Tanim-bala Na Naman…Dapat Imbestigahan din ang Nagtutulak ng Wheelchair!

TANIM-BALA NA NAMAN…

DAPAT IMBESTIGAHAN DIN ANG NAGTUTULAK NG WHEELCHAIR!

Ni Apolinario Villalobos

 

NAKAKAHIYA ANG GOBYERNO AT ANG NAIA MANAGEMENT!

Maliwanag ang nakakasusulasok na kapabayaan ng NAIA management. Iisang bala na nakuha raw sa bag ng isang matandang babaeng pasahero ay naging dahilan upang hindi matuloy ang pagsakay nito papunta sa Amerika upang magpagamot. Walang nakita sa unang dalawang X-ray, subalit sa ikatlong X-ray ay nakitaan ng bala. Ito yong X-ray na ginagamit bago sumakay sa eroplano ang mga pasahero kaya kung may problema ay siguradong kakagat sa panggigipit kung may “problema” tulad ng “makitang” bala.

 

Ang matanda ay nakasakay sa wheel chair at itinutulak ng porter. Ayon sa pamangkin, nagtitinginan daw ang porter at ang mga nago-operate ng X-ray. Bukas ang isang bahagi ng bag. Hindi maiiwasang mahawakan ng porter na nagtutulak ng wheelchair ang gamit ng matanda kung ito ay “alalayan” niya sa pagsakay at pagtayo.  Nang makita sa X-ray screen ang bala, may narinig ang pamangkin ng matanda na pasahero din mula sa grupo ng mga NAIA personnel na nagsabi ng “naku!…mahina ang fifty thousand diyan…”. BAKIT HINDI RIN IMBESTIGAHAN ANG PORTER NA NAGTULAK NG WHEELCHAIR, MALIBAN SA MGA X-RAY OPERATORS? Walang magic na nangyayari….common sense at matinding analysis lang ang kailangan!

 

Pinatayo daw ng mga airport police ang matandang naka-wheelchair upang magbukas ng iba pa niyang bagahe. Kahit hirap ay tumayo ang matanda kaya napaiyak na lang sa awa ang kasamang pamangkin. Ang pamangkin ay pinilit ng matandang sumakay na dahil nag-aapura sa boarding. Ang naiwang matanda ay maghapong pinalipat-lipat ng mga opisina hanggang sa makarating siya sa opisina ng piskal upang sampahan ng kaso. Bahit hindi na lang kinumpiska ang nag-iisang bala lalo pa at isang matanda ang may dala? Bakit hindi ito ituring na tulad ng ibang “dangerous goods” tulad ng lighter, gunting, etc.? Nakamamatay ba ang nag-iisang bala kung wala namang trigger ng baril na pipitik dito?

 

Ang hindi maintindihan sa mga pangyayaring ito ay kung may common sense ba ang mga airport police at X-ray operators na mga empleyado ng DOTC, ba o wala. Ano na ang nangyari iba pang kaso at nasaan ang mga ebidensiya, dahil ayon sa mga report ay wala naman daw kundi log reports lang? May natanggal bang airport police at X-ray operators?

 

BAKIT NANDIYAN PA ANG MANAGER NG NAIA NA NAGSASABING HANGGANG COORDINATION LANG SIYA?….AT, ANO ANG MASASABI NG DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS, LALO NA NG MAGALING DAW NA PRESIDENTE NG PILIPINAS!

 

NOONG PANAHON NI GLORIA ARROYO, PROBLEMA LANG SA PARKING LOT NG NAIA AY NAGING DAHILAN NA UPANG SIYA AY PERSONAL NA MAG-CHECK SA MADALING ARAW…UNANNOUNCED KAYA HULING-HULI ANG MGA PABAYA! NGAYON, WALANG MAASAHANG TULAD NITO ANG TAONG BAYAN!

 

TAKE NOTE…..ANG MGA TAONG NABANGGIT AY HINDI NAGMUMURA…GANOON PA MAN, “DISENTE” BA SILA SA KABILA NG MGA PERHUWISYONG DULOT NG KANILANG KAPABAYAAN?

Dapat “Magpaka-disente” ang mga Botante…Piliin ang Iboboto: Ang Kurakot? Ang Walang Gulugod kaya Sumasandal sa Iba? O, Ang Nagmumura dahil Galit sa mga Magnanakaw, Drug Pusher, Rapist, etc.!

Dapat “Magpaka-disente” ang mga Botante…

Piliin Ang Iboboto: Ang Kurakot?  Ang Walang Gulugod kaya Sumasandal sa Iba? O, ang Nagmumura Dahil Galit sa mga Magnanakaw, Drug Pusher, Rapist, etc.!

