Researchers are asking for the public’s help counting all of the penguins in these photos — Quartz

Pintowski's

For anyone who has ever wanted to be an animal biologist, it’s a dream come true: Scientists have asked the public to help conduct the largest penguin census of all time. The project, called Penguin Watch, involves tagging adult and baby penguins in hundreds of thousands of images taken by cameras installed around Antarctica. “We…

via Researchers are asking for the public’s help counting all of the penguins in these photos — Quartz

View original post

Ang “Palusot” Tradition sa Pilipinas…dahil sa kahinaan ng mga batas

Ang “Palusot” Tradition sa Pilipinas

…dahil sa kahinaan ng mga batas

Ni Apolinario Villalobos

 

Sabay pumutok ang mga balita tungkol sa piyansang napagtagumpayan ni Janet Napoles kaya nakalaya siya, at ang pagkalugi daw ng Loyola Plans kaya ang mga nagbabayad ng plans at ang mga mga nag-mature na ay hindi nakuha. Sa kaso ni Napoles, ang mga witnesses laban sa kanya ngayon ay nangangamba sa kanilang kaligtasan at nakanganga sa kawalan dahil hindi makapaniwala…na-shock. Sa kaso ng Loyola Plans, ang mga magulang ay humahagulhol at ang iba ay malamang inatake sa puso…samantalang ang kanilang mga anak ay out-of-school ngayon dahil walang pang-tuition.

 

Ang nagagawa ng mga walang perang pambayad sa magagaling na abogado at iba pang gastusin, ay hanggang sa pagsampa na lang ng kaso. Kung suwertehin mang umusad ay sandali lang. May libreng abogado nga sa PAO subalit, paano ang pamasahe papunta sa opisina nila, ang pagkain kung abutin sa biyahe dahil sa mala-impyernong trapik, ang mga dokumentong hahagilapin at ipapa-notarize? Ito ang nakikita ng mga kriminal, tulad ng mga estapador, illegal recruiters, drug lords, at iba pang mga anay ng lipunan. Dahil sa kahirapan ng pangkaraniwang Pilipino na halos hindi makakain tatlong beses sa isang araw, ang dokumento ng mga kaso nila ay nag-iipon na lang ng alikabok sa mga korte, hanggang magkalimutan….kaya, ang mga tiwali ay lusot!!!

 

Hangga’t may nakakalusot na mga tiwali dahil sa kahinaan at pagkakaroon ng maraming butas ng mga batas , mahihirapan talagang magkaroon ng hustisya sa Pilipinas…..

 

 

Mag-ingat sa Paggamit ng Salitang English Bilang Pang-uri (Adjective) ng Ugali

Mag-ingat sa Paggamit ng Salitang English

Bilang Pang-uri (Adjective) ng Ugali

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa kakakulit minsan ng isa kong kaibigan tungkol sa  ginagawa ko sa Tondo at Divisoria at kung bakit ako nakikipagkaibigan sa mga taong nakatira sa bangketa at kariton, pati sa mga namumulot ng basura, sinabihan ko siya ng mga detalya. Dahil hindi siya halos makapaniwala na pwede palang gawin ang mga binanggit ko, sinabi niyang  “weird” daw ako. Nabigla ako dahil edukado pa naman siya at dapat ay alam niya ang ibig sabihin ng “weird” na isang salitang negatibo – hindi maganda ang dating. Nagpaliwanag uli ako ng buong matiwasay at sinabihan ko siya na ang makipagkaibigan upang makatulong sa kapwa ay hindi pagpapakita ng pagiging “weird”. Ipinilit kong “normal” ang ugaling ito,  dahil isa ito sa mga inaasahang ginagawa ng isang tao sa kanyang kapwa. Dagdag ko pa, ang hindi “normal” ay ang pagbabalewala sa kapwa….kaya  ito ang ugaling “weird”.

 

Inaasahan ang tao na dapat ay may ugaling “maka-tao”…ito ang normal na ugali.  Ang wala nitong ugali ay siyempre, “maka-hayop”…at ito ang ugaling “weird”.  Para sa akin, ang mga  “weird” ay yaong maramot, mapang-api, gahaman, kurakot, at lalong-lalo na – mapagkunwari…dahil lihis sila sa mga inaasahang ugali ng tao. Ngayon, dapat bang pagtakhan o ituring na mali ang ginagawa ng isang taong gustong tumulong sa kanyang kapwa?

