Asher: Masipag na “Errand Girl”

Asher: Masipag na “Errand Girl”

Ni Apolinario Villalobos

 

Nang minsang kumain ako sa isang maliit na karinderya sa kanto ng mga kalyeng Soler at San Bernardio sa Sta. Cruz ay natawag ang pansin ko ng isang batang lumapit sa may-ari ng karinderya at nagsabing, “pwede na po akong bumili”. Ang nagsalita ay isang maliit na batang babae, na maayos ang bihis at ang kausap niya ay ang may-ari ng karinderya. Siya si Asher na nakapalagayan na ng loob ng may-ari ng karinderya upang bumili ng mga kailangan niya sa kabilang kalye lamang.

 

Nakakatuwa si Asher dahil sa gulang na pitong taong gulang ay marunong nang dumiskarte upang makaipon ng pambaon sa eskwela. Sa pasukan, siya ay tutuntong na sa grade 2 at ayon sa lola niyang si Marissa Marcelino na may karinderya rin sa katabing bahagi lamang, masipag daw itong mag-aral at hindi tamad gumising ng maaga upang makapaghanda sa pagpasok.

 

Ang nanay ni Asher na si Aizza ay anak ni Marissa, at sidewalk vendor din sa Cubao. Halos lumaki na sa lola si Asher na nakatira rin sa lugar na yon kaya kahit sa buong maghapong wala ang nanay niya, ay palagay ang kanyang loob. Maliban kay Asher ay nasa kalinga rin ng lola ang isa pang apo na umaalalay sa kanya sa karinderya dahil nauutusan din subalit may pagkasutil nga lang kaya alaga nitong kulitin ang kanyang pinsan na hindi kumikibo. Mas matanda kay Asher ang kanyang pinsan dahil ito ay siyam na taong gulang na subalit nasa grade one pa rin.

 

Matatas at diretso sa pakikipag-usap si Asher kahit sa mga nakakatanda sa kanya at hindi nakikitaan ng pagkakimi o pagkamahiyain kaya natutuwa sa kanya ang mga nakakakilala sa kanya. Ganoon pa man hindi nawawala ang pamumupổ nito sa mga nakakatanda. Hindi tulad ng ibang bata, hindi na raw hinihintay ni Asher na utusan siya kung ano ang gagawin paggising niya sa umaga. Kusa siyang naglilinis ng katawan bago magpresenta ng sarili upang mamili.

 

Nang umagang yon na natiyempuhan ko si Asher, namili muna siya bago kumain ng almusal kasabay ang pinsan niya. Subalit ang kapansin-pansin ay ang pagiging tahimik niya at kawalan ng kilos-paslit. Tuluy-tuloy ang pagkain niya hanggang makatapos, walang kung anu-ano pang ginagawa na karaniwang ginagawa ng ibang bata. Pagkatapos niyang kumain ay umupo lang siya sa isang tabi upang maghintay na naman ng iuutos sa kanya. Sa bawat utos ay may binibigay sa kanyang pera na iniipon naman niya.

 

Ang palayaw pala ni Asher ay “pango” (flat-nosed), pero itong bansag ay natatakpan ng pagkatao niya na ang pagkabusilak ay nakakasilaw!

2 thoughts on “Asher: Masipag na “Errand Girl”

    • definitely, maraming ibibigay natin sa kanya mula sa ipapadala mo…I gave her yesterday afternoon a body bag…sa tingin ko matalino talaga ang bata, with the way na makipag-usap siya at tumingin ng diretso sa mata ng kausap…

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s