Halimbawang ako ay kumandidato sa pagka-Pangulo ng Pilipinas at nanalo, ito ang aking INAUGURAL ADDRESS:
MAUNLAD NA BAYAN, MARANGAL NA PAMAHALAAN, MATATAG NA
MAMAMAYAN.
By Felizardo ” ding ‘ L. Lazado
Aking mga kababayan, mga kapwa ko Filipino noon, ngayon at bukas… magandang tanghali po sa inyong lahat.
Isang malaking karangalan ang maging pangulo ng bansang ito. Kakayahan at katapatan ang kaakibat na hamon. At kalinisan ng budhi ang verbo ng panunumpa. Sa tatlong bagay na ito umiikot ngayon ang aking damdamin habang tinatanaw ang mga araw na darating.
Salamat. Pasulong. Iyan ang dalawang salita na magbibigay sa atin ng lakas at direksyon sa ating paglalakbay sa loob nga anim na taon.
Ang pamamahala ay isang paglalakbay ng pamahalaan at mamamayan tungo sa pinangakong kaunlaran ng bansa at kapakanan ng mamamayan. Ang DAAN na ating tatahakin ay hindi pa TUWID, ngunit ako ay lubos nananiniwala na lahat tayo ay TATAWID sa isang MAKABULUHAN, MALINIS AT MARANGAL NA DAAN. Tayo ay magkakapit-bisig upang walang maiiwan sa daan at walang iwanan sa ating mithiin. Bitbit natin ang “blueprint” ng MAUNLAD NA BAYAN, MARANGAL NA PAMAHALAAN, MATATAG NA MAMAMAYAN. Ang blueprint na ito ay hindi hinango sa MAKATI BLUEPRINT sapagkat ang blueprint na iyan ay binuo ng maraming makakating kamay, binalot ng maitim na budhi at kinulayan ng walang patid na pagsisinungaling.
Hindi na rin tayo magpa-PANDAY ng panibagong desenyo ng pamamahala dahil masyadong mabagal ang prosesong pagpapanday at kung minsan ang tilamsik nito ay nakamamatay pa. Ang mga kawatan, kotongero, at kriminal ( kakokrim) ay huwag na nating itatapon sa Manila Bay sapagkat masyadong matataba na ang mga isda dyan. Sa halip gawin natin silang produktibong human resource by organizing them into an ABAKA ng MMDA na ang ibig sabihin sila ay maging Alyansa ng mga BAsurero at KAminero. Marahil kailangan natin ang isang “international lawyer” na maaring magsilbing tagapayo. Marami tayong mga problemang “legal” sa loob at labas ng bansa.
MAUNLAD NA BAYAN. Hindi lang ito isang adhikain ngunit isang Gawain. Gamitin natin ang P.I.E Approach na ang ibig sabihin ay PRODUCTIVITY…INDUSTRY…EFFICIENCY sa lahat na ahensya at sector ng gobyerno. Lahat na ating human resources and land resources kailangan ay maging
produktibo – NO IDLE HANDS, NO IDLE LANDS ika nga. Sa ating pagi ging masinop na Filipino seguradong uunlad ang Pilipinas. Kailangan marami tayong magagawa sa kandarampot na kinikita. BAWAL MAGWALDAS.
Kilalanin natin at bigyan ng kaukulang suporta ang 7 HALIGI NG BANSA, Sila ay ating mga:
1) MAGSASAKA (farmers), 2) MANGGAGAWA (laborers), 3) GURO (educators),
4) KASUNDALUHAN at KAPULISAN (military), 5) MANANALIKSIK at IMBENTOR (researchers and inventors), 6) NAGTATRABAHO SA IBANG BANSA (overseas Filipino workers), at 7) KAWANI NG GOBYERNO (civil servants).
Ayon sa estatistika, 70% ng Filipino ay mahirap. Ito sila ay ang mga magsasaka. Tanggapin natin ang katotohanan na hindi oobra ang abrakadabra ng industriyalisasyon kapag hindi pa nakahaon ang mga magsasaka sa putik ng sakahan. Paandarin natin ang lahat na makinarya ng DA, DAR, DENR mula Diliman hanggang kanayunan na kung saan ang milyon-milyong magsasakang Filipino ay naghihintay ng nararapat na tulong at aksyon. Damhin natin ang sakit at bigat ng trabaho ng mga manggagawa sa pabrika, sa pier, sa sakahan, at konstruksyon. Ang DOLE natin ay dapat walang “dilly-dally” sa pagtugon sa natatanging problema ng mga manggagawa. Mga mag-aaral, mga estudyanteng Filipino – kailangan nila ang tama at natatanging edukasyon. Suportahan natin ang mga guro lalong lalo na yong sa pampublikong paaralan. Naniniwala tayo na ang masayang guro ay magaling magturo at ang matiyagang mag-aaral, ang mithi-in ay marangal.