 

Mag-ingat sa paggamit ng mga salitang English dahil maski mga guro ng wikang ito ay umaaming marami pa rin silang dapat matutunan. Kahit ang mga nagkaroon ng Masters at Doctorate ay nagbabayad pa ng “editor” para ma-check kung tama ang mga sinulat nila sa wikang English. Iwasan dapat ang magkunwari, lalo na ang mga nagpapaka-Amerikano na sa kagustuhang magpa-impress na bihasa sila sa Ingles ay nagwe-wers wers ng “accent” at mayroon pang “you know…”. Pero kung pakikinggan ang mga sinasabi nila marami din namang mali dahil kahit nga mga simpleng verbs ay hindi nila nako-conjugate nang maayos. Ang hindi pa maganda sa ugali ng mga taong tinutukoy, kahit kinakausap na sila sa wikang Filipino, tuloy pa rin ang pagsalita nila gamit ang kanilang sariling Ingles-imburnal!

 

Samantala, ang kaibigan kong tumawag sa akin na “weird”, ay sinabihan kong sana ay gumamit na lang siya ng salitang Tagalog na “bukod-tangi”, halimbawa, sa halip na “weird”. Paliwanag ko sa kanya, kung hindi kayang gawin ng iba ang mga ginagawa ko, ibig sabihin ay “namumukod-tangi” ako sa paggawa ng mga ito. At, dahil prangka ako, diretsahang sinabi ko na sa birthday niya ay bibigyan ko siya ng dictionary na English-Filipino….isang bukod-tanging regalo para sa taong may Master’s Degree, pero ang thesis ay ako ang nag-edit.

 

Sigurado kong kapag nabasa ito ng kaibigan ko ay mababawasan na naman ang mga “friends” ko….kuno. Pero di baleng nawawala ang mga tinatamaan ng bato mula sa langit, basta quality friends naman ang natitira…..hindi yong may ugaling “puwera gabẳ”!

 

 

Notes:

  • puwera gabẳ – salitang Cebuano na walang literal na equivalent sa anumang wika o dialect, pero sinasabi ito upang mauna sa mga iisipin o sasabihing hindi maganda ng isang tao kapag siya ay may pupunahin

 

  • Ingles-imburnal – mabahong uri ng English o “murdered English” na ginagamit ng mayayabang at trying hard na mga Pilipino

 

  • Imburnal- sewer, drain, cesspit, open drain, gutter or canal

Ang Demokrasya ng Pilipinas ay Masusubukan sa Eleksiyon 2016

Ang Demokrasya ng Pilipinas ay

Masusubukan sa Eleksiyon 2016

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa darating na eleksiyon 2016, lumutang ang iba’t-ibang pagkatao ng mga kandidato para maging presidente. Mayroong “malambot” na nakasandal sa boss niyang presidente sa kasalukuyan; may sinasabing yumaman dahil sa pangungurakot daw sa loob ng ilang taon dahil bahagi ng kanyang “long-ranged” planning mula pa noong mayor siya; mayroong bagito raw at wala pang karanasan kaya walang karapatan para umako ng napakabigat na responsibilidad; at mayroong hindi pa man ay nagpapakita na ng “kamay na bakal” kaya ang iba ay nababahala na baka raw maging diktador, dahil nga naman sa kabila ng pag-upo ng kung ilang presidente pagkalipas ng Martial Law ay walang nangyaring mabuti para sa mga Pilipino.

 

Nakagisnan na natin ang “demokrasya” dahil ang ating Saligang Batas ay halaw o kinopya sa Saligang Batas ng Amerika na ninuno ng ganitong uri ng pamamahala ng bansa. Sa pagmamadali ng mga naunang pulitiko na makatikim ng “demokrasya” hindi nila naisip o pinalampas na lang ang maraming probisyon ng Saligang Batas na nagtatali pa rin ng bansa sa Amerika. Kaya, malinaw na mula’t sapul ay talagang hindi naging malaya ang bansa mula sa pagkakasakal ng Amerika. Sa kabila ng ilang beses na pagbago ng Saligang Batas, lalo lamang itong naging ampaw dahil sa dami ng mga butas.

 

Ngayon, bilang kunsuwelo, lumulutang ang pang-uri ng demokrasya ng mga Pilipino na isang “Philippine style” o angkop sa kultura daw. Batay diyan, demokrasya bang matatawag….

  • …ang walang humpay na pangungurakot ng mga opisyal at ilang halal na opisyal sa kaban ng bayan?

 

  • …ang paglipat ng poder ng bayan mula sa tatay o nanay sa anak, kapatid, pinsan, o iba pang kamag-anak, dahil ang mga pamilyang ito ay may kakayahang gumastos ng malaki tuwing eleksiyon?

 

  • …ang pagbalik sa bansa ng pamilyang dating nangurakot kaya ngayon, lahat ng miyembro ay may mga poder sa gobyerno?

 

  • …ang pagtalaga ng mga bobo upang mamuno ng mga ahensiya?

