The Agony of Mother Nature

The Agony of Mother Nature

By Apolinario Villalobos

 

Her  womb brought  forth  life of many sorts

On top of the list is man – wise, clever, shrewd

A creature so sharp, with ego that knows no bound

He, whose selfishness buoyed him up from the ground.

 

At  the start, his simple desire brought him food

Also, skins and leaves to cover his bare fragile frame

Then, his carnal yearnings brought him abundant broods

Who later inhabited  vast lands – plains, valleys, and woods.

 

Man’s desire has no end,  never  satisfied, not a bit

He not only breached,  what to others are sacred realms

Unmindful  and blind to  what will be the  consequence –

Even daring to break  Mother Nature’s idyllic, blissful silence.

 

Greed drove man to scalp mountains of  their  trapping –

Verdant and lush forests felled by  indiscriminate burning

Reverberating  screams of chainsaws  fill nooks and crevices

Drowning panicky bird calls  and  their  desperate screeches.

 

 

Immaculate white and sandy beaches strewn with shells

Though, still practically  fringe  undiscovered islands and coves

May no longer be what they are now,  as found  by those lucky

For their days are numbered   just like the rest, now drowned in misery.

 

Islands pockmarked with diggings for much-coveted  minerals

Pitifully barf residue to rivers, lakes, coves, even gurgling springs

While man grins his widest for the cash, illicitly and cruelly gained

Mother Nature just cringe in agony,  abused,  that for long she pained.

 

The air that man breaths for whiffs of comfort, relief, and dear life –

Now has become a mist of poison, the scourge of his irresponsibility

For bringing forth metallic contraptions belching toxin just everywhere

And even break auditory succor, shaking the world with so much clatter.

 

With Mother Nature in agony –

man is left…alone,

 to determine his destiny!

Maawain, Maunawain, Mahiyain, at Mapagmalasakit ang Wikang Pilipino

Maawain, Maunawain, Mahiyain, at Mapagmalasakit

ang Wikang Filipino

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang wikang Filipino ay mayroong mga katagang “medyo” (it seems), “hindi gaano” (not much of…), at “siguro” (sort of, maybe). Ang mga katagang yan ang nagpapalambot ng kahulugan ng nga pantukoy na kataga, tulad ng “pangit”, “mapait”, “mabaho”, “masama”, atbp. Hindi maunawaan kung bakit nahihiya ang Pilipino sa diretsahang pagbigkas ng mga pantukoy na kahit masamang pakinggan ay totoo naman.

 

Kawalan ng katapatan para sa isang tao ang hindi pagsasabi ng totoo na dapat sana ay nakakatulong sa pinagsasabihan upang matutong tumanggap ng katotohanan kung napatunayan naman, at upang magbago siya kung kailangan. Sa isyu ng kagandahan o kapangitan batay sa mapagkunwaring batayan, alam naman ng lahat kung ano ang “kagandahan ng kalooban” at “panlabas na kagandahan”. Upang hindi lumabas na nagsisinungaling, huwag na lang magbanggit ng katagang “ganda” o “gwapo” kung may mga nakikinig na mga taong hindi naman talaga guwapo o maganda…huwag rin magbanggit ng katagang “pangit”, kung dudugtungan din lang ng “medyo”, at pampalubag ng kalooban na “nasa kalooban ang kagandahan ng tao”.

 

Kung talagang korap ang isang pulitiko, diretsahan nang sabihin ito. Huwang nang magpaikot-ikot pa dahil lamang nakikinabang din pala ang nagsasalita pagdating ng panahong nagkakabentahan ng boto. (Pareho lang pala sila!) Kung talagang maganda ang isang babae, sabihin din ito ng buong katapatan upang hindi mapagsabihang naiinggit lang ang nagsasalita kaya nag-aalangan siya sa pagpuri.

 

Maraming taga- media ang mahilig din sa paggamit ng “medyo” kung sila ay bumabatikos ng ibang tao, lalo na mga pulitiko. Ang nakalimutan nila ay walang “medyo” sa kasong libel, kaya gumamit man sila o hindi nito sa hindi nila mapatunayang bintang, kakasuhan pa rin sila, kaya, lubus-lubusin na nila kung matapang sila. Ang mga harap-harapan namang pinupuri na matalino, subalit mahiyain, ay namumula pang sasagot ng: “medyo lang po”. Kung sabihan namang pagbutihin pa ang ipinapakitang galing, sumasama naman ang loob dahil mahirap daw i-satisfy ang naghuhusga.

 

Kahit walang patumangga ang kurakutan sa gobyerno na nagresulta sa kahirapan ay lumalabas pa rin ang  “ medyo” tuwing may iniinterbyu. Tulad nang interbyuhin sa radyo ang isang nanay na tinanong kung nahihirapan sila sa buhay. Sinagot niya ito ng matamis na “medyo”. Ayaw niya sigurong marinig sya ng mga kapitbahay nila at malaman na talagang naghihirap ang kanyang pamilya, dahil hindi naman ito ang pinapakita niya kahit tadtad na sila ng utang. Dahil “siguro” dito, ang mga wala namang budhing pulitiko at opisyal ng gobyerno ay talagang nilubos na ang pagnanakaw…with true feelings pa…talagang wagas sa kalooban! Samantala, ang mga kinukunan naman ng retrato na mga taga- iskwater, ay pabebe pang nagpo-pose!