Ang Mga Palpak na Proyektong Pag-aayos ng Kalsada…nagkakaapurahan pa, dahil ba nag-uubos ng “lumang” budget?

Ang Mga Palpak na Proyektong Pag-aayos ng Kalsada
….nagkaapurahan pa, dahil ba nag-uubos ng “lumang” budget?
By Apolinario Villalobos

Sa Metro Manila ngayon, umaangal na ang mga tao dahil sa binakbak na mga kalsadang aspaltado para palitan ng konkreto. Subalit isang beses, may nakausap akong kontratista na nagsabi sa akin na sila daw ay nahihiya nga dahil ang karamihan ng mga kalsadang kanilang binakbak ay wala pang isang taong inaspalto! Ang isang matutukoy kong kalsada ay ang kahabaan ng Aguinaldo highway sa Bacoor City, Cavite, mula sa SM-Bacoor, hanggang sa hangganan ng siyudad sa pagitan nila ng Imus City. Makapal ang aspalto at walang kalamat-lamat, subalit walang-awang binakbak!

Noong isang taon, kung kaylan ay nagpaanunsiyo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga isasarang kalsada dahil aayusin, wala ni isa mang umalma. Subalit ngayong papalapit na ang tag-ulan at nakikitang malabong makumpleto ang mga proyekto ay saka pa lang umalma ang mga commuters. Ang mga kontratista naman, animo ay walang pakialam.

Ang mga walang-awang pamamakbak ng mga kalsada ay nagdudulot ng perwisyo sa mga biyahero, may sarili mang sasakyan o nagko-commute. Ang DPWH naman at Metro Manila Development Authority (MMDA) ay nagtuturuan sa tuwing may magsampa ng mga reklamo tungkol sa halos hindi umuusad ng trapik. Idagdag pa diyan ang palpak din na sana ay alternatibong sakayan, ang LRT at MRT na palaging sira.

Bakit ngayon lang naisipan ng gobyerno ang ganitong mga proyekto? Dahil ba patapos na ang administrasyon ng nakaupong presidente, kaya inuubos na ang pera at bahala na ang susunod na president sa paghanap ng magagamit niya? Sabi ng iba naman, nag-aapura daw ang mga kurakot habang may panahon pa….totoo kaya?

Kung tutuusin, mas madaling i-mintina ang aspaltadong kalsada basta maganda lang ang timpla, dahil kung magkaroon ng bitak, madali ang pagtapal, ilang oras lang ay magagamit agad ang inayos na bahagi. Subalit kung sementado ang kalsadang iri-repair, katakut-takot na tuklapan ang gagawin upang “makakapit” na mabuti ang sementong itatapal na dapat ay maganda ang pagkatimpla, dahil kung hindi, ilang buwan lang ay masisira na naman, at bago magamit uli ay maghihintay pa ng dalawang araw o mahigit pa. Ang aspalto, habang nabibilad sa araw ay lalong tumitiim ang kapit at pagkasiksik, samantalang ang semento, habang nakabilad sa araw na hindi man lang nababasa ng tubig ay madaling mabiyak. Ang pag-aspalto ay simpleng paraan kaya pwedeng gawin ng mga taga-DPWH, pero ang pagsemento ay kailangan pang ikontrata ang trabaho….yan kaya ang malaking dahilan?

Ilan na naman kaya ang yayaman pagkatapos ng mga minadaling proyektong inaasahang uulitin na naman pagkalipas ng ilang buwan?

May Pag-asa pa kayang Makabawi ang Pilipinas sa West Philippine Sea?

I blogged this on September 10, 2014 in anticipation of the plans of China, which unfortunately are happening today, 2015…ang mga Pilipino naiwang nakanganga, at ang gobyerno, nagmukhang tanga!

May Pag-asa Pa Kayang Makabawi
ang Pilipinas sa West Philippine Sea?
Ni Apolinario Villalobos

Masakit sabihing parang wala nang pag-asang magkaroon pa ng katuturan ang mga paghihirap ng Pilipinas sa pagsampa ng mga kaso sa international court laban sa Tsina tungkol sa usapin sa West Philippine Sea. Hayagang sinabi ng Tsina na hindi nila rerespetuhin ano man ang kalalabasan ng imbestigasyon. Ibig sabihin, hindi nila pinaniniwalaan ang poder ng korte, maski pa ito ay korte ng United Nations….kaya, para ano pa?