 

Ni Apolinario Villalobos

 

Kung gagamitin ang mismong sinabi ni Roxas na “magpaka-disente” daw ang mga botante,

ipinahihiwatig niyang huwag iboto si Duterte dahil nagmumura kaya hindi disente….kulang na lang ay sabihin niyang nakakahiya ang ugali.  Ang pinagbatayan na naman ng kanyang sinabi ay ang mahigit dalawang dekadang kaso ng pag-rape at pagpatay sa isang dayuhang misyonarya kung kaylan, dahil sa sobrang galit ay nagbitaw si Duterte ng mga hindi magagandang salita, na pinagsisihan na rin niya. Kaya, ano ang problema ng mga kalaban niya?…gusto yata nila ay umatras si Duterte dahil sa ginawa niyang yon!

 

May mga “salitang kanto” na lumalabas sa bibig ng ibang taong nanggagalaiti galit. Subalit hindi nangangahulugang ang taong marunong ng salitang kanto ay hindi na disente, bagkus ito ay patunay ng kanyang malawak na kaalaman dahil pati salitang kanto ay alam niya. Para yata sa mga disenteng edukado daw at mga mayayaman pero may makitid na isip, ang pagsambit ng “Oh, my God!”, o “Jesus Christ!”, o “For Christ’s Sake!”, o “Jesus!”, kapag nagulat o nagalit ang isang tao ay hindi masama, ganoong mas higit pa ito sa pagmumura, dahil ang mga nabanggit ay itinuturing na “blasphemy”. Para yata sa kanila, disenteng pakinggan ang mga “blasphemy” na ito dahil English kaysa pagmumura sa Pilipino!

 

Lahat ng nangyayari sa buhay ng tao ay may dahilan. May nabubuntis dahil kung hindi ni-rape ng ka- eyeball niya na nakilala lang sa facebook ay nagbigay ng pagkababae niya sa lalaki. May naempatso o nabundat dahil sa sobrang katakawan. May tangang nadulas o nahulog sa hagdanan o nadapa dahil nagti-text habang naglalakad. May hinimatay sa katatawa dahil nakarinig ng Erap o Miriam joke o di kaya ay dahil kiniliti sa magkabilang kili-kili at talampakan. May nagmura dahil nagalit sa mga taong gumawa ng masama. At ang pinakamasama ay may nagnakaw sa kaban ng bayan dahil sa sagad- butong pagkagahamang ugali, o di kaya ay nagpabaya sa trabaho at obligasyon dahil walang alam! Sino ba ang gustong magmura na alam naman ng kahit hindi nakapag-aral, ay masama? Dapat alalahaning kahit taong bulag kung kalabitin ay lumilingon!

 

May kasabihan sa Pilipino na, “tahimik, nguni’t nasa loob ang kulo”. Ibig sabihin ay may mga taong tatahi-tahimik subalit nagpipigil lang na magpakita ng maka-demonyong laman ng kanilang isip at may kinikimkim na masamang ugali na nagpapatigas ng puso upang maging animo ay bakal sa kawalan ng pakialam sa kapwa-tao. At, ang iba na nagbabait-baitan, hindi man maringgan ng pagmumura nang harap-harapan ay IMPOSIBLENG hindi mag-isip ng masama sa kagalit o di kaya ay murahin ito sa kanyang panaginip at diwa. At, ang pinakamasama ay ITI-TSISMIS ang kagalit pero nginigitian naman kung kaharap! Dahil sa kapipigil ng mga masasamang iniisip, marami  tuloy ang nadudulas sa pagsasalita na nagkakanulo sa kanila.

 

Sino sa palagay ni Roxas ang may busilak na damdamin at diwa kaya hindi nakakapagbitaw at nag-iisip ng masama?…kung sasabihin niyang ang mga santo papa, mali siya!…kung sasabihin niyang ang mga sinaunang mga propeta, mali siya!…kung sasabihin niyang si Hesus, lalong mali siya dahil minura din nito ang isang kawawang puno na hindi nagkaroon ng bunga, kaya wala siyang makain noong siya ay nagugutom, kaya dahil sa ginawa niya, ayon sa Bibliya, ito ay nalanta! May hinimatay man lang ba sa pagmumura ni Duterte? Wala ni isa mang tao na sa buong buhay niya ay hindi nag-isip ng masama o nakapagmura dahil nagalit o nagulat.

 

Ang taong disente ay may sariling pag-iisip at paninindigan. Hindi nasusukat ang pagka-disente sa mga pagmumurang nasasambit dahil itong ugali ay isa sa mga paraan upang hindi manikip ang dibdib ng isang tao dahil hindi niya kinikimkim ang sama ng loob. Meron na ngayong “shout therapy” at sa pagsigaw ay pwedeng magmura habang iniisip ang mga kinaiinisan, lalo na tao. Kaya maraming naee-stress ngayon ay dahil hindi naglalabas ng galit kahit man lang sa pagmumura.  At meron ding mga physical exercises na upang magkaroon ng magandang epekto sa katawan ay kailangang sabayan ng pagsigaw. Ang pagsigaw at pagmura ay pareho lang, at walang physical na pananakit, hindi tulad ng mga paraang pagsuntok o pagsampal ng kapwa, dingding, mesa, manghabol ng itak, o mamaril ng walang patumangga (unscrupulously). At, kadalasan, ang mga nagmumura na nagpapaluwag lang ng dibdib ay walang tinutukoy na tao.

