Ang Pakikinig
…sining at kakayahang nawawala na
Ni Apolinario Villalobos
Ang pakikinig ay isang sining at kakayahan, subali’t sa panahong kasalukuyan, nawawala na ang mga nabanggit na pantukoy dahil ang mga tao ay nagkakanya-kanya na ng mundo…halos wala nang panahong makipag-usap sa isa’t isa. Kung makipag-usap man, nagmamadali kaya hindi pa man umiinit ang puwet sa inupuan ay nakatayo na agad at nakaakma nang umalis.
Siguro ginawang dalawa ang tenga ng tao upang para sa mga ayaw magtago o magtabi ng mga napakinggan ay pwedeng palabasin ang mga ito sa kabilang tenga. Mayroon din sigurong mga tengang hindi nililinis palagi upang matanggalan ng tutule kaya ang mga sinasabi sa kanila ay hindi nakakapasok. At mayroon pa rin sigurong maraming liku-liko ang loob ng tenga kaya hindi naiintindihang masyado ang sinasabi sa kanila, kaya iba ang mga ginagawa sa mga dapat ay pinapagawa.
Ang isa pang dapat mangyari ay manimbang ang isang nakarinig ng mga kuwentong hindi maganda kung ito ay ipaparating sa iba o sarilinan na lamang niya. Kung minsan, ang kawalan ng panimbang ang nagiging dahilan ng mga kaguluhan dahil naikakalat ng isang nakarinig ang mga kuwentong dapat ay tumigil na sa kanya. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit ang gamit ng tenga ay magbigay ng balanse sa ating katawan. Dapat malaman na ang isang dahilan kung bakit naduduleng o tabingi ang pagtayo o paglakad ng isang tao ay dahil may diperensiya ito sa tenga.
Ang pinakamasaklap ay ang kusang hindi pakikinig ng isang taong nangako pa naman sa simula ng panunungkulan – with a smile!….yan si Pnoy. Ang sinabi niya noon na: “kayo ang boss ko…hindi maaaring hindi ako makikinig sa inyo”, ay walang nangyari. Sa dami ng mga sinabi sa kanya tungkol sa pagka-inutil ng mga tauhan niya, kahit isa ay wala siyang pinakinggan. Ang napapansin ng mga Pilipino ay ang mistulang ugali niya na “sige na lang” kapag Ombudsman ang kumilos tulad ng ginawa nito kay Purisima at nitong huli ay kay Vitangcol. Sa Ingles, ang tawag sa kanila ay mga “sacrificial lamb”, naubusan na kasi siya ng dahilan upang pigilan pa ang desisyon na naibulgar na.
Tama, wala ng oras ang mga nakararami para makinig sa kapwa. Guilty rin ako dito pero hindi dahil nagmamadali ako. Talaga lang floaty ang aking imagination at mas interasado ako sa nangyayari sa loob ng utak ko kaysa sa mga sinasabi ng iba, lalo na kung walang kwenta.
Minsan rin naman kasi hindi rin kasalanan ng mga tagapakinig na hindi makinig eh. Meron lang naman mga tao na walang kwenta ang mga sinasabi kaya kahit pilitin mo ang makinig, nawawala ang atensiyon mo. Halimbawa, mas gugustuhin mong magbasa ng libro kaysa makipag-tsismisan sa mga tsismosa.
Pero tama pa rin ang mga sinabi mo dito. Ang pakikinig ay isang sining na nawawala na ngayon. I just don’t know if the part about PNoy is true kasi hindi naman ako updated sa politics sa Pilipinas. Anyway, great post.
LikeLiked by 2 people
ayaw makinig ni Pnoy kabaligtaran sa pangako niya noon kaya yan ang strongest issue against him…I like your views – swak na pang-enhance sa view ko…thanks uli!
LikeLike
Ganon ba? Ayokong mag-comment sa issue na wala naman akong alam. I have a feeling that I would just end up eating my words afterwards. Anyway, walang anuman. Nag-enjoy ako sa post mo. Medyo dumugo ang ilong ko sa lalim ng Tagalog. 😉
Pero okay lang. Magandang practice. Thanks!
LikeLiked by 1 person
bilib ako sa yo…matindi ang patience – sign of intelligence, sabagay nakikita naman sa mga posts mo…mabuti pala at nakakatulong ako sa pag-practice mo ng Tagalog…actually, maski ang mga local viewers ko ay nagko-comment din na mahirap daw intindihin ang ibang tagalog words na ginagamit ko…no choice ako dahil talagang may mga tagalog na hindi pwedeng i-taglish…ang choice ko ay i-spell ang english word into tagalog na hindi maganda ang dating dahil ako naman ang lalabas na walang alam, kaya nagta-trying hard…masaya ako at napapagpasensiyahan mo ang style ko….by the way, the best ang blog style mo compared sa ibang napa-follow ko…galing ng layout and presentation…keep it up!
LikeLike