Day: January 13, 2016
The Street Art of Spain!
Source: The Street Art of Spain!
A Tale of Two Cities: Cartagena!
Source: A Tale of Two Cities: Cartagena!
Stunning Suspended Lounger
A Closer Look at the Filipino “Nationalistic” Groups
A Closer Look at the Filipino “Nationalistic” Groups
By Apolinario Villalobos
Even during the administration of Ferdinand Marcos, there were already problems with China as regards the South China Sea/West Philippine Sea, separatist movements and kidnapping in Mindanao, as well as, with Malaysia as regards Sabah, and most especially, corruption in the government. The same problems were inherited by subsequent administrations. But the “nationalistic” groups were more concerned in shouting invectives against America in front of the US Embassy and in burning effigies of American and Filipino presidents. They did not lift a finger in helping the government in its effort to recover Sabah, and not a single rally was held in front of the Chinese Embassy to express their revulsion over the issue on West Philippine Sea. Not even a question was raised as regards the effectiveness of the military against the separatist movement and kidnappings in Mindanao because of its inadequate facilities due to misused funds intended for its modernization. These groups cannot even lay claim on the success in deposing Marcos, because the religious groups and ordinary citizens were the ones responsible for such success.
Despite the open reclamations of China in the West Philippine Sea, these groups were silent, although, belatedly, they somehow held a lightning rally or two, after such, nothing was heard from them again. Despite the ongoing activities of the Abu Sayyaf and separatist groups in Mindanao, they remained silent. The overly grisly Maguindanao and Mamasapano massacres did not entice them a bit to make a move to show their support to the victims. Despite the moving of justice system at a snail’s pace and unabated proliferation of foreign “investors” who are exploiting the natural resources around the country, nothing is heard from them, too. And despite the blatant control of domestic medium-scale trading in the country by these foreign “investors”, still nothing is heard from these groups.
After the announcement of the Supreme Court’ decision favoring the legality of the US military presence in the country, these groups suddenly came to life. They maintain their claim that such decision shall lead to the construction of the permanent US bases in the country when in fact, nothing of that sort is mentioned in the agreement.
They claim that the continued presence of the American soldiers in the country will lead to the revival of sex- related industry which is not true. Even without the presence of US bases, there is uncontrolled proliferation of the sex trade via the internet, bars and massage parlors, even in the decent districts of Metro Manila. But still, if they want, they can knock at the doors of Congress and Senate for laws that shall control this kind of industry, and which should be appropriate for the time. On the other hand, they are supposed to know that even the local government can control such industry. And, just what have they done on the issue of poverty that contributed to the fast growth of such industry in the country? They should caution the sex workers if they are really bent on helping their countrymen involved in sex trade which needs to be treated as a separate issue, instead of using this alibi in pursuing their “nationalistic” objective. They seem to be blind to the fact that various sex deals are flourishing even without the issue on the US military presence in the Philippines due to weak national laws and LGU regulations that reek with corrupt motives.
What dedication to advocacy are they talking about when some of them are even holding passports stamped with US visa? If these groups are really serious in their advocacy, why don’t they hold rallies against the ongoing corruption in the country and the vote-buying, a political tradition that got deeply-entrenched in the Filipino culture? Why don’t they consistently hold rallies for the removal of department secretaries who are being questioned on the issues of smuggling, ghost NGOs, drug trafficking, illegal recruitment, and deplorable state of mass transit facilities such as LRT and MRT, etc. Why don’t they consistently hold rallies for the removal of the president, if they find him to be ineffective just like what was done during the time of Marcos? Why don’t they hold rallies against the unfulfilled promise of the government to modernize the military facilities after prime public properties were sold to foreign investors? Why don’t they picket outside the detention facilities where the Ampatuans are, to show their disgust over the hideous crime that they purportedly committed? These are what the Filipinos want to see and expect from them, as they claim to be “nationalistic” and pro-Filipino.
Obviously, the Philippines has been under a long-tested democracy which unfortunately proved ineffective due to its loop-holed system that led to the propagation of various forms of corruption. And, this is what the left-wing groups want to be changed to a more “nationalistic” system. But what do they mean by “nationalistic”?…a communism-inspired system?
By the way, I just want to make myself clear that not all nationalistic Filipinos have a communistic mentality.
Ang Tao Bilang Nilalang ng Diyos
ANG TAO BILANG NILALANG NG DIYOS
Ni Apolinario Villalobos
PAALALA: Ang blog na ito walang layuning magpasimula ng pagtatalo tungkol sa iba’t ibang paniniwala sa Diyos lalo na sa relihiyon at tradisyon, kaya WALANG KARAPATAN ANG IBANG KWESTIYUNIN ITONG MGA PANSARILI KONG PANANAW. Walang karapatang magbigay ng paalala ang mga nagmamaangan-maangang maka-Diyos daw. At, dahil wala akong binabanggit na relihiyon o tradisyon dito, ang pakiusap ko ay huwag ding magbanggit nito ang sinumang gustong magkomento. Ituturing kong pansariling pananaw ng nagbasa ang komentong sasabihin niya, kahit hindi umaayon sa mga inilahad ko, kaya hindi ko rin dudugtungan ng tanong o komento. At, lalong ayaw kong ipilit sa iba itong mga pananaw ko.
