Dasal para sa Kampanyahan at Eleksiyon 2016 sa Pilipinas

Dasal para sa kampanyahan

at eleksiyon 2016 ng Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Oh, Diyos na makapangyarihan sa lahat

Naglalang sa lahat ng bagay at may buhay sa mundo

Darating na naman ang panahon ng pangangampanya

Susundan ng eleksyon 2016 na inaabangan ng buong bansa.

 

Ipag-adya nyo po kami sa mga sinungaling

Silang nangangako ng langit, ang mukha ay makapal

Sila na ang mga labi ay may pilit at permanenteng ngiti

Sila na maya’t maya ang pagpahid ng alcohol sa mga pisngi.

 

Ipag-adya nyo po kami sa pang-aakit nila –

Gamit ay nakaw na yaman mula sa kaban ng bayan

At bungkos ng salapi na sa harap nami’y iwawagayway

Na ang kapalit nama’y walang katiwasayang pamumuhay.

 

Harinawa naman na ang ibang malilinis pa

Ay hindi matulad sa mga bantad sa mga katiwalian

Silang malinis ang mga layunin ang tangi naming pag-asa

Upang mabawasan man lang kahit kaunti ang aming dusa.

 

Hinihiling namin ang mga ito sa ngalan ni Hesus

Na ang pagpapakasakit at pagkamatay sa krus

Ay may layuning iligtas kami sa mga kasalanan –

Utang na loob namin sa Kanyang walang hanggan.

 

Amen!

 

2 thoughts on “Dasal para sa Kampanyahan at Eleksiyon 2016 sa Pilipinas

  1. Hindi ganyan “KATINDI” ang dasal namin para sa kampanyahan at eleksiyon sa Amerika, pero kailangan din namin ang blessing ng Panginoon na sana ay hindi mapasama ang bansa dahil sa mga mapipiling lider.

    Sent from my iPad

    >

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s