Ang Mabuhay sa Mundo

Ang Mabuhay sa Mundo

Ni Apolinario Villalobos

Sa dami ng mga pagsubok na kailangang harapin

Ang mabuhay sa mundo ay talagang napakahirap –

Sa nagdarahop man o mayaman, ito ay nangyayari

Dapat unawaing katotohanan na walang pinipili.

Lahat umaasam na marating, tugatog ng tagumpay

Ginagawa ang lahat sa kahi’t anong kaparaanan

Mayroong nagtagumpay, subali’t mayroong kapalit

Mga hagupit sa buhay na tinanggap, maski masakit.

Para sa iba, pera ang katumbas ng mithing tagumpay

Para sa iba, ang makilala sa isang laranga’y sapat na

Ang iba naman, mga kaibigan ang gustong mapadami

Kaya sa pakikipagharap, pinipilit nilang magkunwari.

Merong madaling malasing sa nakamtang tagumpay

Mga paa’y halos ayaw nang ibalik sa lupang niyapakan

Animo’y mga kulisap na sa paglipad ay sabik na sabik –

Sa pinagmulang kahirapan, ayaw tumingin at bumalik.

Meron namang sa perang nakamal animo ay nabaliw

Hindi malaman ang gawin kung ibangko ba o gastusin

Sa kasamaang palad, kadalasa’y mawawaldas lang pala

Sa isang iglap, pera’y naglaho, hindi binigyang halaga.

Ang masaklap sa buhay, palaging sa huli ang pagsisisi

Laging may dahilan kung bakit sa paghakba’y nagkamali

Kalimitan, ang lahat ng pangyayari ay hindi matanggap –

Na dahil sa katangahan, nawalang saysay, mga pagsisikap!

4 thoughts on “Ang Mabuhay sa Mundo

  1. Ang galing. Kahit hindi ko naintidihan lahat ng mga words, lalo na ‘yong mga malalalim. Napaka-galing. Talagang napakahirap nga ang mabuhay sa mundo pero mas maigi na na itinutulak tayo ng buhay na lumaban kaysa sa nakukuha natin lahat ang gusto natin.

    Liked by 1 person

    • you have practically summarized the poem…ang comment mo ang message, actually…”talagang napakahirap nga ang mabuhay sa mundo pero mas maigi na itinutulak tayo ng buhay na lumaban kaysa sa nakukuha natin lahat ang gusto natin”….

      Liked by 1 person

      • Maraming salamat! Gustong-gusto ko na nakakabasa ako ng mga inspiring texts gaya nito. Nakaka-motivate na mabuhay. Tsaka ‘pag nakukuha natin ang lahat ng gusto natin, hindi rin maganda kasi nawawalan tayo ng saysay. Ano pa ang punto ng mabuhay kung magiging passive lang tayo instead of active participants sa buhay, diba? Maraming salamat sa pagsulat nito. Galing!

        Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s