Walang Silbi ang Special Lanes sa Manila

Walang Silbi ang Special Lanes sa Manila

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi na naman nag-isip ang mga ahensiya na naglunsad ng “road sharing project” sa Commonwealth Avenue sa Quezon City. Masabi lang na may inilunsad na proyekto na pampapogi ay sige na lang sila nang sige para makakuha ng media exposure. Sa paglunsad ng proyekto, may inilagay silang mga plastic barrier para ipakita ang bahagi ng highway na inilaan sa mga nagbibisikleta, nag-posing ang mga matatakaw sa kodakan na mga opisyal, at kinabukasan, wala na ang mga plastic barrier kaya balik na naman sa dating pagmamanehong pabara-bara ang mga walang disiplinang motorista – nawala na ang bahagi para sa mga nagbibisekleta!

 

Mismong mga grupo ng mga nagbibisekleta ay hindi gusto ang paglaan ng bicycle lane sa gitna ng kalsada dahil alam nilang hindi rin ito rerespetuhin ng mga motorista kaya malalagay lang sa alanganin ang buhay nila. Ang gusto nila ay isang bahagi sa labas ng kalsada – kung hindi man makipag-share sa pedestrian lane, ay isang hiwalay na lane pero katabi lang din ng pedestrian lane.

 

Kung ang yellow lane nga lang para sa mga bus ay binabale-wala dahil mismong mga bus ay lumalabas dito at ito ay pinapasukan din ng mga kotse…. paano pang aasahan ang pakikipag-“share” ng main road sa mga nagbibisekleta? Ang kasukdulan ng kawalan ng disiplina ng mga motorista sa Maynila ay ang pag-alis nila kung minsan ng mga plastic barrier na inilalagay ng MMDA upang mapaayos ang daloy ng trapiko. Pakirimdam ng karamihan ng mga motorista sa Maynila ay pagmamay-ari nila ang mga kalsada kaya ang pag-aagawan ay humahantong kung minsan sa paluan ng tubong bakal at barilan. Dahil diyan, hindi nakapagtataka kung ang ibang mga drayber ng dyip at bus ay mgay baon na tubong bakal at ang mga pribadong motorista naman ay may baon namang baril bilang proteksiyon daw.

 

Naglagay din ng mga “yellow boxes” sa mga intersection ng malalaking kalsada subalit hindi rin ito nirerespeto ng mga motorista. Sa labas ng box na ito dapat huminto ang mga motorista at ang abutin ng pagtigil o “stop” sa loob, ay dapat may penalty, subalit wala ring nangyari sa patakarang ito dahil hindi sinusunod. Marami pa rin ang humahabol sa pagpalit ng kulay ng traffic lights. Sa gabi naman kung kaylan ay wala nang mga traffic enforcer, kanya-kanya din ng diskarte ang mga motrista na hindi sumusunod sa traffic lights.

 

Hindi dapat isisi lang sa dami ng mga sasakyan ang mala-impiyernong trapik sa Maynila. Kung may disiplina lang ang lahat ng motorista, maiiwasan sana ang PAGKABUHUL-BUHOL (entanglement) ng trapiko. Maganda na sanang kahit mabagal ay tuloy lang ang pag-usad ng mga sasakyan kaysa naman tumigil dahil may mga motoristang hindi nagbigayan kaya nagkaroon ng BUHOL ang trapiko, lalo na kung ito ay nagreresulta sa banggaan!

2 thoughts on “Walang Silbi ang Special Lanes sa Manila

  1. Kasi mga opisyal diyan hindi naman talaga gumagamit ng kukote. It’s all “monkey see, monkey do” in the truest (?) sense of the word.

    Kung mayroong features sa Western Hemisphere, gagayahin. Tingnan mo iyong Daylight Savings Time… abala lang!

    Iyong Grade I to Grade VI plus 4 yrs high school, OK naman Ngayon ginaya ang Western practice, lumaki ang gastos ng magulang. Ang kailangan ay better schools, better teachers, Not more years in school!

    Ika nga, it’s a can of worms. And the people in government are snakes.

    >

    Liked by 2 people

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s