Perla…(para kay Perla Buhay)

Perla

(para kay Perla Buhay)

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang karangyaang naipagkait sa murang gulang

Ay nagsilbing lakas upang si Perla’y magsikap

Para sa kanya, ang buhay ay puno ng pag-asa

Na sa tamang panaho’y magdudulot ng biyaya.

 

Mga pangarap ang humubog ng kanyang buhay

Natanim sa isip habang kinakaya ang pagsubok

Dasal sa Panginoon sa kanya’y nagbigay ng lakas

Habang tinatahak niya ang bulubunduking landas.

 

Mga pagsisikap niya’y hindi binigo ng Panginoon

Dahil pangarap niya ay nagkaroon ng katuparan

Napatunayan niyang may kapalit ang pagtitiyaga

Lalo’t gagawin itong hindi nanlalamang ng kapwa.

 

Angkop ang pangalang Perla sa kanyang pagkatao

Na hango sa perlas, maselang yaman ng karagatan

Nagdadagdag -akit, sinuman ang magsuot na dilag

Kaya ang lalaking ‘di sumulyap at humanga ay bulag!

 

Perlas siya ng buhay…siya ay isang pamukaw-sigla

Inspirasyon at lakas ng iba upang maging masigasig

Dahil napatunayan niyang mahalaga ang magsikap

Upang magkaroon ng katuparan ang mga pangarap!

 

(Si Perla ay nakatapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng pagsikap…naging

self-supporting. Nagkaroon ng trabaho, hanggang ang swerte sa ibayong

dagat ay kumaway sa kanya. Siya ay nakapag-asawa ng isang Amerikano

na todo ang pag-unawa sa adbokasiya niyang pagtulong sa mga maralitang

Pilipino at mga kamag-anak na naiwan sa Pilipinas.)

 

 

Ginoyo Mo Ako

The Long Road Called Life

Nakita ko si brader

Nakatambay, nakaupo malapit dun

Sa may pader

Ng tindahan ni Aling Pasing

Na walang kasing sungit ‘pag bagong gising.

Hawak niya kanyang asul na plawta

Tumutugtog, nagpapalipas ng segundo;

ng oras, ng minuto.

Tinawag niya ako, kinawayan sa may kanto.

“Pst, halika, tutugtugan kita;

magaling ako, mahusay, lahat na.

Nakaikot na sa buong mundo,

Dinala ng musika ng aking munting instrumento.

Halika’t tutugtugan kita;

Dadalhin sa mga sulok na sinuyod;

Nilakad, nilibot;

Ng mga paang ang saplot ay walang iba kundi

samu’t saring dahilan ng aking lungkot.

Halika’t pag-ibayuhin natin ang mga nota

Sa nilikha at pinagyayaman kong piyesa.

Ikaw ang magiging melodiya,

Na magbibigay buhay

Sa patay at walang kabuluhang lirika;

Na magpapatunay na mayroon pang

Natitirang pag-asa

Sa luma at gasgas kong plawta.”

Lumapit ako, nag-akalang ika’y totoo.

Tumayo sa iyong tabi, suot ang aking ngiti

Sa may labi.

Humarap sa’yo, naghintay ng tunog…

View original post 64 more words

Naku, Ayaw Ko Niyang OKRA!

AtoZfoodnames

Nagkita kami last weekend ng dati kong ka-iskwelang si Nelia, para magka-balitaan tungkol sa buhay-buhay.  Napili namin ang isang nalalapit na Cajun restaurant sa siyudad ng San Ramon, mga isang oras ang layo sa San Francisco, California.

 
Ang salitang “Cajun” ay galing sa Acadia, pangalan ng lugar na ngayon ay sinasakop ng New Brunswick, Nova Scotia, at Prince Edward Island sa silangang bahagi ng Canada.  Ang tatlong probinsiyang ito ay nasa bandang kanan ng mapa sa ibaba; nakaharap sila sa Atlantic Ocean.
 
 
Heto naman ang mapa ng daigdig, upang malinawan natin ang layo sa Pilipinas ng mga nasabing lugar.  Ang ating bansa ay nasa bandang kanan ng mapa sa ibaba; ang North America, kung saan naroon ang Canada at United States, ay nasa 
nakakataas na kaliwa, nakarugtong sa South America.  Okay?

http://www.freeworldmaps.net/download/maps/blank-world-map-big.gif

————
Karamihan sa mga taga-Acadia ay tubong Pranses; ang tawag sa kanila ay “Acadiens.”…

View original post 728 more words

LUMPIA: Sikat na Pangkaing Pilipino

AtoZfoodnames

Sa kanlurang bahagi ng mundo, lalo na sa Amerika, ang mga sikat na pagkaing Pilipino ay pansit, lumpia, at adobo.  Ibig kong talakayain ngayon ang LUMPIA, bilang follow-up sa blog post ng kaibigan nating penpowersong.
 

Ang Lumpiang Sariwa ni Flor Enriquez-Francia sa Quiapo

 
Mga kababayan, hindi yata katutubong putahe ng Pilipinas ang lumpia.  Sori po!  
Ang lutuing ito ay dala daw ng mga Fujian Intsik na dumayo sa ating mga pasigan anim na libong taon na ang nakararaan. Pansinin natin ang pulang bahagi sa mapa ng Tsina; iyan ang Fujian.
 
Hindi lang Pilipinas ang narating nila, kundi Indonesia rin, at iba pang nalalapit na lugar.  Ayon kay Propesor Peter Bellwood ng Canberra, Australia, ang pagpunta ng mga taga-Fujian sa iba’t-ibang bansang Asya ay ang dahilan kung bakit maraming kahawigan sa salita…

View original post 546 more words