May idad na ako talaga! Natatandaan ko pa iyong mga mumurahing sinehan na double-program ang palabas, walang air-con ang bulwagan, at kung minsan may surot sa mga silya. Isa pang bahagi ng nasabing “2nd-run sine experience” ang mga naglalako ng sitserya sa loob ng sinehan, nagsasabi ng “Hopia, Mani, Popcorn!” kahit may dialog na kailangang marinig ang mga manonood.
Ang tatlong sitseryang nasabi — hopia, mani, popcorn — ay katunayan na ang Pilipinas ay tunay na “cosmopolitan.”
Ayon sa Oxford Dictionaries, ang taong cosmopolitan ay sanay at gamay gumalaw sa iba’t-ibang bansa at kultura. Siya ay maraming karanasan sa mundo, sanay sa karangyaan nguni’t hindi asiwa sa kahirapan, pino sa kilos at salita, may “class” magdala ng damit kahit hindi ito mamahalin, at kasundo ang halos lahat ng kapwa. Masasabi mo bang ikaw ay cosmopolitan?
Balik tayo sa sinehan. Alam ba ninyo na hindi katutubong pagkain…
View original post 512 more words