Hindi Dapat Isipin ng Ibang mga Pari na Tanga ang Lahat ng mga Katoliko

Hindi Dapat Isipin ng ibang mga Pari na Tanga

Ang Lahat ng Mga Katoliko

Ni Apolinario Villalobos

 

Akala ng ibang pari, dahil nakapag-aral sila ng mga salita ng Diyos at ng kasaysayan ng simbahang Katoliko sa loob ng kung ilang taon habang nakakulong sa seminaryo, ay sila lang ang may kaalaman sa mga ganitong bagay kaya  kung umasta sila ay aakalain mong sila lang talaga ang mga pinagpala ng Diyos dahil sa kanilang kaalaman.

 

Ang katotohanan ay marami ang tumitiwalag sa simbahang Romano Katoliko dahil naliwanagan sila pagkatapos malaman ang mga kahihiyang pilit itinatago ng Vatican, lalo na ang mga makabagong nakakadiring kasalanan ng ibang pari. Tanga ang mga paring ito kung hindi nila mauunawaan ang tulong na naibibigay ng makabagong teknolohiya sa mga Katolikong nakakakuha ng impormasyon sa internet.

 

Baka mas marami pang alam ang ibang ordinaryong Katoliko tungkol sa kasaysayan ng simbahang Romano Katoliko na hindi pa alam ng karamihan sa mga pari, kaya hindi sila dapat magyabang. Ang dapat gawin sana ng mga kaparian sa panahong ito ay magpakatotoo, magpakabait, magpakumbaba, maging tulad ni Hesus sa ugali, upang kahit papaano ay maipakita nila na ang pagkakamaling nangyari sa nakaraang panahon ay hindi na mauulit pa sa kasalukuyan. Pero ano ang kanilang ginagawa? Mas higit pang kahihiyan ang ibinibigay sa simbahang Romano Katoliko kaya ang bagong santo papa ay parang sirang plaka sa paulit-ulit nitong pagpapaalala sa kanilang mga responsibilidad at obligasyon. Kulang na lang ay murahin sila!

 

Kung may “pinapatakbo” o mina-manage na parukya ang isang pari, dapat ay magpakita ito ng propesyonalismo dahil ang isang parukya ay isang komunidad na nangangailangan din ng “proper and intelligent management”. Hindi dapat gamiting dahilan ang pagka-ispiritwal ng simbahan upang siya ay makapagdikta o magpasunod ng kanyang kagustuhan dahil gusto lang niyang maipakita na siya ang “lider”. Kung ganyan ang ugali niya, aba eh, bumabalik siya sa panahon ni Padre Damaso noong panahon ng Kastila! Wala siyang karapatang mamuno ng isang lokal na simbahang Katoliko ngayon na sirang-sira na ang reputasyon, dahil sa halip na nakakatulong siya upang makapagbago man lang kahit kapiranggot, lalo pa niyang binabahiran ng putik ang imahe nito.

 

Dapat pasalamatan ng santo papa ang mga maliliit na religious organizations sa lahat ng komunidad na siyang sumasalo at nagtatakip sa pagkakamali ng kanilang parish priest. Dahil maganda ang ipinapakita ng mga religious organizations hindi masyadong nahahalata ang mga kamalasaduhang ginagawa ng ibang parish priest. Ang mga parish priests ay napapalitan pagkalipas ng kung ilang taon, subalit ang mga religious organizations ay hindi dahil taal silang taga-komunidad kaya kung tutuusin sila ang nagbibigay ng agapay sa mga bagong naitatalagang parish priest, subali’t dahil sa kayabangan ng iba sa mga ito, kalimitan, ilang buwan pa lang pagkatapos silang maitalaga ay umaalingasaw na agad ang mabantot nilang ugali!….sila ang mga makabagong Padre Damaso!

 

2 thoughts on “Hindi Dapat Isipin ng Ibang mga Pari na Tanga ang Lahat ng mga Katoliko

  1. Mukhang napuno ka na sa nasabing pari! i-print mo ang mga blog post tungkol sa kaniya at ipadala sa pamamagitan ng koreo sa obispo! Kung pwede nga hanggang sa Vatican! Malaking damage ang nagagawa ng ganiyan tanga dahil nakaharap sila sa lipunan at “captive audience” ang mga nagsisimba.

    Liked by 1 person

    • talagang punong-puno na…kaya aside from my facebook, naglagay din ako sa mismong facebook ng alumni association namin, nabulabog tuloy sila…kaso mo wala akong name na binabanggit…pero marami ang nakakaalam ng ugali nitong pari…yong patay na sinasabi ko ay pamangkin ko….to think na pwede naman talagang kumuha ng ibang pari para mag-misa, ayaw pa rin daw niya dahil gusto lang yata mangyari ay siya ang masusunod…

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s