Bigyan ng kaukulang atensyon ang kundisyon ng mga kasundaluhan at kapulisan – kasama na ditto ang kaukulang parusa sa mga masasamang elemento ng military establishment. Walang “ninong-ninong” walang “bata-bata” sa recruitment, training at schooling ng mga military men. Pag ibayuhin ang pananaliksik at imbensyon. Tuklasin at suportahan ang mga imbensyong Pinoy. Kilalanin ang talinong Pinoy. Hamon natin ito sa DOST, DOH, DOF, DENR, DEpEd, CHED, TESDA, universities at Research Centers. Ang mga OFW ay alagaan natin sapagkat kaakibat natin sila sa pagpalago ng ating ekonomiya. Let’s recognize ang kanilang paghihirap, kasipagan at kagitingan. DOLE, DFA, DSWD, DILG trabaho natin ito. Huwag naman nating kusang kondenahin ang mga kawani ng gobyerno sa kanilang pagkukulang. Suportahan natin sila. Kung sila ay magkasala, ang CSC ang kanilang kasangga , Ang serbisyo sibil ay huwag nating itakwil.
Kayo at ako ay walang BOSS, ngunit kayong lahat ay aking mga boses sa anumang pagdedesisyon, mga panukala naating gustong isasabatas sa tulong ng ating kongreso at senado. Gabay natin ang patuloy na pakikipagsangguni sa lahat na sector ng lipunan. Walang pagkukunwari sa bawat ulat ng pamahalaan sa bayan – lalong lalo na sa panahon ng SONA. Dalawa ang maging mukha at boses ng ating SONA: faces and voices of truth the causes and effects of failures. Ang ibig sabihin ng failures dito ay yaong mga pangako at programa na hindi natin nagtugunan.
Pupuksain natin ang 7 UGAT NG KURAPSYON. Ang kurapsyon na isang “social cancer” ay naging dahilan kung bakit hindi tayo umuunlad sa gitna ng ating pagsisikap. Para sa akin, ito ang 7 UGAT ng kurapsyon: 1) POLITICAL DYSNATY. Ito ay nagpaparami ng makakating kamay, nagpa-
palaki ng emperyong pangungurakot at nagpapanatili sa mga sakim. 2) PORK BARREL (DAP or PDAP). Ito ay nagpapataba sa maraming walang pusot’ silbing mambabatas, 3) PARTY-LIST SYSTEM. Ito ang nagpaparami ng “parte ko. parte mo…ilista ko” Kaya tuloy naging “partehan”
system. 4) SANGGUNIANG KABATAAN (SK). Sa murang gulang ng mga kabataan natuto silang magwaldas ng pera ng bayan in the guise of holding “summer basketball league”, 5) PEKENG NGOs. Ito ang “creator” ng maraming ka PEKEhan…pekeng project, pekeng beneficiaries, pekeng manager ngunit mataginting milyones na pera ng gobyerno ang itinakbo.
6) AUTOMATIC 10% RETENTION sa bawat release ng project budget. At sa kadami-daming estasyong dadaanan, nang dumating ang pera sa project site 10% na lang ang naiwan.,
7) LAKBAY-ARAL PROGRAM ng gobyerno. Ang katwiran, yaong nag lalakbay-aral hindi naman pag-aaral ang ginagawa kundi paglalakwatsa lang. Hindi ba ito pagwawaldas ng pera?
Matindi ang bigat nitong 7 UGAT. Magtiwala tayo sa kakayahan at katapatan ng ating mga mambabatas na pag-aralan nila ito at bigyan ng kaukulang solusyon sa pamamagitan ng CONSTITUIONAL CONVENTION. Bigyan din natin ito ng kaukulang tulong sa pamamagitan ng pag- isyu ngtamang dekrito pagkatapos ng ating pakikipag-ugnayan sa mga “legal minds”.