Ang ASEAN naman na inaasahang magbubuklod laban sa Tsina ay halatang wala ring magawa bilang isang organisasyon. Ang Amerika na halos panikluhuran ng administrasyon upang masandalan sa harap ng banta ng Tsina, ay pinaiigting ang joint exercises at ng sinasabing kasunduan sa pagkakaroon ng animo ay pansamantalang “kampo” at mga daungan sa Pilipinas, mga bagay na hinahadlangan naman ng iba’t ibang makabayang grupo. Sa isang banda ay tama ang mga grupong ito dahil parang ang gusto lang ng Amerika sa Pilipinas ay gamitin nila itong harang sa anumang hindi kanais-nais na kilos ng Tsina sa mga susunod na panahon. Kaya, magkabombahan man, Pilipinas ang unang tatamaan!

Subali’t habang nagpapakita ng pakikipagtulungan ang Amerika sa Pilipinas, pinapalakas naman nito ang ugnayan sa mga Tsino. Ibig sabihin, parang pinaglalaruan lang ng Amerika ang Pilipinas. Malaki daw ang utang ng Amerika sa Tsina.

Nagkaroon kamakaylan lamang ng isang exhibit ng old maps na nagpapakita na noon pa mang unang panahon, ay talagang wala namang ginawang pag-aangkin ang Tsina sa kahit na anong bahagi ng mga karagatan sa paligid ng Pilipinas. Ang mga Tsino noon ay “dumadayo” lamang sa mga isla ng Pilipinas upang makipagkalakalan, hanggang sa magkaroon sila ng sariling distrito sa Maynila na tinawag na “parian” noong panahon ng Kastila, na ngayon ay ang maunlad na Chinatown sa Manila. Sa exhibition ng mga lumang mapa, wala ni isa sa mga ito ang maski may kapirasong pagtukoy ng pag-angkin ng anumang bahura ng Pilipinas, lalo na sa pinag-aagawang West Philippine Sea.

Ang bagong henerasyon ng mga lider ng Tsina ang malinaw na may pakana sa pangangamkam ng mga bahura sa bahagi ng kanlurang karagatan ng Pilipinas, kaya pati ang mga karatig- bansa ay nadamay na rin, dahil pati ang dati na nilang kinikilalang mga bahura ay inaangkin na rin ng Tsina.

Sa mga bansa na may kinalaman sa problemang angkinan, bukod tanging Pilipinas ang mukhang kawawa. Ang nag-iisang barkong kinulapulan na ng kalawang at talaba, na ginawang headquarters ng mga bantay-dagat ay nagmumukhang yagit kung ihambing sa mga dambuhalang barko ng Tsina, at maski ng Vietnam. Maaaring kung hindi pa nabahura ay hindi pa ginawang headquarters at malamang naiwang nakatiwangwang ang bahurang inaangkin ng Pilipinas. Malamang pa rin na, natayuan na rin ng headquarter ng Tsina tulad ng ginawa nila sa ibang bahura. Ngayon, may isa pang bahura silang pinatatayuan din mga estruktura, at pasok na pasok din ito sa teritoryo ng Pilipinas. Sa kabila nito, walang magawa ang Pilipinas kundi manood!

Paano pang matatanggal ang mga estruktura ng Tsina sa mga bahurang pinag-aagawan, kung yong iba ay kung ilang dekada nang nakatayo at ang isa pa ay patapos na?

Malaki ang tiwala ng Tsina sa kakayahan nito ngayon pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa kaunlaran – pang-ekonomiya man o pandigma. At dahil dito, hindi basta-basta yuyuko ito sa anumang ipag-uutos ng maski isang international Court. Nakikita ng Tsina na humihina ang United Nations bilang organisasyon ng mga bansa. Wala itong nagawa sa mga nangyayaring kaguluhan sa Middle East at Yuropa. Nakikita at nararamdaman ng Tsina ang kahinaan ng Amerika na dinadaan na lang sa verbal bluff ang mga babala. Napahiya si Obama nang may ilang bansa sa Middle East na hindi lubos na nagbigay sa kanya ng supurta upang “mapulbos” ang Islamic State (IS). Kaya ano pa ang magagawa nito sa Southeast Asia na ang ekonomiya nga lang ay nakagapos na sa Tsina? ….kaya kahit toothpick at cotton buds ng mga bansang miyembro ng ASEAN ay galing Tsina!