 

  • …ang pagtuklap ng mga maaayos pang aspalto o semento sa mga highway upang palitan ng mahihinang tinimplang aspalto o semento upang may kitaing komisyon?

 

  • …ang patuloy na pagdausdos ng kalidad ng edukasyon dahil ang sistema ay ginawang negosyo ng mga tiwaling opisyal ng ahensiyang nakatalaga dito, kasabwat ang mga negosyante?

 

  • …ang pagsasapribado ng mga ospital?

 

  • …ang pagsasapribado ng mga pamilihang bayan?

 

  • …ang hindi pagbigay ng pansin sa mga gusaling bayan na hinayaan na lang masira sa halip na ayusin upang magamit pa at upang maiwasan ang pag-upa ng mga ahensiya ng mga pribadong gusali?

 

  • …ang pagbubulag-bulagan sa ginagawa ng mga dayuhan sa pagmimina ng likas na yaman ng bansa?

 

  • …ang pagpapabaya ng mga ilang namumuno ng ahensiya?

 

  • …ang pamimili at pagbenta ng boto?

 

Ang kapalaran ng isang tao ay nakasaad daw sa mga nakaguhit na mga linya sa kanyang palad… yan ay kung paniniwalaan ang astrolohiya. Subalit ang tao ay may utak na dapat ay gumagabay sa kanya kung ano ang nararapat niyang gawin. Kaya sana, sa darating na eleksiyon ay ito ang pairalin…iboto ang nararapat!

 

The “Senses of Urgency and Anticipation”

The “Senses of Urgency and Anticipation”

By Apolinario Villalobos

 

The lack of “sense of urgency” of some people can be very irritating to those who are affected. These callous people also do not give a damn if their dilly-dallying can result to a tremendous disaster to others. This kind of attitude is oftentimes found among most government employees who have the habit of setting aside jobs-to-be-done for the next day. Most often, victims are those who apply for permit for business, housing, etc. The government employees feel strongly that they are protected by the Civil Service Code, which in the case of the Philippines, is very lax.

 

In private institutions employees are strictly guided by the Codes of Discipline and Operating Manual, based on which, a memo is immediately issued to employees who have violated a rule. On the other hand, in government offices, some employees may not even have seen a memo that contains a disciplinary action. As in government agencies, there are also employees who lack the “sense of urgency” in private institutions, but they do not stay long in their job due to their incompetence. Also, in the government, despite the very obvious lack of the mentioned sense among many agency chiefs that affect the daily lives of the citizens, they are not booted out of their positions, for as long as those who appointed them are in power.

 

The “sense of anticipation”, may sound strange to many. Unlike the “sense of urgency”, the aforementioned is not mentioned often, much less, thought of. The attitude developed from the lack of this sense is manifested by the “let’s-cross-the-bridge-when-we-get-there” attitude, that oftentimes results to insurmountable regrets. Taking the “bridge” as an example, those who think of it as just such, have obviously failed to think that there are many kinds of bridge, such as “monkey bridge”- hanging bridge made of vines, cables, or ropes, and those made of bamboo, wood, concrete, steel, and it could be wide, narrow,, short, or kilometric. Having failed to prepare options that should suit their requirements they regret their failure to cross it with ease and haste when they are already there.

 

This kind of attitude is also prevalent among those who spend as though, there is no tomorrow because there is something to be spent anyway. But what if the breadwinner of the family is gone due to unexpected death or left to have another family?…what if the breadwinner losses his or her job?…what if there is an occurrence of sickness in the family that needs hospitalization and lifetime medication?…what if other tragedies occur such as fire?….is there enough money stashed for those unexpected events?

 

Unlike in America where unemployment assistance is provided, as well as, medicines and hospitalization, in the Philippines, the citizens are left on their own with the “help” of insignificant “benefit” from “assistance programs”. This glaring situation is reason enough for the average Filipinos to really think ahead and be prepared in case something bad happens. Unfortunately, this does not happen.

 

Both “senses of urgency and anticipation” are affected by time if the latter is not given due consideration. For instance, fresh graduates with honors arrogantly presume that their medals can guarantee their being hired even if they arrive late for a job interview that puts them at the end of the line. The arrogant and presumptuous bemedalled graduates eventually end their quest as they get sidetracked by their mentally-averaged counterparts, though, “early birds” at the site, and who get slated for trainings after being hired. The philosophy behind a job application is: being early for interview shows an unquestionable interest for the job. Along this line, some travelers do not consider leaving home at the earliest possible time in anticipation of “unexpected heavy traffic” due to “unexpected accident” that could result to their missing a flight or important appointment.

 

Those mentioned are just some of the instances that show, we cannot control everything in our life, just because as others would philosophically say, “we are the captain of ourselves”.