Dapat “Magpaka-disente” ang mga Botante…Piliin ang Iboboto: Ang Kurakot? Ang Walang Gulugod kaya Sumasandal sa Iba? O, Ang Nagmumura dahil Galit sa mga Magnanakaw, Drug Pusher, Rapist, etc.!

Dapat “Magpaka-disente” ang mga Botante…

Piliin Ang Iboboto: Ang Kurakot?  Ang Walang Gulugod kaya Sumasandal sa Iba? O, ang Nagmumura Dahil Galit sa mga Magnanakaw, Drug Pusher, Rapist, etc.!

 

Ni Apolinario Villalobos

 

Kung gagamitin ang mismong sinabi ni Roxas na “magpaka-disente” daw ang mga botante,

ipinahihiwatig niyang huwag iboto si Duterte dahil nagmumura kaya hindi disente….kulang na lang ay sabihin niyang nakakahiya ang ugali.  Ang pinagbatayan na naman ng kanyang sinabi ay ang mahigit dalawang dekadang kaso ng pag-rape at pagpatay sa isang dayuhang misyonarya kung kaylan, dahil sa sobrang galit ay nagbitaw si Duterte ng mga hindi magagandang salita, na pinagsisihan na rin niya. Kaya, ano ang problema ng mga kalaban niya?…gusto yata nila ay umatras si Duterte dahil sa ginawa niyang yon!

 

May mga “salitang kanto” na lumalabas sa bibig ng ibang taong nanggagalaiti galit. Subalit hindi nangangahulugang ang taong marunong ng salitang kanto ay hindi na disente, bagkus ito ay patunay ng kanyang malawak na kaalaman dahil pati salitang kanto ay alam niya. Para yata sa mga disenteng edukado daw at mga mayayaman pero may makitid na isip, ang pagsambit ng “Oh, my God!”, o “Jesus Christ!”, o “For Christ’s Sake!”, o “Jesus!”, kapag nagulat o nagalit ang isang tao ay hindi masama, ganoong mas higit pa ito sa pagmumura, dahil ang mga nabanggit ay itinuturing na “blasphemy”. Para yata sa kanila, disenteng pakinggan ang mga “blasphemy” na ito dahil English kaysa pagmumura sa Pilipino!

 

Lahat ng nangyayari sa buhay ng tao ay may dahilan. May nabubuntis dahil kung hindi ni-rape ng ka- eyeball niya na nakilala lang sa facebook ay nagbigay ng pagkababae niya sa lalaki. May naempatso o nabundat dahil sa sobrang katakawan. May tangang nadulas o nahulog sa hagdanan o nadapa dahil nagti-text habang naglalakad. May hinimatay sa katatawa dahil nakarinig ng Erap o Miriam joke o di kaya ay dahil kiniliti sa magkabilang kili-kili at talampakan. May nagmura dahil nagalit sa mga taong gumawa ng masama. At ang pinakamasama ay may nagnakaw sa kaban ng bayan dahil sa sagad- butong pagkagahamang ugali, o di kaya ay nagpabaya sa trabaho at obligasyon dahil walang alam! Sino ba ang gustong magmura na alam naman ng kahit hindi nakapag-aral, ay masama? Dapat alalahaning kahit taong bulag kung kalabitin ay lumilingon!

 

May kasabihan sa Pilipino na, “tahimik, nguni’t nasa loob ang kulo”. Ibig sabihin ay may mga taong tatahi-tahimik subalit nagpipigil lang na magpakita ng maka-demonyong laman ng kanilang isip at may kinikimkim na masamang ugali na nagpapatigas ng puso upang maging animo ay bakal sa kawalan ng pakialam sa kapwa-tao. At, ang iba na nagbabait-baitan, hindi man maringgan ng pagmumura nang harap-harapan ay IMPOSIBLENG hindi mag-isip ng masama sa kagalit o di kaya ay murahin ito sa kanyang panaginip at diwa. At, ang pinakamasama ay ITI-TSISMIS ang kagalit pero nginigitian naman kung kaharap! Dahil sa kapipigil ng mga masasamang iniisip, marami  tuloy ang nadudulas sa pagsasalita na nagkakanulo sa kanila.

 

Sino sa palagay ni Roxas ang may busilak na damdamin at diwa kaya hindi nakakapagbitaw at nag-iisip ng masama?…kung sasabihin niyang ang mga santo papa, mali siya!…kung sasabihin niyang ang mga sinaunang mga propeta, mali siya!…kung sasabihin niyang si Hesus, lalong mali siya dahil minura din nito ang isang kawawang puno na hindi nagkaroon ng bunga, kaya wala siyang makain noong siya ay nagugutom, kaya dahil sa ginawa niya, ayon sa Bibliya, ito ay nalanta! May hinimatay man lang ba sa pagmumura ni Duterte? Wala ni isa mang tao na sa buong buhay niya ay hindi nag-isip ng masama o nakapagmura dahil nagalit o nagulat.

