Juliet Kalipayan and Her “Trees” Cutout from Empty Plastic Softdrink Bottles

Juliet Kalipayan and Her “Trees” Cutout from

Empty Plastic Softdrink Bottles

By Apolinario Villalobos

 

I found Juliet one morning engrossed in cutting tree forms out of empty green plastic softdrink bottles beside her candy and cigar sidewalk stall. An arm away from her and covered from public view by an umbrella, were her two children. She admitted that her family had been living on the sidewalk for more than 10 ten years as they could not afford to rent a room around the bustling section of Sta. Cruz district where they eke out a living. Her husband Eddie, drives a motorized pedicab or tricycle while she sells cigarettes, candies, and cutout arts from plastic bottles. But this situation did not prevent them from letting their children attend a nearby elementary school, with the elder who is 7 years old is in Grade 2 and the younger, 6 years old is in Grade 1.

 

She sells her art pieces at 25 pesos apiece and confided that there are days when her works are sold out before dark but there are days, too, when she fails to sell a single one. Friends and sympathizing pedestrians give her empty green and blue plastic bottles, but when she runs out of them, she would check the garbage bins herself, for these materials. She learned the art by observing a friend make cutouts many years ago, and after several attempts, finally succeed in coming out with “perfect” ones that she deftly fashions using a small scissor and cutter.

 

She and her husband attempted saving extra pesos but oftentimes these are spent for emergencies, especially, for the school needs of their children. All she wishes for now is to have an additional fund for her cigarettes and candies, and she is hoping that before the onset of the rainy season, this will be realized, so they are doubling their effort in saving.

 

I found out that during the rainy season, with their scant belongings, they would look for a more secure sidewalk corner and just pray that rains would not result to flood which eventually spells disaster for them. Despite all the hardship of living in the city, they have no plans of going home to either the province of her husband or hers. They have tried once but they gave up due to unbearable difficulties. She told me that in the city, for as long as one is patient and hardworking enough, life can be endurable. She added that, while working hard, she and her husband are keeping their faith in God whom she believes will not forsake them.

IMG7760

 

Ang Matinding Kagutuman

Ang Matinding Kagutuman

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang mga taong hindi nakakaranas ng matinding gutom ay nagkikibit-balikat lamang kung makarinig ng balitang may pinatay o namatay dahil sa gutom. Ang mga taong hindi nakadanas nito ay yong nadanasan lamang ay hindi nabuo ang tatlong beses na pagkain sa isang araw o hindi nakapag-miryenda, o di kaya ay hindi nakatikim ng tsitserya, o hindi nakainom ng isang boteng soft drink sa buong maghapon.

 

Hindi nadanasan ng mga taong nabanggit kung paanong humilab ang tiyan dahil sa hindi pagkain sa loob ng dalawang araw o mahigit pa, o di kaya ay kung malamnan man ng masabing “pagkain” ay isang pirasong nilagang kamote o saging sa maghapon lamang, kaya upang makalimutan ang gutom ay idinadaan na lang sa pagtulog ng maaga. Subalit kalimitan ay mahirap ding gawin ito dahil talagang lumalatay sa kalamnan ang paghilab ng bitukang walang laman. Hindi nila nadanasang kumain ng talbos ng mga halamang gubat na hindi pa sigurado kung nakalalason o hindi. At lalong hindi nila nadanasang kumain ng mga itinapong pagkaing diretsong isinusubo mula sa basurahan!

 

Para sa iba, negative daw itong mga sinasabi ko. Bakit daw hindi masasaya at hindi depressing na mga blog ang gawin ko. Lalo pa at sinasabi din nila na wala naman daw silang magagawa sa mga taong nagugutom. Sana ay unawain ng mga nagsasabing negative at depressing daw ang ganitong uri ng blog, na lahat tayo, nagugutom man o hindi ay bahagi ng iisang lipunan. Hindi ba Pilipino ang mga nagugutom? Hayop na ba ang dapat ituring sa kanila dahil kumakain ng mga galing sa basura?

 

Kailangang pamukhaan ang mga nakakaluwag sa buhay ng mga nangyayaring kagutuaman sa paligid upang malaman nila na ang isang kutsarang kaning itinitira sa pinggan ay mali…na ang pagtapon ng tutong na kaning hindi naman panis ay mali….na ang pagtapon ng hindi naman bulok pero nalalanta lang na gulay ay mali…na ang pagi-spoil sa mga anak nila na pinalalamon nila ng junk foods sa almusal, tanghalian, at hapunan ay mali…na ang pagbibigay sa nagmamaktol ng anak na gustong mag-Jolibee araw-araw ay mali….na ang pagbibigay sa kagustuhan ng anak na gawing tubig ang softdrink ay mali…etc. Ang mga iyan ang layunin ko, hindi upang sila ay sabihang tumulong sa mga nagugutom.

 

Walang sinumang taong gustong magutom. Maliban na lang siguro sa mga may gustong maging santo kaya madalas mag-ayuno o mag-fasting. Ang mga nagugutom sa probinsiya ay nasadlak sa kagutuman dahil sa minanang kahirapan na nagsimula nang ang kanilang mga ninuno at magulang ay niloko ng mga mangangamkam ng lupa, at mga asyendero. Kaya ang iba ay lumuwas sa mga siyudad upang maghanap ng trabahong matino, kung saan ay niloko pa rin ng mga illegal recruiter at mga amo nila, at ang iba ay pinagmalupitan pa tulad ng pambubugbog at panggagahasa kaya pinili na lang nilang tumira sa bangketa at mga iskwater.

