Myanmar’s “WoW”

A Traveler's Tale

February 2016:  Traveling towards a township on a provincial road in Myanmar, I was scanning the roadside scenery for some good photos when I spotted something on the road that I initially did not believe I was seeing.  A portion of the road was under repair, a number of workers were busy doing the construction, and they were all women!  Not believing my eyes, I asked my companion if this is something normally happening in the country.  The answer was yes and all I managed to mutter was  “WOW!” before my camera started clicking and our car started to regain speed.

Women in Construction A sight quite unique to Myanmar: a road construction workforce comprised of women

On the way to another place a few days later, I closely watched the road, on the lookout for the admirable women.  I managed to make a few clicks and went to bed that…

View original post 526 more words

Ang Pinsan Kong Lumpo Subalit Buo ang Loob at Matibay ang Pag-ibig sa Asawang Nagkasala

Ang Pinsan Kong Lumpo Subalit Buo ang Loob

at Matibay ang Pag-ibig sa Asawang Nagkasala

Ni Fernando  Sagenes

 

Lumpo ang pinsan kong si Soly (Soledad) dahil napinsala ang kanyang gulugod (spine) nang siya ay madaganan ng isang bahagi ng natumbang bahay nila noong bago pa lang silang nagsasama ni Caloy bilang mag-asawa. Sa kabila ng lahat, hindi siya pinanghinaan ng loob, bagkus ay nagsikap siya upang hindi umasa sa tulong naming mga kamag-anak niya. Nagbukas siya ng maliit na tindahan na masuwerte namang lumago kaya mula sa kita ay napaayos nila ang bahay nila sa Vasquez/Arevalo Compound sa Barangay Real 2.

 

Nakabili din sila noon ng sasakyan na ginagamit sa pamamakyaw ng paninda, pati isang  motorcycle na ginamit ni Caloy para sa mabilisang pamimili sa Imus at Zapote. Lalong higit, nakatulong din siya sa mga kapatid niya at iba pang kamag-anak na kinakapos, at ginagawa pa rin niya hanggang ngayon.

 

Sa kasamaang palad, nalihis noon ang landas ni Caloy nang makiapid siya sa ibang mga babae, at ang kasukdulan ay nang hiwalayan niya ang pinsan ko upang pumisan sa pinakahuling babaeng nakilala niya at tumira pa sila sa hindi kalayuan sa amin. Ang bawal na relasyon ay humantong sa paggawa ng hakbang ni Caloy na kamkamin ang bahagi ng conjugal property nila ng pinsan ko. Mabuti na lang at nagkaroon sila ng kasunduan at kasulatan sa Barangay na pumigil sa kanya upang huwag ituloy ang masama niyang balak.

 

Sa loob ng dalawang taon ay talagang nagtiis si Soly at pilit na pinalampas ang lahat ng nangyari, kaya tuloy lang siya sa pagsikap upang mamuhay na wala ang asawa na dapat sana ay umaalalay sa kanya dahil sa kanyang kalagayan. Nariringgan pa rin siya ng malulutong niyang pagtawa kaya bumilib sa kanya ang mga kaibigan at mga kapitbahay na nakakaalam ng mga pangyayari.

 

Subalit, talagang matalino ang Diyos dahil binigyan Niya ng dahilan si Caloy upang gumawa ng desisyon – ang bumalik sa piling ng pinsan ko. Si Caloy ay na-stroke na naging dahilan ng matagal niyang pagkaratay kaya napilitang bumalik sa piling ng pinsan ko. Pinagtiyagaan siyang alagaan nito hanggang siya ay makaraos at kahit papaano ay makatayo at makalakad kahit sa simula ay mahina ang kanyang pagkilos. Ngayon, maliban sa kanyang pagkaputla, malakas na si Caloy na halos hindi na halatang nakadanas ng stroke.

 

Samantala si Soly naman ay tuloy pa rin ang pagiging masayahin. Sa paggising sa umaga, pagkatapos niyang mag-ayos ng sarili ay pupuwesto na agad sa kanyang tindahan. Sa harap at kanang bahagi niya ay mga nakabiting paninda na halos abot-kamay lang niya, pati ang butas sa screen kung saan ay inaabot ang bayad sa kanya. Sa kaliwang bahagi naman ay ang kalan dahil gusto niyang siya pa rin ang magluto ng pagkain nila. Nang umagang mamasyal kami sa kanya, inabutan naming siyang nagpipirito ng talong at daing.

 

Sa unang reunion naming magkaklase sa Real Elementary School, pinagtiyagaan ko siyang kargahin upang makadalo. Sa kabila ng kanyang kalagayan hindi siya naghangad ng special na attention mula sa mga dumalong kaklase. Normal na normal ang pagtrato namin sa kanya dahil hindi namin siya itinuring na lumpo. Sa katuwaan namin dahil sa matagumpay na pagkikita, nagpasya kaming mag-reunion uli agad, pero sa bahay na niya gaganapin para hindi na siya mahirapan pa. Aayusin na lang namin ang maliit nilang garahe na dating pinaparadahan ng kanilang jeep at motorcycle.

 

Maliban sa pagmamahal ay malaki ang respeto ko sa aking pinsan dahil sa kabila ng kalagayan niya, noong tanungin ko kung mahal pa niya ang asawa niya kahit iniwan na siya nito, ay walang kagatul-gatol na sinabi niyang, “mahal ko pa rin siya kahit ano pa ang ginawa niya dahil asawa ko siya sa mata ng Diyos”. Pinatunayan niya ang matibay niyang pagmamahal nang alagaan niya ang kanyang asawa nang ito ay ma-stroke.

