Ang Pinaniniwalaan ay Dapat Gawin

Ang Pinaniniwalaan ay Dapat Gawin

Ni Apolinario Villalobos

Marami ang may gustong maging “in” sa lahat ng bagay, kasama na diyan ang tungkol sa mga bagay na ispirituwal. Yong iba ay dumadalo sa mga weekend preaching ng mga sikat na evangelists, dahil alam nila na may mga dumadalo ding celebrities. At lalung-lalo kung may slot ito sa TV, kaya sikat, magandang pag-usapan sa mga party. Para bang sinabi nila na dahil okey sa mga celebrities ang preacher at may TV slot, okey ito sigurado. Ito yong mga excited sa pagkuwento na ang preacher ay magaling dahil mga de-kotse pa nga ang dumadalo, mga sikat na tao, mga artista.

Ang mga sini-share ng mga preachers na ito ay ganoon lang din naman, mula pa noong magsimula ang Kristiyanismo hanggang ngayong may mga pari at mga pastor na, na ang iba ay nasobrahan yata ng “paniniwala” kaya naging makasalanan na rin. Lahat ay tungkol sa pagmamahal sa Diyos at kapwa. Bakit kailangan pang makarinig ng salita ng ibang tao upang gawin ito, ganoong marami na tayong nakikita sa ating paligid na dapat ay gamitan nito? Ilang libong taon na mula nang sabihin ito ni Hesus, nababasa sa Bibliya, naririnig sa mga simbahan….hindi pa rin ba natin naiintindihan?

Marami sa mga ganitong mga spiritual kuno ay ni wala ngang concern sa mga miyembro ng kanilang pamilya, lalo na mga anak. Marami diyan na hindi na natakot sa pagsabi na pagod na sila sa pagiging tatay at nanay nila, ganoong may mga anak pa silang maliliit. Nirereklamo ang masamang ugali ng anak…kaya yong isang nag-open sa akin ay binara ko ng, “bakit hindi mo tinuruan ng magandang ugali ang mga bata noong maliit pa lang sila?”.  Dinagdagan ko pa ng pasaring na alangan namang kapitbahay pa ang magtuturo sa mga anak niya. Mayroon diyang nag-aalaga ng mga hayop at halaman, hindi naman inaasikaso na mabuti, dahil ang gusto lang pala ay ayaw patalo sa mga kapitbahay na may mga ganito ring alaga. Ang inggit ay isang napakasamang ugali, hindi man ituro ni Hesus….common sense lang ang kailangan.

Nakakapanindig-balahibo ang ugali ng iba na ang pakay lang pala sa pag-attend ng mga religious activities, tulad ng Misa at weekend preaching sa mga kilalang venues ay upang magdispley ng bagong damit, ang iba backless at plunging neckline pa, pati mukha ay may makapal na make-up! Ang iba, ginagawang dahilan ang pagdalo sa ganitong mga pagtitipon, para sa susunod pa nilang “family bonding” kuno….isang biyahe na nga lang naman. Pero masama pa rin ang dating ng dahilan, dahil sa halip na magkaroon ng sincerity sa pakay ng pagdalo sa religious na pagtitipon, ang isip ay nakatuon na sa kung saang restaurant kakain pagkatapos. Para ring “paggunita” sa pasko na nakalimutan nang ito ay tungkol sa questionable na birthday ito ni Hesus….dahil ang sa isip nila tuwing pasko ay mesang puno ng pagkain, gifts, kumukutitap na bumbilya, Christmas tree, etc.

Simple lang naman ang dapat paniwalaan ng tao pagdating sa spirituality….na may Diyos, mahalin Siya, mahalin ang kapwa-tao at ibang nilalang na may buhay, respetuhin ang kalikasan at mundong tinitirhan natin…at ipakita ito sa mga kilos, hindi lang sa salita upang masabi lang ng iba na may alam ang isang tao…at nang hindi isiping nagkukunwari lang pala siya.

My dear, little ones…

My dear, little ones…

by Apolinario Villalobos

It pains me to see how the world

Crumbles under the weight of greed

How life buckles with the pain of despair

I am so sad that what will be left for all of you

Will be a world shrouded with the bleak sorrow.

Gone will all the birds be, that fly

Grass and flowers in the meadows

Fish in the oceans, rivers, and creeks

The butterflies and bees that seek nectar

And, so will the wind…stilled by the dire war.

All those are due to man’s greed

So ravenous are his appalling desires

But let’s not lose hope…pray, pray, pray

As the kindly Lord, to us, may again take pity

That tomorrow’s world, be blessed with His mercy!

