Mga Tagpi-tagping Yugto ng Buhay

Mga Tagpi-tagping Yugto ng Buhay

Ni Apolinario Villalobos

 

  • Ang kaibigan kong galing sa Sunday Mass…

 

Nasalubong ko ang kaibigan kong kagagaling lang sa pagsimba, isang umaga ng Linggo, pero parang nilamukos ang mukha sa sobrang galit. Nang batiin ko at tanungin kung bakit, sagot niya: “Muntik na akong masagasaan ng hinayupak na jeep sa labasan”. Sana excused siya sa pagmura dahil kasisimba lang niya.

 

  • Ang kaibigan kong bumili ng taho…

 

Nasalubong ko ang isa ko pang kaibigan na pabalik sa kanyang kotseng mamahalin at nakaparada sa labas ng MERALCO dahil nagbayad siya ng bill. Filthy rich ang kaibigan kong ito, nagyayabang pang taga-Custom siya at hindi nga raw natitinag sa puwesto kahit ilang beses nang nagpalit ng Commisioner. Nagmumura ding naglabas ng sama ng loob sa akin. Sabi niya sa akin: “ang walanghiyang matandang nagtitinda ng taho diyan sa kanto, gusto yata akong dugasin (lokohin)”. Tanong ko, bakit?…sabi niya: “aba’y wala daw panukli sa pera ko, gusto yata ay i-keep the change ko”. Nang tanungin ko kung magkano ang pera niya, ang sagot: “isang libo”. Ang binili niyang taho ay halagang sampung piso…at siya ay taga-Custom…kaya filthy rich.

 

  • Ang paring nagmimisa at marunong ng Kastila…

 

Kuwento lang ito ng kaibigan ko tungkol sa paring nagmimisa daw sa chapel nila sa probinsiya. Noong kapistahan daw nila, sobrang busy ang pari, halos walang pahinga, at marami pang tao dahil pista nga. Noong hapon na, nagmisa uli ang pari pero lalong dumami ang mga tao sa labas ng simbahan dahil hindi kalayuan ay may perya. Isang grupo ng mga aso ang nagrambol kaya naghabulan at sa paghabulan ay  nakapasok sa kapilya kaya nagulo ang misa. Takbuhan ang mga tao at ang pari ay sumigaw sa mikropono: “punyetang mga aso yan…itaboy nyo nga!”. Sabi ng kaibigan ko, with feeling daw nang mag-Kastila ang pari…pero iisang salitang Kastila lang daw yata ang alam at dahil paulit-ulit siguro kung gamitin, naging malutong na ito kung kanyang bigkasin…ito ang salitang “punyeta”. Linguist pala ang pari nila!

 

  • Ang kumpare kong abogado at ambisyoso….

 

Nang minsang bisitahin ko ang kumpare kong abogado sa mansion niya, masaya niyang ibinalitang naipanalo niya ang kaso ng kliyente niyang intsik. Ang di niya alam ay alam ko na ang kliyente niya ay Chinese drug lord. Habang nagkakape kami, sabi niya: “pare, next year college na ang inaanak mo, at ang sabi ko sa kanya, abogasya ang kunin niya para kapag nakatapos at nakapasa sa Bar ay ipapakilala ko sa mga kamag-anak naming pulitiko sa norte….mabuti na yong habang maaga ay pumasok siya sa larangang iyan para maraming matutunan…aba’y diyan yumaman ang mga kamag-anak namin…kung di nga lang sa mga kliyente kong “foreigner” (mga drug lord na intsik yata ang ibig niyang sabihin), papasok din ako diyan, eh.” Tanong ko: “gusto ba ng inaanak kong pumasok sa pulitika?” Sagot niya: “aba’y oo…idol nga niya ang mga abogado ni Janet Napoles…ang gagaling daw dahil nakapagpiyansa sila!”

 

  • Ang kaibigan kong health conscious….

 

Nasalubong ko ang kaibigan kong taga-exclusive subdivision sa labasan nila, isang umaga na naka-jogging outfit at may dalang basyong shopping bag. Papunta ako sa MERALCO upang  pumila para sa pagbukas nila nang 7:30AM. Nang batiin ko, sabi niya: “Galing ako sa jogging at nagkainan kami, pare, diyan sa libingan ng mga Re……(exclusive cemetery). Hindi nga sila magkandaugaga sa pagkain ng dinala kong Bicol express na ginataang taba ng baboy na binagoongan din at maraming sili, may patang inadobo pa!….ayon, halos hindi sila makahinga sa busog, nag-aalala lang ako sa isa dahil naempatso yata”. Dahil nagmamadali, tinanong ko kung saan pa ang punta niya. Sabi niya: “Uuwi pa ako dahil kukunin ko ang niluto kong sisig at natirang Bicol express para naman sa mga nag-gym”. Talagang health conscious ang kaibigan ko at mga kaibigan niya…nagda-jogging at nagdi-gym….at ganadong kumain!

2 thoughts on “Mga Tagpi-tagping Yugto ng Buhay

  1. Usually… from my experience, iyong mga pala-simba ang mga masasama ang bibig, mandaraya, mayayabang kahit walang base ang ipinagyayabang (i.e., sinungaling), ATBP.

    Tungkol sa kaibigan mong taga-Customs: honestly kaya kinita ang kayamanan niya?

    Alam kaya ng pari na ang “punyeta” ay palayaw (nickname, o diminutive) ng salitang PUTA?

    Ang kaibigan mong abogado ay nag-aaruga ng future corrupt lawyer, tulad niya.

    Iyong mga mahilig mag-exercise ay kalimitang masama ang diet. Kaya sila nagpapa-pawis ay para ma-offset ang abuso sa calories.

    Hahaha!

    Sent from my iPad

    >

    Liked by 1 person

    • totoo yan…kaya simba nang simba ay upag mapagtakpan ang mga kasalanan….yong taga-Custom naman ay kilala sa neighborhood nila na kurakot, hindi mataas ang pwesto pero super-yaman…..segurado alam ng pari na masama ang punyeta pero sige pa rin siya sa paggamit, meron nga akong alam na ang paborito naman ay “shit”…..yong abogado naman, corruption runs in their family blood…..at yong health conscious na kaibigan ko, na-stroke na, pero mahilig pa ring magluto ng mga bawal na pagkain at sini-share pa, naghahanap ng damay!

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s