 

Ang HINDI DISENTE ay taong malamya (spineless or with “soft personality”) at walang sariling paninindigan kaya ni hindi marunong mag-isip ng sariling plano sa buhay dahil mas gusto pa niyang sumandal sa taong wala namang napatunayan! Isama pa diyan ang nagmamaang-maangang matalino at malinis, yon pala hindi rin nalalayo sa dating daang pinagyayabang ng iba ang gustong tahakin kung manalo siya. At, ang pinakamarumal-dumal ay ang taong “kurakot to the bones” na ang plano ay ikalat sa buong bansa ang salot ng korapsyon na kanyang sinimulan sa isang bayan!

 

Ang sinasabi ng mga disente ay hindi daw dapat gamiting joke ang “rape” o pagkagahasa ng isang babae dahil nakakasakit ng damdamin ng mga kaanak at kapwa babae. Pero ang mga joke tungkol sa pangungurakot sa kaban ng bayan at kapabayaan kaya marami ang nagugutom, ay hindi lang nakakasakit, kundi nakakamatay at MALAWAK pa ang pinsala…buong bansa, hindi lang ilang sector ng populasyon! Bakit walang sinasabi tungkol dito ang mga disente kuno?

 

Asahan pa ang ibang kakalkalin ng mga desperadong kalaban ni Duterte…at baka bigla silang maglabas ng mga kuwento tulad ng tungkol sa kawawang asong ulol na sinipa niya, inosenteng ipis na tinapakan niya, mga dagang makulit na pinakain niya ng Dora o Racumen, mga lamok na gusto lang” humalik” pero walang awa niyang inispreyhan, etc.!

 

May kasabihang kapag nanduro ang isang tao, iisang daliri lang ang nakaturo sa kanyang dinuduro, samantalang ang nakaturo sa kanya ay tatlo niyang sariling mga daliri! (One who accuses somebody points only one finger to him, while his own three fingers are pointing back at him (accuser)!)

 

 

Lito and Inday: Couple Who Toils Every Precious Minute of the Day

Lito and Inday: Couple Who

Toils Every Precious Minute of the Day

by Apolinario Villalobos

 

Lito and Inday Balanay who have two beautiful daughters, are a typical couple who literally makes use of every precious minute of the day to earn an honest living. They start their struggle as early as 5AM. A mug of coffee for each, serves as breakfast. Whatever solid food they take becomes their “brunch” for the day. Inday, using a “traysikad”, pedals her way to the bakery in the neighboring subdivision, a kilometer away from their home, while Lito uses a bike…both, to pick up their respective stock of pan de sal (bread of salt), a popular breakfast staple of Filipinos. Starting their rounds at 6AM, they are finally through peddling at about 7AM.  After turning over their earnings to the owner of the bakery, out of which they get their meager “commission” for the day, they go on their separate way back home.

 

As soon as she has arrived home, Inday prepares her wares for her sidewalk ambulant store, still using her “traysikad”. She positions herself for this other endeavor in front of a big and popular grocery, one kilometer from their home. Her clients consist of drivers who buy sticks of cigarettes, biscuits, and candies. Lito, on the other hand, prepares his tools for his sideline – scheduled minor repair jobs of homes around the subdivision. Meanwhile, their two daughters are left in the care of a trusted niece. Sometimes, the two girls provide their mother company, as she sells her wares on the sidewalk.

 

The couple confided that they have to double their effort in earning for the future of their daughters, as the eldest, Kristine, is already nine years old and the youngest, going seven years old. They are lucky to have found a vacant lot which they are renting at Php1,500.00 per month, and on which they built a shack using junk materials, some of which were given by friends. Only half of their home’s floor has been cemented thinly, and the rest of the painstakingly leveled ground is covered with a junk sheet of linoleum. Despite the inadequacies for a comfortable life, the family is a picture of contentment.

 

Lito and Inday, both in their early 40’s, are “Bisaya”, with the former being a “Waray” and the latter, a Surigaonon. The Bisayans are known for their resourcefulness and diligence. When asked what she wishes for to make their life more comfortable, Inday, who refers to their home as “bahay ng kalapati” (pigeon hole or cubicle), replied, “a cooking gas tank”, while letting out a hearty and crisp laugh. Although, they already have a single-burner stove with a gas tank, she wants a standby one, in view of the fluctuating price of this basic commodity. Besides, Inday also plans to cook rice cakes, hoping that she could earn more. As for Lito, he would like to have more tools to help him in his trade. Meanwhile, the two girls just want umbrella.

 

While the family of Lito and Inday are happy in their rickety home assembled from junks and with their wishes that they treat as just such – wishes, other families who live in air-conditioned homes can’t seem to find contentment and happiness if they have not capped their summer with their regular jaunts – weeks in Disneyland (America), shopping in Hongkong, or sunbathing in Boracay, or they don’t have the latest gadgets that their kids could boast to their playmates.