 

Ang taong disente ay may sariling pag-iisip at paninindigan. Hindi nasusukat ang pagka-disente sa mga pagmumurang nasasambit dahil itong ugali ay isa sa mga paraan upang hindi manikip ang dibdib ng isang tao dahil hindi niya kinikimkim ang sama ng loob. Meron na ngayong “shout therapy” at sa pagsigaw ay pwedeng magmura habang iniisip ang mga kinaiinisan, lalo na tao. Kaya maraming naee-stress ngayon ay dahil hindi naglalabas ng galit kahit man lang sa pagmumura.  At meron ding mga physical exercises na upang magkaroon ng magandang epekto sa katawan ay kailangang sabayan ng pagsigaw. Ang pagsigaw at pagmura ay pareho lang, at walang physical na pananakit, hindi tulad ng mga paraang pagsuntok o pagsampal ng kapwa, dingding, mesa, manghabol ng itak, o mamaril ng walang patumangga (unscrupulously). At, kadalasan, ang mga nagmumura na nagpapaluwag lang ng dibdib ay walang tinutukoy na tao.

 

Ang HINDI DISENTE ay taong malamya (spineless or with “soft personality”) at walang sariling paninindigan kaya ni hindi marunong mag-isip ng sariling plano sa buhay dahil mas gusto pa niyang sumandal sa taong wala namang napatunayan! Isama pa diyan ang nagmamaang-maangang matalino at malinis, yon pala hindi rin nalalayo sa dating daang pinagyayabang ng iba ang gustong tahakin kung manalo siya. At, ang pinakamarumal-dumal ay ang taong “kurakot to the bones” na ang plano ay ikalat sa buong bansa ang salot ng korapsyon na kanyang sinimulan sa isang bayan!

 

Ang sinasabi ng mga disente ay hindi daw dapat gamiting joke ang “rape” o pagkagahasa ng isang babae dahil nakakasakit ng damdamin ng mga kaanak at kapwa babae. Pero ang mga joke tungkol sa pangungurakot sa kaban ng bayan at kapabayaan kaya marami ang nagugutom, ay hindi lang nakakasakit, kundi nakakamatay at MALAWAK pa ang pinsala…buong bansa, hindi lang ilang sector ng populasyon! Bakit walang sinasabi tungkol dito ang mga disente kuno?

 

Asahan pa ang ibang kakalkalin ng mga desperadong kalaban ni Duterte…at baka bigla silang maglabas ng mga kuwento tulad ng tungkol sa kawawang asong ulol na sinipa niya, inosenteng ipis na tinapakan niya, mga dagang makulit na pinakain niya ng Dora o Racumen, mga lamok na gusto lang” humalik” pero walang awa niyang inispreyhan, etc.!

 

May kasabihang kapag nanduro ang isang tao, iisang daliri lang ang nakaturo sa kanyang dinuduro, samantalang ang nakaturo sa kanya ay tatlo niyang sariling mga daliri! (One who accuses somebody points only one finger to him, while his own three fingers are pointing back at him (accuser)!)

 

 

2 thoughts on “Dapat “Magpaka-disente” ang mga Botante…Piliin ang Iboboto: Ang Kurakot? Ang Walang Gulugod kaya Sumasandal sa Iba? O, Ang Nagmumura dahil Galit sa mga Magnanakaw, Drug Pusher, Rapist, etc.!

  1. Are you saying that Duterte’s remarks about rape are acceptable in the light of other political crimes? It’s all over American media.

    Duterte — no matter how good he has been at governing his little bailiwick in Davao — is just as embarassing as Trump. NAKAKAHIYA SA MUNDO!

    Sent from my iPad

    >

    Liked by 1 person

    • that 27-year old remark is obviously part of a ploy to put him in the bad light…dahil sa tagal na yan, I suppose, may mga ginawa na upang ma-resolve ang hindi magandang ginawa niya….my point here is the bad intention of his opponents…Duterte is ready is to apologize anytime, as he did to the family of the victims…what he does not want to do is apologize to the people who just want to destroy….lahat ng paninira sa kanya are “historical”….galit siya sa rice smugglers, bakit hindi si quoted nang murahin niya ang identified smuggler na nagtago sa davao….galit siya sa rapist na pinatay pa ang rape victim kaylan lang, bakit hindi rin siya binanggit tungkol dito?

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s