 

Ang mga nabanggit ang malinaw na katotohanan kaya kung maaari lang, yong mga nagbubulag-bulagan at makasarili ay tumigil na sa paghusga sa mga nagugutom sa pagsabing kasalanan nila dahil hindi sila nagsikap. Totoo na upang kumita ay kailangang magsikap, pero malinaw din ang katotohanan na ang iba ay yumaman dahil sa panloloko ng kapwa at pagnakaw sa kaban ng bayan!

Tungkol Pa Rin Sa “Kidapawan Massacre”

Tungkol Pa Rin sa “Kidapawan Massacre”

Ni Apolinario Villalobos

 

“Tulungan natin ang ating mga kasama…depensa, depensa!”….ito ang sagot ng hepe ng pulisya ng probinsiya ng North Cotabato kung sino ang nag-utos na paputukan ang mga magsasaka… “judgment call” daw ito. Subalit ang sumunod ay mga putok. Hindi nga niya tahasang inutos na magpaputok, pero ang sinabi niya ay itinuring na utos para gawin ito, dahil alangan namang makikipagsuntukan ang mga pulis sa mga magsasaka. Idiniin din siya ng nakakataas sa kanya na nagsabing ang tanging utos niya ay i-clear ang highway. Ang gobernadora ng North Cotabatao ay tahasang nagsabi na labas siya sa isyu dahil wala daw siyang kaalaman sa ganoong operasyon dahil hanggang sa overall Crisis Committee lang siya .

 

Sana ay inisip ng gobernadora na hindi nangyari ang madugong “Kidapawan massacre” kung noon pa mang lumabas na ang aprubal upang ituring na kalamidad ang tag-tuyot sa probinsiya ay namigay na siya ng bigas. Ang aspeto ding ito ang dapat pagtuunan ng pansin ng Commission on Human Rights. Dapat isama nila sa imbestigasyon ang gobernadora na siyang may hawak ng calamity fund, na dapat ding alamin kung saan napunta. Kung tuwing mag-imbestiga ang Commission on Human Rights ay “tinatalbusan” lang ang mga kaso, sa halip na “bunutin ang ugat”, paanong matigil ang mga masamang nangyayari sa bansa?

 

Nakialam pa si Enrile sa pagsabi na may kulay-pulitika daw ang imbestigasyon dahil naki-imbestiga pa ang dalawang senador na tumatakbo sa eleksiyon. Kung hindi sasali ang dalawang senador sigurado ba ang patas na resulta dahil ang ibang miyembro ay pro-administration? At ang isyu dito ay obvious na pang-aapi kaya kasamang nag-iimbestiga ay Commission on Human Rights, kahit pa marami na rin ang nagdududa sa kredibilidan nito. Mukhang may ibig sabihin ang mga sinasabi ni Enrile na halatang pabor sa administrasyon. Dapat ay nasa kulungan siya tulad nina Bong Revilla at Jinggoy Estrada, subalit nasa labas dahil sa isang madalas gamiting dahilan ng mga nakakulong….ang sakit, kaya kailangan daw ang “hospital arrest”.

 

Maliban sa pagkamatay ng ilang magsasaka, ang isa pang masakit na resulta ng “Kidapawan massacre” ay pagkulong sa ilang mga matatanda at buntis na kinasuhan pa ng “direct assault” ganoong hinakot sila bago pa nagkaroon ng kaguluhan. Nilinlang sila ng mga pulis nang sabihan silang ihahatid daw sa kanilang pinanggalingan, pero pakakainin daw muna, kaya idineretso sila sa Kidapawan gym. Ang nagpakain sa kanila ay mga naawang mga kababayan at hindi ang gobyerno, subalit, pagkatapos daw ay tinuluyan sila ng reklamo at sinampahan ng kaso kaya nangangailangan sila ngayon ng 12,000 pesos na pang-piyansa, subalit naibaba sa 2,000 pesos.

 

Ang mga buntis ay mangiyak-ngiyak pa sa pagsabi na kailangan nilang umuwi dahil may mga maliliit silang anak na dapat alagaan.  Ang malaking tanong ay bakit sila kinasuhan ng “direct assault” kung inalis sila sa lugar ng rally bago nagkaroon ng marahas na dispersal? Ginamit lang yata silang mga “ebidensiya” kuno para magkaroon ng bigat ang reklamo din ng kapulisan at lokal na pamahalaan. Ganoon na ba ka-lupit ang mga dapat ay nagbibigay ng proteksiyon sa taong bayan?

 

Ayon kay Senador Coco Pimentel ng Senate Justice and Human Rights Committee, walang dumating na representative mula sa DILG, DSW, DA at NEDA na namumuno pala sa El Niἧo Task Force. Hindi rin dumating ang Executive Secretary na siya sanang representative ng presidente. Kahit isang kapirasong statement tungkol sa nangyaring “massacre” sa Kidapawan ay walang inilabas ang Malakanyang.

 

Anong konsiyensiya meron ang mga opisyal natin?….mga kapwa-Pilipinong humihingi ng ilang kilong bigas ay animo pinakain ng bala, at ang iba ay ikinulong, kaya natataranta sa paghanap ng pang-piyansa, ganoong wala na ngang pambili ng kahit isang kilong bigas maski pa sabihin ni Alcala, kalihim ng Department of Agriculture na mura ang bigas sa Kidapawan?

 

Sa paghahanap ng Calamity Fund, hindi pwedeng idahilan na kailangan ang mahabang proseso bago ma-release ito. May mga nagsasabi ding “nagamit” daw ang mga magsasaka ng ilang tao…pero ang tanong ay bakit hinayaan ng gobyernong umabot sa ganitong sitwasyon, ganoong kaya namang ibigay ang hinihinging ilang kilong bigas…agad??!!