 

 

Fernando Sagenes: Walang Hadlang ang Kagustuhan Niyang Madagdagan ang Kaalaman

Fernando Sagenes: Walang Hadlang

Ang Kagustuhan Niyang Madagdagan ang Kaalaman

Ni Apolinario Villalobos

 

Bago ko nakilala si Fernan ay nakilala ko muna ang kanyang tatay. Ang unang nakatawag sa akin ng pansin nang makilala ko ito, ay ang pagiging tahimik niya. Kilala ang tatay niya sa palayaw na “Adring”, may kaliitan subalit matindi ang pagrespeto sa kanya. Noong iisa pa lang ang barangay Real at nasasakop pa ng Imus, isa ang tatay niya sa mga konsehal. Ngayon, hiwalay na ang barangay namin na naging barangay Real Dos na itinalaga sa teritoryo ng Bacoor, samantalang ang orihinal na Real ay naging Real Uno at sakop pa rin ng Imus.

 

Sa kanilang magkakapatid, pansinin si Fernan dahil sa kanyang salamin kahit noong tin-edyer pa lang siya. Ang impresson tuloy sa kanya ay mukhang may itinatagong talino, at napatunayan kong meron nga nang mabisto kong mahilig palang magbasa. Palagi itong may dalang babasahin, magasin man o maliit na libro na binubuklat niya habang naghihintay ng pasahero sa pilahan ng mga traysikel. Ang pinagkikitaan niya ay pagta-traysikel kahit noong wala pa siyang asawa. Minsan ay nakatuwaan kong tingnan kung ano ang binabasa niya nang maging pasahero niya ako, at nalaman kong lumang kopya pala ng Reader’s Digest.

 

High School graduate si Fernan, subalit pinipilit niyang “habulin” ang mga dapat sana ay natutunan pa niya kung siya ay umabot sa kolehiyo, na hindi nangyari. Sa simpleng paraan na pagbabasa hangga’t may pagkakataon at kung ano man ang mahagilap niya ay pinipilit niyang madugtungan ang naputol niyang pagpupunyagi sa larangan ng kaalaman. Natutuwa siya kapag nakakahiram ng mga aklat lalo na ang mga tungkol sa mga talambuhay, relihiyon at pulitka.

 

Dahil sa kaalaman ni Fernan, siya ay nahirang noon ng barangay bilang Executive Officer nang panahong ang Barangay Chairman ay si Vill Alcantara, at ngayon sa ilalim naman ng bagong Chairman na is BJ Aganus, siya ay nahirang namang Kagawad. Mapagmahal si Fernan sa asawa niyang si Myrna at anak na si Abby na ngayon ay 7 taong gulang at tulad niya ay mahilig ding magbasa.

 

Noon ay natawag niya ang pansin ni Mayor Strike Revilla at Congresswoman Lani Mercado nang lakarin niya ang 8 kilometrong layo mula sa sentro ng Tagaytay hanggang Talisay na nasa dalampasigan na ng lawa ng Taal upang dumalo sa isang mahalagang seminar.  Nanggaling pa siya sa Alfonso kung saan ay may trabaho siya. Dahil madalang ang mga sasakyan, nagdesisyon siyang lakarin ang 8 kilometrong kalsada na puno pa ng mga nakahambalang ng mga nabuwal na puno dahil katatapos lang noon ng bagyo.

 

Nang dumating siya sa pinagdausan ng seminar ay halos nanlilimahid siya sa pagkadikit ng damit sa katawan dahil sa pagtagaktak ng pawis. Ganoon pa man ay lakas-loob siyang pumasok kaya nakaagaw siya ng pansin ng iba pang dumalo sa seminar. Nang tinawag siya sa harap ng mismong mayor ng Bacoor na Strike Revilla upang pagpaliwanagin kung bakit siya na-late sa pagdating, sinabi niya ang totoo kaya buong pagmamalaki siyang pinuri ng mayor sa harap ng iba. Nandoon din ang Congresswoman ng distrito na si Lani Mercado-Revilla na pumuri din sa kanya. Binanggit din ni Fernan na hindi niya naisip na umupa ng sasakyang maghahatid sa kanya kahit hindi niya kabisado ang Talisay, dahil ang laman ng bulsa niya ay Php200 lang. At hindi rin siya nakapag-abiso na mali-late dahil wala siyang cellphone. Sa tuwa ni Mayor Strike Revilla ay ibinigay nito sa kanya ang isa niyang cellphone at dumukot pa ito ng sa bulsa ng sariling pera upang ipandagdag sa Php200 niya.

 

Ipinakita ni Fernan ang pagiging seryoso niya bilang kagawad ng Real Dos kaya kahit anong mangyari ay pinilit niyang matunton ang pinagdausan ng seminar sa Talisay. Alam niya na mahalaga ang makakalap niyang kaalaman na inaasahang ipamamahagi niya sa mga kasama niyang mga opisyal ng barangay.

 

Samantala, ang cellphone na N89 (Nokia) na bigay ni Mayor Strike Revilla ay pinagtitiyagaang ginagamit ni Fernan sa pagbukas ng internet. Maliliit ang mga titik na lumalabas dahil maliit lang din ang screen nito, kaya halos idikit na niya ang kanyang mukha sa screen. Ganoon pa man, dahil sa cellphone ay nadagdagan ang pagkakataong madagdagan ang mga kaalaman ni Fernan tungkol sa mga pangyayari sa iba’t ibang panig ng mundo at iba pang mga bagay na may kinalaman sa buhay ng tao.

IMG7826