwi at pumayag naman.

 

Ang mga nabanggit ay ilan lang sa mga patunay na hindi bulag ang Diyos…na Siya ay mabait.

 

 

Ronald Gadayan…Gem of Honesty

I composed and posted the poem the day after I read about his honesty. Politicians grabbed the limelight by making “promises” as usual, and which not a single one materialized…

 

 

Ronald  Gadayan

…Gem of Honesty

By Apolinario B. Villalobos

 

For someone in need of money,

To earn by dint of hard work

Should be the chosen way,

But those who find it not easy

To be diligent in all they do,

Find it hard to firmly say “no”.

 

In the world we have today,

Seldom can there be found

Those with heart that still beat

With love, good morals and ethics,

But not a certain Ronald Gadayan –

Many times proven – an honest man !

 

Labored to earn since age seventeen,

All that Ronald wanted, then

Was help his mother honestly earn,

For he saw her sacrifice for all their sake,

From morn till night – a sight

That until now, he can’t forget.

 

Waking up, to God, he fervently prays

To give him strength and he, be safe

Also his wife, his kids, the three of them

Be well, healthy and from danger spared,

Simple prayer from Ronald’s heart –

With all sincerity, and humbly said.

 

(Ronald Gadayan is an employee of Manila International Airport Authority (MIAA), assigned at the Terminal 2 as building attendant. He found a bag containing Php600,000, cash, an expensive watch, cellphone and jewelries on September 5, 2012 at the south wing departure area which he turned over to his superiors. Despite his meager earning that gives him less than Php10,000 a month, he was not tempted to keep what he found. He has three kids, ages nine, six and two years. The two elder children both go to school. His wife is jobless. At 28, he espouses honest living deeply embedded in his heart by his mother who brought him and his siblings, alone as a single parent.)

Forevermore’s LA PRESA

The Wanderlust Keeper

Forevermore’s LA PRESA

          Many people were going abuzz about the romantic relationship of Agnes and Xander of FOREVERMORE, a television series here in our country. They seemed to vicariously feel in  love again and would cheer in positivity that forever exists. My companions love this show. Then, last February, when we had an official trip to Baguio City, they would never let go the chance of visiting La Presa, the famous setting of the show Forevermore. Fortunately,…

View original post 541 more words

Benjamin Surbano: “Aguador” o Taga-igib sa Gulang na 61 Taon

Benjamin Surbano: “Aguador” o Taga-Igib sa Gulang na 61 Taon

Ni Apolinario Villalobos

 

Isang Linggo, mula Baseco (Tondo) ay naglakad uli ako papuntang Sta. Cruz. Binaybay ko ang kahabaan ng C.M. Recto Ave. at tulad ng nakaugalian ko, bago makarating ng Avenida ay kumanan na ako sa F. Torres upang magkape sa paborito kong kapihan sa isang bangketa. Noon ko natiyempuhan si Benjamin (Ben) Surbano na nagbababa ng konti-container na tubig para sa may-ari ng kapihan. Puting-puti na ang buhok ni Ben at inakala kong nasa gulang na siya na 70-pataas, lalo pa at ang kanyang mukha ay marami na ring gatla (wrinkles). Tinulungan ko siya sa ikalawang container dahil muntik na siyang matumba at nang makabawi ng lakas ay hinayaan ko nang ibaba niya ang ikatlo. Sa bawa’t container ay kumikita siya ng sampung piso para sa paghakot. At, nang araw na yon dahil Linggo ay iilan lang ang nagpaigib.

 

Buong linggo ang pag-igib ni Ben ng tubig para sa mga kostumer niya. Pagdating ng hapon ng Linggo ay umuuwi silang mag-asawa sa Baseco (Tondo). May tatlo silang anak na ang mga gulang ay mula 19 hanggang 12 taon, lahat ay nag-aaral, at nagdidiskarte na rin para kumita. Ang asawa naman ni Ben na si Mariel ay nagpa-parking ng mga sasakyan sa isang maikling bahagi ng Soler St., kanto ng F. Torres, na katapat ng mga tindahan ng mga pandekorasyon at pambahay na ilaw. Sa umaga ay nililinis ni Mariel ang bahaging yon ng kalye upang ipakita ang kanyang pagmamalasakit sa mga may puwesto. Kung walang nagpapa-park ng sasakyan ay nagtitiyagang magbenta si Mariel ng ilang pirasong gadgets tulad ng maliliit na ilaw na nabibili niya sa mga puwesto na rin pero may discount upang mapatungan pa niya ng tutubuin.

 

Ang isang bahagi ng sidewalk na pababang hagdan ng isang puwesto ay nagsisilbing tulugan ng mag-asawa sa gabi. Karton ang sinasahig nila sa semento at wala silang kulambo kundi iisang kumot.

 

Mayroong “sidecar” (maliit na traysikad) ang mag-asawa subalit ito ay ninakaw, apat na araw nang nakaraan. Nagising na lang daw sila na wala na ang “sidecar”. Ito sana ang dapat na ginagamit ni Ben sa pag-igib ng tubig upang hindi siya nahihirapan. Subalit dahil ninakaw, nagtitiyaga na lang siya sa hinihiram na kariton. Masuwerte kung hindi ginagamit ng may-ari ang kariton, dahil kung magkaganoon, ay hihintayin pa ni Ben na mabakante ito bago niya magamit at hindi niya alam kung anong oras sa buong maghapon kaya hindi tuloy siya nakakapag-igib ng maramihan. Nagulat ako nang sabihin ni Mariel na apat na beses na daw silang ninakawan ng “sidecar”, kaya ang mangyayari ay pag-iipunan na naman daw nila ng kung ilang taon bago makabili uli ng bago o second hand man lang.

 

Taga-Boac, Marinduque si Ben at 12 taong gulang pa lang daw siya nang makarating sa Maynila dahil sa kahirapan ng buhay sa probinsiya. Tulad ng iba pang galing sa probinsiya na nakipagsapalaran sa Maynila, nakitira din muna siya sa mga kamag-anak at dumiskarte upang kumita. Ang Baseco ay malapit sa Divisoria at basta pairalin lang ang tiyaga at kasipagan ay hindi magugutom ang isang tao, at ito ang nangyari kay Ben hanggang sa magka-pamilya. Upang maiba naman ang diskarte ay sinubukan nilang makipagsapalaran sa Sta. Cruz, kaya nauwi sa pagpa-parking ng sasakyan si Mariel at pag-iigib ng tubig si Ben. Tulad ni Ben, maliit lang din ang kinikita ni Mariel dahil umaasa lang siya sa kusang iaabot ng mga nagpapa-park, mula lima hanggang sampung piso, at pinakamalaki na ang dalawampung piso.

 

Sa kabila ng kahirapang pinagdadaanan ng mag-asawa upang kumita sa malinis na paraan ay hindi sila nakikitaan ng pagkabagot. Tulad ng ibang naging kaibigan ko na nasa parehong kalagayan, pinapahiwatig nila na ang mabuhay at magkaroon ng mga anak ay maituturing nang malaking utang na loob sa Maykapal na dapat ipagpasalamat.