Tanim-bala Na Naman…Dapat Imbestigahan din ang Nagtutulak ng Wheelchair!

TANIM-BALA NA NAMAN…

DAPAT IMBESTIGAHAN DIN ANG NAGTUTULAK NG WHEELCHAIR!

Ni Apolinario Villalobos

 

NAKAKAHIYA ANG GOBYERNO AT ANG NAIA MANAGEMENT!

Maliwanag ang nakakasusulasok na kapabayaan ng NAIA management. Iisang bala na nakuha raw sa bag ng isang matandang babaeng pasahero ay naging dahilan upang hindi matuloy ang pagsakay nito papunta sa Amerika upang magpagamot. Walang nakita sa unang dalawang X-ray, subalit sa ikatlong X-ray ay nakitaan ng bala. Ito yong X-ray na ginagamit bago sumakay sa eroplano ang mga pasahero kaya kung may problema ay siguradong kakagat sa panggigipit kung may “problema” tulad ng “makitang” bala.

 

Ang matanda ay nakasakay sa wheel chair at itinutulak ng porter. Ayon sa pamangkin, nagtitinginan daw ang porter at ang mga nago-operate ng X-ray. Bukas ang isang bahagi ng bag. Hindi maiiwasang mahawakan ng porter na nagtutulak ng wheelchair ang gamit ng matanda kung ito ay “alalayan” niya sa pagsakay at pagtayo.  Nang makita sa X-ray screen ang bala, may narinig ang pamangkin ng matanda na pasahero din mula sa grupo ng mga NAIA personnel na nagsabi ng “naku!…mahina ang fifty thousand diyan…”. BAKIT HINDI RIN IMBESTIGAHAN ANG PORTER NA NAGTULAK NG WHEELCHAIR, MALIBAN SA MGA X-RAY OPERATORS? Walang magic na nangyayari….common sense at matinding analysis lang ang kailangan!

 

Pinatayo daw ng mga airport police ang matandang naka-wheelchair upang magbukas ng iba pa niyang bagahe. Kahit hirap ay tumayo ang matanda kaya napaiyak na lang sa awa ang kasamang pamangkin. Ang pamangkin ay pinilit ng matandang sumakay na dahil nag-aapura sa boarding. Ang naiwang matanda ay maghapong pinalipat-lipat ng mga opisina hanggang sa makarating siya sa opisina ng piskal upang sampahan ng kaso. Bahit hindi na lang kinumpiska ang nag-iisang bala lalo pa at isang matanda ang may dala? Bakit hindi ito ituring na tulad ng ibang “dangerous goods” tulad ng lighter, gunting, etc.? Nakamamatay ba ang nag-iisang bala kung wala namang trigger ng baril na pipitik dito?

 

Ang hindi maintindihan sa mga pangyayaring ito ay kung may common sense ba ang mga airport police at X-ray operators na mga empleyado ng DOTC, ba o wala. Ano na ang nangyari iba pang kaso at nasaan ang mga ebidensiya, dahil ayon sa mga report ay wala naman daw kundi log reports lang? May natanggal bang airport police at X-ray operators?

 

BAKIT NANDIYAN PA ANG MANAGER NG NAIA NA NAGSASABING HANGGANG COORDINATION LANG SIYA?….AT, ANO ANG MASASABI NG DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS, LALO NA NG MAGALING DAW NA PRESIDENTE NG PILIPINAS!

 

NOONG PANAHON NI GLORIA ARROYO, PROBLEMA LANG SA PARKING LOT NG NAIA AY NAGING DAHILAN NA UPANG SIYA AY PERSONAL NA MAG-CHECK SA MADALING ARAW…UNANNOUNCED KAYA HULING-HULI ANG MGA PABAYA! NGAYON, WALANG MAASAHANG TULAD NITO ANG TAONG BAYAN!

 

TAKE NOTE…..ANG MGA TAONG NABANGGIT AY HINDI NAGMUMURA…GANOON PA MAN, “DISENTE” BA SILA SA KABILA NG MGA PERHUWISYONG DULOT NG KANILANG KAPABAYAAN?

4 thoughts on “Tanim-bala Na Naman…Dapat Imbestigahan din ang Nagtutulak ng Wheelchair!

  1. Dati ang nagtutulak ng wheelchair ay sasama sa pasahero hanggang mag-boarding ng aircraft. Lately, isinasalin at a certain point ang wheelchaired passenger sa ibang taga-tulak… And then again… hanggang makarating sa boarding area. I think pakana nila para tatlong beses magbigay ng tip ang pasahero. Hindi nahuhuli sa katusuan ang mga trabahador sa airport! Makala-karma din sila.

    Sent from my iPad

    >

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s