Harmony in Diversity Breeds Respect and Love…with Mindanao (Philippines) as a typical case

Harmony in Diversity Breeds Respect and Love

…with Mindanao (Philippines) as a typical case

By Apolinario Villalobos

In the Bible, the Israelites failed their God when they did not follow His instruction to the letter. Instead of annihilating all members of the pagan tribes whose cities they have overran, in some, they allowed the inhabitants to live side by the side with them. Some Israelites even took their women as wives. There was harmony, somehow, although not pleasing in the eyes of their God.

When the Arab and Chinese traders came to the Sulu Archipelago to ply their wares thousands of years ago, they intermarried with the native women, so today, some Tausugs have Chinese and Arab names and the fused cultures are obviously manifested in their physical features. There was harmony, then, for the sake of commerce, but which developed into respect and love that became the foundation of the Sulu Sultanate.

“Conquest” of kingdoms can also be accomplished through intermarriages, such as what happened in Egypt, the Iberian region and Europe. Despite the differences in culture, harmony was developed and bred respect among their royalties, thus, kingdoms were expanded. Still today, some business tycoons, especially, in Asia, have the habit of merging their wealth through marriage. In time, the human “instruments” for the worldly end, somehow develop love for each other.

In Mindanao, Philippines, particularly the Muslim central and southern portions of the island, the migrants from Luzon and Visayas, and the indigenous Muslims live harmoniously in communities as neighbors. Unfortunately, due to politics instigated by greedy desire of the few, animosities developed. Nevertheless, those who are really advocating peace persist in maintaining their warm neighborly relationship founded on love, respect, and lately, tolerance.

There is a story of a couple in which, the wife is from a royal Muslim family, while the husband is an ordinary hardworking Christian. They underwent three marriages – Islamic, Christian and Civil, with the consent of their parents. Their children were not baptized days or weeks after birth, the Christian way, but when they were old enough to choose which faith they preferred. In time, the couple began to raise Christian and Muslim children, but they do not feel any “difference” at all. Today, each of them observes the chosen faith with utmost sincerity in a home that permeates with love.

Lately, the son of a Muslim couple decided to become a Catholic priest. Instead of ostracizing him, the parents prayed over him to strengthen his chosen faith.

Clearly now, the problem in Mindanao is not the difference in faith as despite the diversity, the Mindanaoans are united by love and respect for each other, founded on harmonious relationship. What is happening in Mindanao are the doings of greedy politicians, but hope is not gone from the heart of Mindanaoans who had been longing for autonomy…with God’s help!

Ang “Singit-Bala” sa Manila International Airport

Ang “Singit- Bala” sa Manila International Airport

Ni Apolinario Villalobos

Lahat na lang yata ng raket ay naiisip ng mga kawatang Pilipino, at batay pa mandin sa mga batas na umiiral dahil sinisilipan nila ng mga butas. Ang pinakahuli ay ang pagsingit ng bala sa bagahe ng mga pasahero sa airport, na ginagawa ng mga nakatalaga sa pag-inspect ng mga ito. Ang kapirasong bala na totoong itinuturing ng ibang mga Pilipino at ng ibang lahi na anting-anting dahil ito ay gawa sa tanso, ay hindi pinapalampas dahil sa katagang “ammunition” na nakapaloob sa batas. Subalit paano naman itong magiging deadly kung walang lamang pulbura at kahit may lamang pulbura ay walang kasamang baril? Magiging deadly weapon lamang ito kung itutusok sa mata o isasalaksak sa ilong ng kaaway upang hindi ito makahinga, o di kaya ay ipangiliti upang mamatay sa katatawa ang kalaban.

Kinakasangkapan ng mga hangal na mga tauhan ng OTS na nakatalaga sa pag-inspection ng mga bagahe ang kagipitan sa panahon o oras ng mga pasahero kaya nagmamadali lalo na ang may mga connecting flight, at upang hindi maabala sa biyahe ay pumapayag na lamang na “maglagay” ng dinidiktang halaga. Nabisto tuloy na talagang may sindikato sa airport na kung tawagin ay “OTS 500”. Hindi lang malinaw kung ang “500” ay tumutukoy sa minimum na lagay ng mga pasaherong ang bagahe ay tinamnan ng bala.

Ang Office for Transportation Security (OTS) na nasa ilalim ng DOTC na pinamumunuan ni Abaya, ay katumbas ng MMDA Traffic Constable Group – mga sibilyan. Ang nakapagtataka lang ay kung bakit nagkaroon pa ng ganitong grupo ganoong mayroon na rin namang AVSECOM, at kung sibilyang security group naman ang kailangan ay nandiyan din ang mga “blue guards”. Marami ang nakakapansin na dahil sa dami nila, karamihan ay pakalat-kalat na lang daw sa loob ng airport, lalo na sa check-in area.

Ang mga tauhan ng OTS ay kulang sa kaalaman sa paghawak ng maselang operasyon sa airport. May mga aspeto ang operasyon na matiyagang pinag-aaralan ng matagal ng mga miyembro ng airport police o aviation security, lalo na pagdating sa paggawa ng imbestigasyon. Subalit kung may nakaplano nang gagawing tulad ng raket na pagtanim ng bala sa bagahe, hindi na kailangan pang mga kaalaman dahil gagawa na lang sila ng “drama”…at ayos na!

Malaki ang problema ng Pilipinas dahil ang bukana nito na international airport terminals ay pinamumugaran ng mga kawatan, kaya pagdating pa lang ng mga balikbayan at turista, masusuka na agad sila sa umaalingasaw na amoy ng katiwalian. Ang pinakahuling raket ng mga kawatang ito ay nakakatawa ngunit nakakaperwisyo ng malaki. Magsunud-sunod ba naman ang mga insidenteng nahulihan daw ng bala sa bagahe, kaya parang lumalabas na bago umalis ang mga pasahero ay dumadaan silang lahat sa Quiapo upang bumili ng bala na gagamiting anting o di kaya ay nakipagkita sa isang ermitanyo sa paanan ng bundok Banahaw upang bumili nitong balang anting-anting. At, dahil sa mga karanasan ng mga paalis na mga turista, paano pang aasahang lalakas ang turismo ng bansa, dahil may kasabihang, : news flies fast by word of mouth.

Ang Malakanyang naman ay walang ginagawa o hindi kumikibo, kahit tumitindi na ang mga pangyayari. Ang patakaran kasi ni Pnoy ay hayaan ang mga ahensiya na umaksyon sa kani-kanilang balwarte. Ang masama lang ay mahina ang mga namumuno kaya walang napaparusahan, dahilan upang lumakas ang loob ng mga tauhang na nasa “ibaba” ang gumawa ng kalokohan. Yan ang matuwid na daan ni Pnoy Aquino…at ano pa nga ba ang pakialam niya dahil patapos na ang kanyang termino?