Mga Anay ng Lipunan
Ni Apolinario Villalobos
Nakakalungkot isiping hindi lang ang gobyerno ng Pilipinas ang pinoproblema ng mga Pilipino dahil sa hindi nito maayos na pamamahala, kundi pati na rin mga kababayan mismong hindi marunong mamuhay ng parehas – silang mga manloloko, mga manggagantso, mga sindikato, na animo ay mga anay na unti-unting nagwawasak ng pangkalahatang pamumuhay ng mga mamamayan.
Nariyan ang mga kidnaper sa Mindanao na kung tawagin ay Abu Sayyaf, at iba pang grupo na nakakalat sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas, ang mga holdaper, mandurukot, illegal recruiter, mandarayang nagtitinda sa palengke, akyat-bahay, dugo-dugo gang, drug pusher, drug lords, at napakarami pang iba.
Sa Maynila, hindi ligtas ang mga pasahero sa bus dahil sa “dura gang”, “laglag-barya gang”, “ipit gang”, at mga holdaper mismo na malakas ang loob sa pag-akyat sa mga bus. Hindi pa rin nawawala ang “riding- in- tandem” na nang-aagaw ng bag. Pati mga sindikatong nangingidnap ng mga bata upang gamiting namamalimos sa mga matataong lugar ng lunsod.
Iba pa rin ang mga umaakyat sa bus upang magbasa ng Bibliya at pagkatapos ay mamimigay ng sobre upang lagyan ng pera ng mga pasahero. Sakaling may dalawang grupo na gumagawa nito ang hindi nagkaalaman na pareho pala ang sinakyan nilang bus, ano ang mangyayari? Nasaksihan ko yan…
Sabado ng umaga, pauwi na ako galing sa Pasay at nakasakay sa isang bus, nang sa bandang likuran ko ay may tumayong lalaki at biglang nagbasa ng Bibliya. Nakakailang linya pa lamang siya ay may babaeng may edad na, maayos ang pananamit at naka-sun glass pa ang biglang sumulpot sa bandang harapan ng bus at namigay ng mga sobre. Biglang tumigil sa pagsasalita ang lalaki at pilit tinatanong ang babae kung anong grupo ang kinaaaniban niya. Hindi sumasagot ang babae, tuloy lang sa pamimigay ng sobre. Hindi pala siya kasama ng lalaki.
Hindi pa nakaka-recover ang lalaki sa pagkabigla ay biglang may rumepeke naman sa pagbasa ng bibliya sa likuran niya. May kasama pala ang babaeng namimigay ng sobre. Hindi nagpatalo ang lalaki, nagsalita rin siya….palakasan sila ng boses. Sa inis ko, binulyawan ko sila, at talagang minura. Tumigil ang babae sa pamimigay ng sobre at umupo sa likod, tumahimik din ang kasama niya. Ang lalaki naman ay hindi ko pinagsalita, at sa hiya ay bumaba sa unang bus stop na tinigilan namin. Ang mga babae naman ay hindi na kumibo.
Bago ako bumaba ay pinagalitan ko uli ang mga babae dahil pinipilit nilang para daw sa kalamidad ang perang malilikom nila. Bistado naman talagang sindikato dahil wala silang suot na ID kung talagang lehitimo silang NGO. Ang sabi ko sa kanila, sila ang kalamidad.
Talagang pinahihirapan ang mga Pilipino ng mga kabi-kabilang panloloko – mula sa gobyerno, hanggang sa kapwa Pilipino….sila ang mga anay ng lipunan!
Alam mo kuya Apo, kapag ako hindi ko na tinatanggap sobre nila. Sinasabi ko nalang kung totoo yan, pupuntahan ko nalang organisasyon niyo at least mas first-hand experience pa matatamo ko at malalaman ko kung totoo talaga.
Parami na sila ng parami. Hahaha
LikeLiked by 1 person
ganoon din ang ginagawa ko…hinihingi ko ang sobre to check the address, pero yong na-encounter ko, walang address sa sobre…would you believe, pati sa liblib na province namin sa Mindanao meron na rin niyan?…grabe!
LikeLiked by 1 person
Tama! Pareho tayo ng ginagawa! Sobrang bullshit hahaha. Hindi marunong magkunwari! Hahaha
Oo nga pala noh. Marami na rin palang ganyan sa inyo.
LikeLiked by 1 person
hirap talagang ng hindi marunong magkunwari dahil talagang lumalabas ang natural…dahil diyan, namumula ako kapag nagtitimpi….at sabi pala ng doctor kailangan kong ilabas ang ill feeling ko dahil makakaapekta sa puso at blood pressure…so i resort sa ibang paraan kapag galit ako…yes, dumami na rin sila sa Mindanao…tindi!
LikeLike