Ang kasapi ng ating gabinete ay pawang mga dalubhasa sa kani-kanilang larangan at walang motibo sa pulitika. Sila ang tunay na mga technocrats at may pagmalasakit sa kapakanan ng sambayanan. At bawat sa kanila ay magkaroon ng “breakthrough” na magiging isang batayan sa ating pagsusulong ng MAUNLAD NA BAYAN, MARANGAL NA PAMAHALAAN, MA
TATAG NA MAMAMAYAN.
Walang kaluluwang patay man o buhay na makapipigil sa mga trahedya – bagyo, baha, pagputok ng bulkan, El Nino, La Nina na maaring magdala ng kakapusan ng pagkain, enerhiya, tubig, gamut, at upsurge of epidemic, kaya magtulungan ang lahat naahensya ng gobyerno – DA, DENR, DILG, DND, DOE, DOF. DFA, DOH, DSWD, MMDA at lahat na LGUs. Sisikapin nating matugunan ang kakulangan ng enerhiya sa Mindanao, problema sa traffic at baha sa Kalakhang Maynila, squatters at mga illegal residents sa mga lansangan lalong lalo na sa Roxas Boulevard.
“Kahit isang dakot na lupa” ng ating archipelago ay dapat walang mababawas, pati na sa mga maliliit na isla sa South China Sea na nakaukit sa ating herograpiya at kasaysayan. Lahat na mga ito ay kailangang maproteksyonan. Hayaan nating malaya ang Senado at Judicial system sa kani-
lang tungkulin upang ang mga usaping pangkapayapaan sa Mindanao ay matutugunan ng maayos.
Lahat tayo ay magbabalikatan upang itaguyod ng buong husay ang ating 7 PRAYORIDAD NG PAMAHALAAN: 1) FOOD SUFFICIENCY, 2) SOUND ECONOMY, 3) PEACE and SECURITY 4) COMPETITIVE EDUCATION, 5) PRIORITY INFRASTRUCTURE, 6) GOOD GOVERNANCE,
7) RESPONSBILE CITIZENSHIP.
Sa unang quarter ng unang taon ng ating panunungkulan , himukin natin ang gabinete sa pangunguna ng NEDA na magkaroon sila ng ” national integrated workshop” isang masidhing pagsasaliksik, pagtatalakay, pagpaplano at pag papackage ng interim blueprint for development or IBD na magbibigay buhay, daan at direksyon sa ating MAUNLAD NA BAYAN, MARANGAL NA PAMAHALAAN, MATATAG NA MAMAMAYAN na ang gagamiting point of reference (POR) ay ang 7 HALIGI, 7 UGAT at 7 PRAYORIDAD. Alam natin na ang magiging OUTPUT nito ay hindi ma-gagawa ng lubosan sa limitadong panahon ng ating panunungkulan ngunit sisikapin nating matugunan ang mga “doables” Isantabi muna natin ang ikot at usad ng burukrasya at pairalin ng matimtiman ang “selflessness” sa ikabubuti ng mamamayang Filipino.
Ang hinaing ni Juan ay hinaing ng mamamayan, kaya ating pakinggan. Ngunit kung ang hinaing ni Juan ay kasalungat sa hinaing ng bayan, bayan muna ang ating pakinggan. Si Juan, may bukas pa. Ito ang magbigay bu-hay sa FOI, kasabay dito ang pagkaroon nating ng National Order of Watchdog (NOW) sa bawat ahensya. antas at sector ng gobyerno mula Malacanang hanggang sa kapurUk-purokan ng Republika.
Kahit marami ang trabaho ngunit himukin natin ang lahat na maging masaya at mahinahon. Maglibang din tayo upang si Juan ay hindi maging bobo. Matatag tayo ng PINOYOLYMPICS na tatawaging BUSILAK Pilipi-nas. Ang BUSILAK ay Bansang Umuugong sa Sining, Laro at Kultura sa pagpa tatag ng Sining Pinoy, Larong Pinoy at Kulturang Pinoy. Ang DOT at mga GOCC ay kailangang magtulungan sa pagpapatakbo nito.
Ang ating paglalakbay ay magtatapos sa ganitong oras at sa liblib na ito ng ating mahal na Republika pagkatapos ng anim na taon. Magandang tanghali sa kanilang lahat – mga kapwa ko Filipino noon, ngayon at bukas. SALAMAT …at PASULONG na tayo.
Top of Form