- Ang haharap sa Diyos pagdating ng panahong mawala sa mundo ang isang tao ay ang kanyang ispiritu…HINDI ANG KANYANG KATAWANG LUPA. Pagdating ng kanyang kamatayan, HUMIHIWALAY ANG ISPIRITU SA KATAWANG LUPA. Kaya ang mahalagang gawin ng isang tao ay magpakabuti habang buhay pa upang mabawasan man lang ang kanyang mga kasalanan, nang sa ganoon, pagharap niya sa Diyos ay hindi siya mahihiya, at makaakyat siya sa langit kung meron man nito. Ang naiwang katawan na kini-cremate o nilalagay sa kabaong upang ilibing ay wala nang silbi subalit dapat respetuhin. Kahit bendisyunan o basbasan pa ito ay wala ring mangyayari kung ang iniisip ng iba ay makakatulong ang pagbendisyon upang mawala ang mga kasalanan niya, dahil ang katawan ay itinuturing bilang “lupa” na lamang, kaya sa Ingles, ang tawag sa bangkay ay “remains” – natirang bagay.
Sa pagkabulok ng bangkay, ito ay hahalo na sa lupa, hindi aakyat sa langit o magdudusa sa impyerno kung meron man nito. Ang Diyos naman ay maaaring “magtatanong” sa ispiritu kung ano ang pinaggagawa ng katawan niya noong buhay pa ito, at hindi magtatanong kung ang bangkay ba niya ay binendisyunan o binasbasan sa isang katedral, simbahan, kapilya, punerarya, bahay, Multi-purpose Hall, o bangketa kung saan ginawa ang lamay. Hindi magtatanong ang Diyos kung mahal ba o mura o donated ang kanyang kabaong, o di kaya ay diretsong inilibing ang kanyang bangkay, o sinunog ba, o kung marami ang nakipaglamay, o kung sino ang nagbasbas, o kung may videoke ba o nagpasugal nang gawin ang lamay upang makalikom ng pera.
- Ang mga ispiritwal na bagay ay may kaugnayan sa Diyos o pananalampalataya kaya hindi dapat ihalintulad sa mga maka-mundong gawain tulad ng pagpapatakbo ng negosyo, gobyerno, o organisasyon na magiging kadahilanan ng pagkapagod kaya kailangan ang isa o dalawang araw na day off. Hindi rin saklaw ng panahon ang mga ispiritwal na bagay kaya hindi dapat kinokontrol ng oras o araw, hindi tulad ng mga maka-mundong bagay o gawain. Ang pagpapahinga ng Diyos na sinasabi sa Bibliya tungkol sa “creation”, kung saan ay binanggit ang pagpahinga niya sa ika-pitong araw ay isang alamat o legend. Hindi ito dapat gamiting batayan upang magpahinga ng isang araw ang isang bahay-sambahan, sa pamamagitan ng pagsara ng kanilang “opisina” dahil nagagawan naman ng paraan upang maging tuloy-tuloy ang pagsilbi sa mga pangangailangang ispiritwal ng mga kasapi.
Kung ang namumuno sa isang bahay-sambahan ay magpupumilit ng patakaran tungkol sa araw ng pamamahinga at tatanggi sa mga suhestiyon bilang paraan kung may problema, lumalabas na siya ay makasarili o mayabang dahil gusto niyang manaig ang pansariling pamamalakad, kaya sa halip na makahikayat ng mga bagong kasapi ay magtataboy pa siya ng mga dati nang kasama…at ang gawaing nabanggit ay pagsalungat sa kagustuhan ng Diyos.
- Hindi nangangahulugang dahil namumuno na ang isang tao sa isang bahay-sambahan, ay marami na siyang alam at ang mga pinamumunuan niya ay wala o maraming hindi alam. Wala siyang karapatang kumilos na animo ay pantas sa larangan ng relihiyon, dahil ang kaibahan lang niya sa iba ay ang “diploma” lang naman mula sa eskwelahan ng pananampalataya kung saan siya kasapi. Sa makabagong panahon ngayon, marami nang paraan kung paanong mapalawak ng isang tao ang kanyang kaalaman sa anumang larangan, kasama na diyan ang tungkol sa Diyos at relihiyon, at hindi niya kailangang magkaroon ng diploma dahil dito.
