Mahilig Magturuan ang mga Opisyal ng Pilipinas Kung May Bulilyaso

Mahilig Magturuan ang mga Opisyal ng Pilipinas

Kung May Bulilyaso!

Ni Apolinario Villalobos

 

“Feng Shui” o Pungsoy daw ngayon ang kailangan ng Manila International Airport Terminal 3. Kawawa naman ang nanahimik na terminal na inaakusahang may kamalasan daw. Ang malinaw ay…. mga taong namumuno ang malas dahil hindi nila ginagawa ang dapat nilang gawin! Walang aalingasaw na mga palikuran kung maayos ang management. Walang babagsak na kisame kung bago pinagamit ang terminal ay inayos muna. Hindi mawawalan ng kuryente at ilaw kung maayos ang pamamalakad ng mga pasilidad na ginagamit sa terminal tulad ng mga back-up generator at aircon units. Sino ang mga dapat na responsable sa mga ito?…eh, di mga taong namumuno!!! Bakit isisisi sa mga ispiritu ang mga kapabayaan ng mga tao?

 

Sa ibang bansa, ang mga namumuno kahit hindi pa napatunayang nagkasala ay nagpapakamatay dahil sa hiya….dito sa Pilipinas ang mga opisyal ay walang hiya!

 

Sa pagbanggit ng pungsoy ng mga naghuhugas-kamay at kapalmuks na mga opisyal upang maitaboy daw ang malas…..

 

Ibig bang sabihin, dahil hanggang ngayon ay wala pang love life ang presidente, malas ang pagtira niya sa Malakanyang at pamumuno sa buong Pilipinas? Kailangan din bang ipungsoy ang Malakanyang at buong bansa?

 

Ibig bang sabihin, dahil inuulan ng mga reklamo ang DSW, dapat ding ipungsoy ito, pero ang sinasabi naman ng iba ay baka malas daw ang buhok ng namumuno ng ahensiya dahil ang maliit na bahagi ng buhok ay regular na pinapalitan ng kulay, kaya sabi ng iba ay nagmumukha siyang squirrel? Bakit hindi siya hayaan kung statement niya ito? Wala namang masama sa pagpa-improve ng likas na ganda!

 

Ibig bang sabihin, dapat ding ipungsoy ang opisina ng DOTC, pati mga riles ng MRT at LRT dahil “minalas” ang mga namumuno, dahil sa pagbato sa kanila ng mga sunud-sunod na katiwalian? Bakit hindi ituloy ang pangako ng isang opisyal na magpapasagasa siya kung magkakaroon pa rin ng problema ang MRT upang madiligan ng dugo niyang kulay itim ang mga riles?

 

Ang hirap sa Pilipinas, ang mga itinalaga sa puwesto ng mga namili ng boto at nanalo ay mahilig magturuan. Kulang na lang ay ituro kay Satanas ang mga nangyayari sa Pilipinas upang makapaghugas sila ng kamay pagkatapos nilang humawak ng maruming perang ninakaw sa kaban ng bayan!

 

 

4 thoughts on “Mahilig Magturuan ang mga Opisyal ng Pilipinas Kung May Bulilyaso

    • nang marinig ko ang tungkol sa pungsoy na sinabi ng general manager ng NAIA, nasira ang araw ko, tumaas ang BP ko kaya pinatay ko agad ang radyo at lumabas, pumunta sa “bukid” sa likod ng subdivision namin upang magpahangin….mga hinayupak ngang sandamakmak na bobo!

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s