Nang Mapahiya ang Isang “Donor”

Nang Mapahiya ang isang “Donor”

Ni Apolinario Villalobos

Ngayong Oktubre 2015, naalala ko ang isang “donor” na ipinakilala sa akin ng isang kaibigan na regular donor para sa mga project ng maliit naming grupo. Nangyari ito noong nakaraang taon. Akala ko ay ang kaibigan ko lang ang madadatnan ko sa restoran na tipanan namin sa Greenbelt area ng Makati Business Center, na malapit lang sa office ng kaibigan ko. Dahil ang pinag-uusapan ay tungkol sa fund-raising para sa pasko 2014, nakisali ang kaibigan ng kaibigan ko, at nagsabi na magdo-donate din daw. Subalit nagulat ako nang tanungin niya kung saan daw ang “office” namin. Sabi ko, “wala, at apat lang kami sa grupo”. Dagdag pa niya ay kung pwede daw ba siyang humingi ng resebo para magamit niya sa tax deduction. Muntik na akong mabulunan ng mainit na kape sa tanong niya. Sa umpisa medyo nairita ako pero nagpaliwanag pa rin ako na hindi kami rehistrado sa SEC.  Naisipan kong sakyan na lang siya. Binigyan ko siya ng address kung saan siya puwedeng maghatid ng donation na mga de lata daw.

Four days ang nakalipas, habang kasagsagan ng pag-repack namin ng mga items, dumating ang “donor”, may dalang isang kahon ng sardinas. Natuwa kami, pero ang “donor” ay hindi, dahil ang dinatnan niya ay isang lumang garahe ng kaibigan ko at amoy-tuyo pa, dahil kasama ang tuyo sa nire-repack para sa mga plastic bag… akala siguro niya ay big time kami. Kahit amoy pawis kaming apat, ininterteyn pa rin namin siya, hindi nga lang namin nabigyan ng kape dahil ayaw naming bawasan ang mga donasyong kape na naka-sachet.

Halata ang disappointment niya. Wala yatang konsiyensiya, nagtanong pa kung bakit wala man lang kaming t-shirt na isinusuot tulad nang ginagawa ng ibang Foundation. Inulit ko sa kanyang hindi kami Foundation. Patanong na sabi ko, pangalan nga namin ay hindi namin ibinibigay, bakit pa kami magpapa-obvious pa sa pagsuot ng t-shirt? Ang dagdag paliwanag namin, dis-oras kami namimigay para walang makapansin.

Ang isang kasama ko ay hindi nakatiis, nag-“excuse me” at pumunta sa labas…akala ko ay galit. Nang sundan ko, nadatnan ko siyang namimilipit sa pagtawang pilit pinipigil. Tumigil lamang siya sa pagtawa nang tanungin niya ako kung saan ko na-meet ang “donor”. Hindi ko na sinagot ang tanong niya, basta ang sabi ko na lang ay, “hayaan mo na….may donation naman”. Pagbalik namin sa loob, inabot naming nagkokodakan ang dalawa pa naming kasama at ang “donor”. Nag-group picture kami, pa-selfie.

Maya-maya tumawag sa cellphone ang “donor” at ang kausap yata ay driver niya dahil ang sinabi ay,” Hoy, ang kotse ihanda mo na at lalabas na ako diyan, buksan mo na ang aircon…yong pinabalot kong pansit na natira sa restoran pala ipasok mo rito sa loob”. Maya-maya pumasok uli ang lalakeng naka-short- sleeved barong tagalong na nagdala ng kahon ng sardinas, may dalang supot na malamang, ang laman ay ang tirang pansit. Nagpasalamat kami sa dalaw ng “donor” at sa kanyang donation….at pansit. Nang ihatid ko siya sa labas ng gate, nakita kong Porsche ang kotse niya. Nag-alala lang ako dahil ang ibinigay niyang pansit ay baka para sa driver o kasambahay…kawawa naman sila.

Familiar pala sa isa kong kasama ang babaeng “donor”, kabit daw ng isang milyonaryong negosyante ng itlog at manok, at may palaisdaan pa na taga-Bulacan. Ang kasama naming nagsabi ay taga-Bulacan din, subalit tuwing Oktubre lang umuuwi mula sa Amerika at ang bakasyon niya ay hanggang Enero. Umuuwi siya para lang makibahagi sa fund-raising tuwing Oktubre at pamamahagi ng Christmas bags tuwing last week ng November. Akala siguro ng starlet ay may mga taga- media siyang madadatnan sa “repacking center” namin tulad nang nangyayari sa mga Foundation center ng mga kilalang TV stations. Makakatiyempo nga naman siya ng libreng mileage kung sakali at baka may makapansin upang makabalik siya sa pelikula. Bold starlet siya dati, at maganda pa rin hanggang ngayon…suki siguro siya ni Dra. Belo.

Ngayong taon, ingat na ingat na kami sa pagtanggap ng mga donasyon para sa pasko 2015, at baka makatiyempo kami ng mas matinding personalidad na gustong mag-“donate”.  Lalong masama kung makatiyempo kami ng pulitiko, panahon pa naman ng kampanyahan para sa election 2016.