SA MATA NG DIYOS, LAHAT NG KANYANG NILALANG AY PANTAY-PANTAY AT KUNG MAY MGA NAITALAGA MANG “MAMUNO” KAYA KAILANGAN NILANG MAG-ARAL PA, SILA AY HINDI DAPAT MAGYABANG DAHIL ANG MGA PINAG-ARALAN AY DAPAT GAMITIN SA TAMANG PARAAN UPANG MAKAHIKAYAT PA NG MARAMING KASAPI, AT ANG PAMUMUNO AY MAY HANGGANAN ….SA IBABAW NG MUNDO.
The Art of Sacrifice-Jusjojan
Patagonia
Beverly Padua: Nakakabilib dahil Nakakabenta sa Internet kahit Cellphone lang ang Gamit
Beverly Padua: Nakakabilib Dahil Nakakabenta sa Internet
Kahit Cellphone lang ang Gamit
Ni Apolinario Villalobos
Meet Beverly or Bevs na nakakapagbenta sa internet kahit walang laptop, i-Pad o desktop computer dahil ang gamit lang ay isang simpleng smart phone. Nakakagulat, dahil sa pagkakaalam ko, ang mga on-line sellers ay umaasa sa malalaking computer na kanilang tinututukan sa loob ng 24/7, hangga’t maaari. Nang una kong makita ang shop site niya ay bumilib na ako dahil sa linis ng pagkagawa, hindi kalat o magulo kaya hindi nakakalito. Ginawa rin pala niya ito gamit lang ang simple niyang cellphone.
Panganay siya sa kanilang magkakapatid at ulila na sila sa ina. Ang tatay naman nila ay sakitin kaya silang magkakapatid na kumikita kahit papaano ang nag-aambagan upang makaraos ang pang-araw araw nilang pangangailangan. Kahit madalas silang kapusin sa budget ay dinadaan nila sa matinding pagtitipid ang lahat upang masambot ang kanilang pangangailangan lalo na ang mga gamot ng kanilang tatay.
Single mom din siya. Wala siyang hinanakit sa ama ng kanyang anak kahit na ito ay may iba nang pamilya. Kahit sa hinagap ay hindi niya naisip ang maghabol o magalit sa dating asawa, bagkus ay dinadaan na lamang niya sa pagsisikap ang lahat upang mapalaki nang maayos ang nag-iisang anak na naging inspirasyon niya sa buhay. Sa kabila ng lahat ay hindi natinag ang kanyang malakas na pananalig sa Diyos, at sa halip ay tinutumbasan na lamang niya ng pagpapaubaya, dahil ayon sa kanya, darating din sa tamang panahon ang taong talagang nakalaan para makasama niya habang buhay.
Hindi siya nariringgan ng kahit kaunting hinagpis kahit may mga pangangailangan din siya para sa kanyang kalusugan bilang isang diabetic. Ilang beses na rin siyang sinumpong nang matindi dala ng kanyang sakit subalit lahat ay kayang nalampasan, kaya ang ginagawa na lamang niya ay pag-ibayuhin pa ang pag-iingat upang hindi siya atakehin uli.
Masidhi ang pananampalataya ni Bevs sa kapangyaarihan ng Diyos dahil ilang beses na rin daw niya itong napatunayan. Noong nakaraang taon kung kaylan patung-patong ang pangangailangan nila sa pera ay saka naman humina ang bentahan, subalit hindi siya nagpakita ng pagkainis, sa halip ay tinanggap na lang ang sa tingin niya ay isang pagsubok. Totoo ang kanyang naramdaman dahil nitong nakaraang mga araw ay nagsunud-sunod naman ang pagpasok ng mga order sa kanya.
Kahit ang dapat sana’y kailangan niyang i-Pad lamang upang lumaki kahit bahagya ang screen na kanyang tinututukan ay ipinagkikibit na lamang niya ng balikat. Hindi daw priority ito, kaya bibili na lamang siya kapag may ekstra siyang naipon dahil ang mahalaga ay ang pangangailangan ng kanyang anak, isa pang kapatid na nag-aaral, at amang nangangailangan ng mga gamot.
Hindi siya nawawalan ng lakas kahit halos magdamag kung tumutok siya sa cellphone sa paghintay ng papasok na order dahil kapag pinalampas ng kahit ilang minuto lang na hindi nasagot agad, ay lilipat na sa ibang online shopping site ang browser. At, ang sikreto daw niya sa pagkakaroon ng lakas ay ang tiwala sa Diyos na nasa likod lang niya.
Magandang halimbawa si Bevs sa mga nagsisikap kahit maraming kakulangan dahil kahit simpleng smart phone lang ang gamit ay kumikita, hindi tulad ng iba na nakikipag-text at tsismisan lang sa mga barkada, ang gusto ay mamahaling cellphone o i-Pad pa, at kung hindi mapagbigyan ay magtatampo sa mga magulang o di kaya ay lalayas, at kung asawa naman ay magdadabog na humahantong kung minsan sa pagpapabaya ng mga obligasyon bilang asawa at ina.
(For interested shoppers, please check Princessrobe O’shop and OBe Padua facebook pages.)