Malamang sa malamang, kompromiso ang mangyayari sa West Philippine Sea kung saan hahayaan na lang na pangasiwaan ng Tsina ang mga bahurang napatayuan na nito ng mga estruktura, dahil wala naman talagang kakayahang bumangga ang Pilipinas dito. Maaaring naghihintay lamang ang Tsina ng isang provocative na kilos ng Pilipinas upang gumawa ito ng nakakabahalang aksiyon…na sana ay hindi mangyari. Kaya, kung sa tanong na may magagawa pa ang Pilipinas, sa kabila ng mga inihain nitong reklamo sa international court…para sa akin, ang sagot ay isang malungkot na…wala.

The Admirable Stewardess was an Educator…Ms. Ana Perpetua Ignacio of PAL

The Admirable Stewardess was an educator
…Ms. Ana Perpetua Ignacio of PAL
By Apolinario Villalobos

The crew that serves the passengers on board an airplane is generically called Flight Attendants, although, for gender distinction, she could be a stewardess or he could be a steward. The job of the flight attendant is no joke – demonstrating the use of different safety gear for passengers even while the plane has just made its unsteady ascent, as well as, enduring a sudden jolt due to an unexpected turbulence while serving coffee.

When I took the first flight PR1809 of PAL to Davao on June 17, one of the F/As was a look-alike of Alicia Alonzo, a 70’s Filipino actress who also had a stint as stewardess of Philippine Airlines. I first noticed her at the pre-departure area, because of her smile, although, the airline is supposed to require its F/As to always smile. But hers was different, as it forms naturally on her lips while she spoke.

Inflight, she was so professional in carrying out her duties – checking on the seat belts and putting to upright position reclining seats as necessary. I thought all the while that she was on the job for a long time, as she breezed through the routine checks with much ease, without a bit of self-consciousness. I was surprised to learn later that she had been flying for just three months! I was even more surprised that she was a former prep-school teacher. No wonder, she had a distinct almost flawless diction when she spoke either in Pilipino or English. Her story brought to my mind that of Princess Diana’s, who was also a prep-school teacher before she became a Princess of Great Britain.

When asked what prodded her to join PAL instead of other airlines that proliferate the industry, even the international ones which I was sure would be glad to hire her because of her alluring personality, she told me that she wanted to be part of the country’s flag carrier. It’s PAL for her, nothing else, she emphasized with a smile. Of course, she added that financial security was secondary and next was her love for travel. When she excused herself to do her other chores, I admired her tenacity in proving her worth as a deserving crew of the flag carrier – with her quick movements coupled with ginger sureness of her every step.

Philippine Airlines has a high standard when it comes to hiring its personnel, especially the flight crew – pilots and flight attendants. During trainings, emphasis is given on the aspect of customer service. But for the customer-contact jobs, such as ticketing, and passenger handling on board, much emphasis is on courtesy that should be enhanced with a sincere smile. High intelligence is of course, a must, as the employee is exposed to the different kinds of people with varied characters and mindset. Observing Ms. Ignacio made me conclude that PAL is back to its former high standards. As if by coincidence, Ms. Ignacio joined the airline just when the former Chairman, Lucio Tan, took over the airline from San Miguel Corporation. Both of them seem to be trying to show that the “new” PAL now boosts of fresh energetic and young crew, and is back to its former reliable service with the “Kapitan” at the helm.

I asked the permission of Ms. Ignacio to write something about my impression of the flight and their service with special mention of her name and the other crew, to which she gladly conceded, thinking perhaps that I would be doing a typical critique to improve their service. She gave me the names of the rest of the crew as: Chito Archie Sunga, Gerald Chester Perez, Myra Lorelie Villar, and Ana Francesca Arrida.

When we touched down at the international airport of Davao, as expected, it was smooth. Unfortunately, I failed to take note of the pilot’s name and his co-pilot when he introduced himself over the PA system while we were on our halfway inflight cruise toward our destination.

By the way, as added information, the delays in departure and arrival of PAL flights are due to the heavy traffic of almost simultaneous arrival and departure of aircrafts at the airport in Manila, especially, in the afternoon. They are not the fault of Philippine Airlines. The blame should be on the lone runway of the Ninoy Aquino International Airport (NAIA)…and perhaps, the government for not coming up with a solution about this problem until now.