“Crazy” Ideas para maka-Survive (Crazy Ideas for Survival)

“Crazy” Ideas para maka-Survive (Crazy Ideas for Survival)

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang title ng blog ay para sa mga taong hindi maka-relate sa kahirapan kaya matatawag nilang “crazy” ang mga isi-share ko, pero para sa mga taong ginagawa ang lahat para makaraos lalo na sa isang lunsod tulad ng Maynila, maaaring makakatulong ito. (The title of this blog concerns viewers who may not be able to relate to poverty, hence, they may call this share as “crazy”, but those who are in this situation, may find the ideas necessary in order to survive in cities like Manila).

 

Ang mga sumusunod ay maaaring gayahin ng may malakas na loob, pero sa mga taong wala nito…mamangha o magulat na lang, sabay taas ng kilay at magsambit ng, “OMG!”: (the following may be emulated by others, but others may not be able to control themselves from raising their eyebrows in amazement, punctuated with an “OMG!”):

 

  1. Makakagawa ng dalawang putahe ng ulam gamit ang isang maliit na lata ng sardinas. Gamitin ang sarsa na panggisa sa anumang gulay na magugustuhan tulad ng petsay, repolyo at iba pa. Ang lamang sardinas ay pwedeng gawing sauce ng spaghetti o pampalasa ng anumang uri ng pansit. (A single small tin of sardines can be cooked into two recipes. The sauce can be used to sautế vegetables such as pechay, cabbage, etc. The sardines can be prepared into a sauce to flavor pasta such as spaghetti, or different dry oriental noodles locally known as “pancit”.)

 

  1. Kung nirarasyon ang tubig, maligong nakatayo sa loob ng malaking batya upang hindi masayang ang tubig na ibinuhos sa katawan dahil pwedeng ipunin para pang-flush ng inuduro. (When using rationed water in taking a bath, stand inside a big basin so that the water poured over the body can be saved and used in flushing the toilet.)

 

  1. Upang makatipid sa mga panggisang rekado tulad ng sibuyas, kamatis at bawang, bumili ng maramihan (tumpok) para mura, igisa lahat at hatiin sa maliliit na plastic container at ilagay sa freezer, upang magamit “by batch”. Maglabas lang ng isang container mula sa ref kung gagamitin na. (To save on ingredients such as onion, tomato and garlic, buy the cheap ones that are sold by pile. Saute them in oil, apportion in small containers and store in the freezer. Take one container as needed.)

 

  1. Kung magluto ng pasta (macaroni o spaghetti), gumamit ng dami ng tubig na tantiyadong masisipsip ng pasta habang kumukulo hanggang maging “al dente” o tama lang sa kagat, hindi lamog. Kung “al dente” na ang pasta, ihalo ang tomato sauce at iba pang pampalasa. Sa ganitong paraan, hindi na nagtatapon ng tubig na pinaglagaan. Ang sistemang ito ay parang “nagsasaing” ng pasta. (When cooking pasta (spaghetti or macaroni), use just enough water that can be absorbed, until it becomes “al dente” or just right to the bite, to avoid draining. Add the sauce and other ingredients, as the pasta has absorbed all the water, and cook for a few more minutes until the noodles have absorbed the flavor.)

 

  1. Huwag itapon ang ulo at tinik ng daing na isda pagkatapos kainin ang laman. Ipirito uli ang mga ito upang lumutong at dikdikin ng pino upang magamit na pampalasa sa igigisang gulay o fried rice. Ang tinik at ulo ng isda ay maraming sustansiya. (Don’t throw the head and bones of the fried fillet dried fish after consuming the “meat”. Fry them again till brittle and pound into powdery consistency to be used later in flavoring fried rice and vegetable broth. The fish bones and head contain minerals needed by the body.)

 

  1. Ang nakukuhang sustansiya sa paa ng manok o “adidas” ay “collagen” na gamot sa arthritis at pampalambot din ng balat ng tao. Ilaga ang mga paa at kung malambot na ay hanguin. Ang tubig na pinaglagaan ay paglutuan ng papaya o ibang gulay para maging “vegetarian tinola”. Ang pinalambot namang mga paa ay ilutong adobo. (The chicken feet have collagen which is necessary for the arthritis, and in helping our skin recover its suppleness as we grow old. After boiling the chicken feet, remove them from the pot and set aside. Add vegetables such as green papaya or other vegetables to the water, to come up with “vegetarian tinola”. On the other hand, cook the boiled chicken feet in soy sauce, vinegar, garlic, ginger and other desired spices to come up with “adidas adobo”.)

