Kapit-bisig Tayo sa Pagsulong!

Kapit-bisig Tayo sa Pagsulong!

Ni Apolinario Villalobos

Huwag sayangin ang pinaghirapang kalayaan

Na upang matamo’y maraming buhay ang naibuwis

Dumanak din ang masaganang dugo

Sa ati’y pamana ng ating mga ninuno.

Mga banyaga’y nagpumilit, sa atin ito’y maagaw

Subali’t ‘di nagpanaig, mga ninuno nating matapang

Nag-iisa itong pundasyon ng karangalan –

Karangalan ng ating lahi, ng Inang Bayan.

Kapit-bisig tayo sa pagsulong upang makipaglaban

Huwag hayaan, ito’y maagaw sa atin ng ganoon na lang –

Ng mga banyagang nais ay likas na yaman-

Yamang pamana sa atin ng Inang Kalikasan.

Kapit-bisig tayo sa pagsulong laban sa mangangamkam

At mga tiwaling opisyal, animo’y mga tuko sa pamahalaan

Hindi nagpapatinag sa kapangyarihang hawak –

Na kung humawak, akala mo’y tuko o bayawak!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s