Ang Walang Katapusang Kapalpakan ng Malakanyang
…pinakahuli ay imbestigasyon sa “singit-bala”
Ni Apolinario Villalobos
Talagang ang mga kawatan sa airport terminals ay patuloy na makakalusot, lalo na sa nangyayari ngayong raket na “tanim-bala” dahil sa kalamyaan ng Pangulo. Ni wala ring narinig mula sa pamunuan ng NAIA na si Honrado, pero inaasahan ding pagtatakip ang gagawin niya upang palabasin na “malinis” ang operasyon sa kanyang balwarte. Ang pinakapalpak na desisyon naman ng Malakanyang ay ang kautusan nitong imbestigahan ng DOTC ang mga pangyayari sa airport!
Bakit hind ahensiyang tulad ng NBI ang mag-imbestiga upang walang magdududang may cover-up na gagawin? Ang OTS ay under ng DOTC. Samantala, bakit hindi tanggalin ang lahat ng mga OTS personnel sa airport at iba pang pinagdududahang personalidad na may kinalaman sa pag-inspeksiyon ng mga bagahe? At ang pinaka-importante, bakit hindi i-repeal o baguhin agad ang “batas” tungkol sa pagbitbit ng ammunition, dahil nakita namang maraming butas ito? …na ang halimbawa ay pagturing na kriminal sa pasaherong makitaan ng maski nag-iisang bala, kahit walang baril.
Walang mangyayari sa mga imbestigasyon hangga’t may sinasabing “batas” tungkol sa ammunition. Ang batas ay halatang hindi pinag-isipang mabuti, kaya tuloy nasilip ng mga kawatan sa airport, upang pagkitaan.
Ganyan naman talaga sa Pilipinas…lahat ng mga batas ay maraming butas! Kaya hindi nakapagtataka kung bakit hindi mawala-wala ang korapsyon sa bansa. Nakakahiya!
Dati ay binigyan ko ng “excuse” ang gobyerno ng Pilipinas sa kamalian ng mga opisyal… at ng publiko. Ika ng mga nag-aral ng political science, give it time, it’s a young democracy with growing pains.
Sa mga kabulastugan na patuloy lumalabas sa ating paligid, hindi na growing pains ito: marami talagang masasamang tao sa loob mismo ng gobyerno. Tingnan na lang natin ang mga allowance na ibinibigay ng mga naka-upo sa sarili nila; legal na pagnanakaw ito sa kaban ng bansa, na hindi naman mayaman!
Ngayon itong mga tuso sa customs ay may bagong raket. At halos walang response mula sa mga nakata-taas? Baka malaki ang utang na loob nila sa mga nagpapa-iral ng ganitong abuso!
Kung sabihin, hindi dapat mawalan ng pag-asa ang bayan. Hindi madadaan sa dasal ang pagbuti ng gobyerno. Dapat ay maging mahusay ang botante sa pagpili ng mga lider. Saan kaya tayo makahahanap ng tunay na statesmen, iyong ang pinaka-mataas na interes ay ang kapakanan ng karamihan, at hindi iyong ikayayaman ng pamilya at mga kaibigan nila?
LikeLiked by 1 person
may isa sana, si Duterte pero ayaw ng national level na responsibility…yong ibang “matatalino” naman ay obvious ang pagka-social climber….talagang sa darating na election for president, it is a choice between the devil and the deep blue sea…lahat marurumi at masasama…walang maayos na maboboto…
LikeLike
Gagawa at gagaw ng batas pero hanggang gawa lang talaga. Wala talagang aksyon.
LikeLiked by 1 person
totoo yan…yong iba hindi ma-implement properly dahil walang budget…
LikeLiked by 1 person
Tapos may bagong scheme nanaman ang NAIA makakuha ng pera hahaha
LikeLiked by 1 person
nakakahiya talga ang ibang kababayan natin na parang linta ang ugali…
LikeLike