Mga Diretsahang Usapin tungkol sa Panlabas na Kaanyuan at Imahe ng Tao

Mga Diretsahang Usapin tungkol sa

Panlabas na Kaanyuan at Imahe ng Tao

Ni Apolinario Villlalobos

Sa diretsahang salita, ang isang ugali ng ibang Pilipino ay ang pagtingin sa panlabas na kaanyuan ng kapwa. Ibig sabihin, maganda lamang ang pakisama nila sa mga kaibigang mamahalin ang kasuutan, may kotse, maganda ang bahay, at lalo na kung may mataas na katungkulan sa trabaho kaya napapakinabangan nila.

Akala ko noon ay gawa-gawang mga kuwento lamang ang naririnig ko tungkol sa mga taong retirado na dating may mataas na tungkulin sa mga kumpanya, na kung pumasyal sa dating opisina ay halos wala nang pumapansin. Karaniwan sa mga retirado ay gustong maaliwalas ang pakiramdam kaya naka-walking shorts lamang at t-shirt kung mamasyal, ibang-iba sa long-sleeved na barong tagalog o long-sleeved polo shirt with matching necktie noong nagtatrabaho pa sila. Ang pinaka-“disenteng” damit na presko para sa kanila nang mag-retire na ay maong at polo shirt lamang. Dahil sa pagbabago sa kanilang pananamit, nagbago na rin ang pagtingin sa kanila ng ibang mga dating kasama sa opisina, makita man sila sa labas o di kaya ay sa hindi nila inaasahang pagdaan sa dating opisina.

Ang isa kong nakausap namang kare-retire lang ay bumili pa ng kotse ganoong halos ay igagarahe lang pala. Ang sabi niya, mabuti daw yong may nakikita sa garahe niya para hindi isipin ng mga kapitbahay na naghihirap na siya, dahil wala na siyang trabaho. At upang ma-maintain din daw niya ang image niya bilang executive sa dating pinapasukan kung siya ay maalalang maimbitahan kung may okasyon. Bandang huli ay nagsisi lang siya nang madagdagan ang maintenance drugs niya para sa cholesterol at diabetes, kaya lumaki ang kanyang gastos lalo na at hindi naman umabot sa sampung libo ang kanyang pensiyon.

May isa namang nagkuwento na dating nagtrabaho sa sa isang airline. Proud daw sa kanya ang mga kamag-anak  at mga kaibigan niya. Subalit nang mag-resign siya, ang iba sa kanila ay umiba rin ang pagtingin sa kanya. Yong isa niyang kaibigan ay nahuli daw niya mismo sa bibig kahit pabirong sinabi nito na wala na raw siyang pakinabang. Noon kasi ay naikukuha pa niya ang pamilya ng kaibigan niya ng discounted tickets sa mga travel agents kung mag-abroad sila, at nakakagawa din daw siya ng paraan kung may problema sila sa booking upang hindi ma-bump off.

Kung lumabas ako ng bahay, mas gusto kong naka –walking shorts at nakasuot ng t-shirt dahil pawisin ako. Nang minsang may nag-text sa akin upang mag-imbita sa isang kilalang restaurant, sinabi kong hindi pwede dahil sa suot ko. Sabi niya okey lang dahil wala naman daw dress code sa nasabing restaurant, kaya pumunta na ako. Nasa restaurant na ako nang malaman kong may iba pala siyang bisita. Sa simula pa lamang, naramdaman ko na ang malabnaw na pagpansin nila sa akin dahil siguro sa suot ko, kaya animo ay tanga akong nanahimik lamang habang nag-uusap sila. Tiyempo namang  binati ako ng manager ng nasabing restaurant na natandaan pala ako nang maging resource speaker sa isang tourism seminar kung saan ay isa siyang participant. Nagulat ang lahat lalo na ang nag-imbita sa akin. Dahil narinig ko naman ang pag-uusap ng grupo na gamit ay “Barok English”, sinadya kong kausapin ang manager sa tamang English. Noon pa lang sila parang naalimpungatan, lalo na nang inimbita ako ng manager sa office niya. Iniwan ko silang nakanganga!

Ang mga leksiyon dito ay:  huwag husgahan ang kapwa batay sa panlabas niyang kasuutan at huwag ding patalo sa pangambang maliitin tayo ng ating kapwa dahil sa ating kasuutan na naaayon sa ating nararamdaman o kasalukuyang kalagayan. Ang payo ko naman sa mga mayayabang at walang utang na loob na mga “kaibigan” ay palaging isipin ang “Ginintuang Kasabihan” o Golden Rule, upang hindi bumalandra sa kanila ang ginagawa nilang hindi maganda sa kanilang kapwa…at lalong huwag gawin ang pakikipagkaibigan upang makinabang lamang!

4 thoughts on “Mga Diretsahang Usapin tungkol sa Panlabas na Kaanyuan at Imahe ng Tao

  1. Sana naman ay mag-participate ang iyong mga mambabasa sa maraming sulok ng Pilipinas at mundo. Panay na lang ba LIKE ang magagawa nila, samantalang siguradong marami sa atin ang may karanasan sa topic na tinalakay mo sa blog na ito?

    May isang pinsan ako na mahilig sa mga name-brand na bagay. Kung hindi mo pansinin ang bago niyang kagamitan, hindi siya makakatiis, at sasabihin kung magkano ang ibinayad niya sa ganoon at ganito. Halimbawa ay ang handbag niyang may tatak na Ralph Lauren. May isang oras na kaming magkakasama subalit wala pang pumapansin sa ganda ng bag niya. “Alam mo, $240 ang bili ko nito,” she volunteered. Maigi naman, ika ko. At sa isip-isip ko: may laman naman kayang $240 ang bag niya, o naubos na ang pera para makapag-yabang lang? Hahahahaha!

    Liked by 1 person

    • I like your comment…hindi lang ako napangiti, napahalakhak pa…ang ibang tao nga naman, makapagyabang lang, lahat ay gagawin kesehodang magutom!….talagang sinasadya kong magsulat ng mga simpleng katotohanan na nangyayari sa ating buhay, pero dahil hindi napapansin ng iba, nagugulat sila kapag nakakabasa na, at kung minsan ay natutumbok pa sila kaya maski papaano ay nakakatulong ako sa paggising sa kanila…wish me luck pa!

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s