 

  1. Kung iisa lang ang lutuan sa bahay at gustong maglaga ng monggo, pwedeng isingit ang paglaga dahil hindi naman kailangang tuloy-tuloy ang paglaga nito upang lumambot. Kapag kumulo na, pwedeng tanggalin sa lutuan upang makaluto ng iba. Kapag naluto na ang iba, pwedeng ibalik ang monggo upang pakuluan uli, at pwedeng tanggalin uli sa lutuan upang makaluto  ng iba pa rin. Sa ikatlo o ikaapat na pagkulo sa pasingit-singit na ginawa sa monggo, lalambot na ito. Sa huling salang ng monggo, pwede nang haluan ng kung anong gustong pangsahog na gulay. Kung buto-buto, pata, o langka ang ihahalo sa monggo, isabay sila sa paglaga. (If using only one stove but there is a need to boil “monggo” [mung beans], let it boil first then remove from stove so that another food can be cooked, after which, the pot of the monggo can be returned to the stove to let it boil again…do this, routine to give way to other foods to be cooked. On the third or fourth boiling, the monggo should be soft, and already be prepared as desired. When cooking it with beef bones, pork legs, or young jackfruit, boil the monggo with any of them, to save on cooking gas and time.)

 

  1. Ipunin ang mga nalusaw at lumiit na sabon panligo at balutin ng face towel upang magamit na scrub sa katawan. (Collect the remnants of bath soaps and wrap them with face towel to be used as body scrub.)

 

  1. Kapag namili sa grocery o department store, unang puntahan ang bargain section. Kung walang magustuhan, saka pumunta sa regular section. Tandaan na pagdating sa kasuutan, hindi kailangang mahal dahil ang magdadala nito ay ang katawan na binabagayan. Huwag magmukhang trying hard sa pagsuot ng mahal na kasuutang hindi naman bagay sa iyo. Huwag isipin na dahil nakita ang isang uri ng damit na suot ng idol na artista, ang isinuot niya ay babagay din sa yo. Sa pagkain, hindi dahil imported ay masarap na, lalo na yong galing sa Tsina na baka peke o may lason. (When shopping, check first the bargain section for items that you might need, before going to the regular section. Take note that apparels need not be expensive to look nice on one’s body. Never assume that what you saw your showbiz idol was wearing would also look good on you. For food, imported ones are not necessarily always the most delectable, especially, those coming from China which could be fake or laced with ingredients that are harmful to man.)

 

Sa panahon ngayon, ang kailangan ay pag-iisip na praktikal upang makaraos sa kahirapan. (At this trying time, we need to be practical-minded in order to survive.)

 

3 thoughts on ““Crazy” Ideas para maka-Survive (Crazy Ideas for Survival)

  1. Yung numbers 1 and 2 nagawa ko na.

    Yung 3 gawain ng lola ko before.

    Yung 4 masubukan nga, kakaluto ko lang ng Carbonara kahapon eh, nagtapon padin ako ng water.

    Yung 5 naman wala namang natitira sa fish namin, kase may pet cat ako. Hehehe! Hindi naaaksaya.

    Sa 6 naman, kaya ba yung uncle ko mahilig sa chicken feet recipes? Hahahah!!!

    Sa 7, nagluto ako ng monggo kanina. Hinugasan ko muna yung mga mongo seeds, tapos binabad ko sa water over night para lumambot. So every time magpapalambot or pakulo ako ng mongo hindi matagal sa lutuan.

    Sa 8 naman bihira may natitirang soap dito sa bahay na panligo.

    Lastly 9, ok lang bumili sa bargain section, basta lageng tandaan icheck yung expiration dates. =)

    Napansin ko lang din, iisa lang yung numbers netong mga tips mo. Crazy nga pero nakakatuwa. ^__^

    Liked by 1 person

    • pangalawa ka sa nakapansin sa iisang number lang….sa original na kopya ng blog, tama ang sequence from number 1 up to……binago ng wordpress….kaya sa susunod, bullets na lang ang gagamitin ko….sinubukan kong baguhin, ayaw nang tanggapin ang edited sequencing…pati ang spacing nga, one space lang talaga pero pag-napublish sa wordpress nagdo-bouble, di tulad sa ibang sites like blogspot at facebook talagang sinusunod ang original…thanks!

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s