Ciruelas, Siguelas, SINIGUELAS!

AtoZfoodnames

What a treat to be vacationing in the Philippines during May!  The markets are teeming with summer fruit, among them the beloved siniguelas of my youth.

But first, let’s rewind to the month before.  I was strolling in a port town of Colombia during a day-long break from a cruise to the Panama Canal.

siguelas
In Cartagenia de las Indias, I asked a vendor, Por favor, que es eso?  His response: siguelas.

I wasn’t surprised at hearing the name.  The siniguelas, a fruit of the cashew family, is native to the Mesoamerican region which extends from central Mexico to Belize,Guatemala, El Salvador, Honduras, Nicaragua, and northern Costa Rica.

Other names for it are ciruela and  jocote (from xocotl, a Nahuatl word which means “fruit”).  Nahuatl is a language known informally as Aztec.

Siniguelas, when “just so” between green/red and hard/spongy, are easy to bite into and taste delectably tart-sweetish. It has…

View original post 267 more words

KAYA PALA ! (No Wonder!)

AtoZfoodnames

Long called the “melting pot of Asia,” the Philippines reveals through its language, customs, cuisine, and other aspects of culture the influences of many peoples who have touched her shores.  Take, for instance, culinary terms.  Names of food items, ways of cooking, and references to kitchenware can be traced, directly or indirectly, to words from various foreign languages.

ADOBO is famous the world over for what is now regarded as the national dish of the Philippines.  It may consist of chicken, beef, or pork (or any combination of those) marinated in vinegar, soy sauce, garlic, and peppercorns, cooked until the liquid is reduced, and then the meat is fried until crisp on the outside.  Some variations call for the addition of coconut milk, or sugar for a salty-sweet flavor on the sauce.

The term adobo came into Philippine cuisine in the 16th century.  Spanish and Mexican settlers had a cooking method…

View original post 901 more words

Dapat Ituring na Leksiyon ang mga Karanasan sa Buhay…lalo na ang kahirapan

Dapat Ituring na Leksiyon ang mga Karanasan sa Buhay

…lalo na ang Kahirapan

Ni Apolinario Villalobos

Mahalagang matuto tayo sa mga kahirapang dinanas natin sa buhay. Mga leksiyon sila na dapat ay nagbubukas ng ating katinuan at tulong sa paggawa natin ng mga desisyon sa pagsulong. Ang sugat halimbawa ay nagpaparamdam sa atin ng sakit… ng kirot, upang matanim sa isip natin ang pag-ingat sa paggamit ng matatalim na bagay.

Kung nadanasan natin ang hirap kung walang madudukot na pera pagdating ng pangangailangan, dapat matuto tayong magtipid at magtabi. Huwag maniwala sa kasabihang, kapag nagtatabi ang isang tao, madali siyang dapuan ng mga karamdaman dahil may inaasahang panggastos. Ang mga taong nagsasabi nito ay gusto lang mangutang sa mga kaibigang nagtatabi ng pera!

Napakahirap na karanasan ang magkaroon ng maysakit sa pamilya kung walang perang pambili ng gamot at pambayad sa doktor. Isang leksyon ito na dapat ay magturo sa ating kumain ng mga pagkaing kahit mura ay masustansiya. At kung magkaroon ng pera, mainam na magtabi agad ng para sa ganitong pangangailangan upang hindi na makapangunsumi pa sa iba na tatakbuhan upang utangan.

Tungkol sa ganitong paksa, naalala ko ang usapan namin ng kaibigan kong may anim anak na nagtatrabaho sa ibang bansa. Kamamatay lang ng kanyang isang anak kaya lubog sila sa utang dahil tumagal sa ospital ang pasyente at may kaselanan pa ang sakit. Ganoon pa man, ipinagmalaki ng kaibigan ko na ang unang perang padala ng isa niyang anak ay ginamit niya sa kotse na ang buwanang hulugan ay mahigit dalawampung libong piso, pagkatapos niyang bayaran ang down payment na limampung libo. Kung susumahin, ang halaga ng sasakyan ay mahigit isang milyon. Ang una namang padala ng isa niyang anak ay pinambili ng malaking LED TV, at dalawang laptop para sa mga nakakabatang anak na parehong nasa high school, at inilipat daw niya sa private school. Subalit ang dalawang kumpareng inutangan niya para sa ginastos sa ospital ay hindi pa bayad!

Tinanong ko kung may plano siyang kumuha ng sariling bahay at lupa kahit maliit lang, upang makaalis na sila sa inuupahang maliit na bahay sa animo ay iskwater na lugar. Ang sabi niya ay saka na daw. Pabiro pa akong nagsabi na baka makalimutan niyang magtabi sa bangko, na sinagot pa rin niya ng saka na. Tinanong ko siya kung ano ang gagawin niya kapag may nagkasakit na naman sa kanila, na sinagot niya ng, “isasangla ko ang kotse, at ibebenta ang TV”. Para hindi na humaba ang usapan namin, sinabihan ko siya ng, “good luck!”. Sinagot naman niya ng “same to you…!”

Ang “magaling” kong kaibigan ay dating nagtitinda ng isda sa palengke subalit tumigil nang makapag-abroad ang dalawang anak. Ang kotse ay nakaparada sa tapat ng inuupahan nilang maliit na bahay.