Ang Panukala tungkol sa mga Kabataan…kinopyang ideya, kaya sobrang palpak!

Ang Panukala tungkol sa mga Kabataan
…kinopyang ideya, kaya sobrang palpak!
Ni Apolinario Villalobos

Sa kakokopya ng mga mambabatas ng mga batas na umiiral sa Amerika, lalo na ang mga tungkol sa kabataan, nakalimutan nilang iba ang kultura ng Pilipino sa Amerikano.

Sa kultura ng Amerikano, kapantay, kung ituring ng mga kabataan ang matatanda kahit pa ang mga ito ay magulang nila. Mayroon pang tumatawag sa magulang ng first name nito. Ang ugaling ito ay lalo pang pinalala ng mga batas nila na may kinalaman sa pagdisiplina ng kabataan, kaya kung sawayin ang mga kabataan nila, kahit ang mga walang muwang ay dapat sa salita lang. Hindi sila pwedeng saktan kahit bahagya, dahil sa kulungan ang bagsak ng nanakit na magulang. Nagagawa tuloy ng mga kabataan doon na sumagot ng pabalang-balang sa kanilang mga magulang at may pananakot pang magsusumbong sila sa pamahalaan o tatawag sa 911 kung sila ay sasaktan, kahit malinaw namang may kasalanan sila.

Sa Pilipinas, maganda na sana ang paraan sa pagdisiplina ng mga kabataan dahil kung lumabis naman sa pananakit ang magulang ay maaari silang isumbong ng kapitbahay o maski sino, sa Barangay, at pwedeng ideretso din sa pulisya dahil may naka-assign namang desk upang mag-asikaso sa ganitong problem na itinuturing na hindi pangkaraniwan. Mula’t sapul, ang ganitong paraan ay katanggap-tanggap na, subalit may gustong magpa-istaring na mambatatas, kaya naisipan niyang gumawa ng panukala, kinopya naman…hindi original.

Sa pagdisiplina, hindi maiwasang saktan ng magulang ang anak lalo na ang mga paslit na hindi pa alam kung ano ang tama at mali. Hindi rin nila masyadong nauunawaan ang mga paliwanag kung sabihin sa kanila, kaya ang paraan lamang upang ipaalam sa kanila na mali ang kanilang ginagawa ay saktan ng bahagya.

Mahalagang matanim sa isip ng mga paslit o madanasan nila ang “katumbas” ng bawa’t maling gagawin nila. Halimbawa, malalaman lamang ng isang paslit na nakakapaso ang apoy sa sandaling hahawakan niya – isang karanasan na hindi na niya uulitin. Kailangan ding saktan ng bahagya ng magulang ang pasaway na paslit sa pamamagitan ng palo sa puwit upang ipabatid, halimbawa, na mali ang ang pagdumi kung saan-saan lang sa loob ng bahay, na susundan pa minsan ng pagsubo nito ng kanyang dumi.

Hindi maganda ang magiging resulta ng bagong batas dahil lalo lamang nitong palalalain ang nasisira nang disiplina ng mga kabataang Pilipino na nalulublob na sa masamang impluwensiya ng makabagong teknolohiya, mga bisyo tulad ng droga, sigarilyo, alak, at barkada.

Kahit kaylan, walang mabuting nagawa ang ibang mga mambabatas. Hindi nila pinag-iisipan ang mga ginagawang panukala, masabi lang na may nagawa sila – pantakip sa kanilang korapsyon!

3 thoughts on “Ang Panukala tungkol sa mga Kabataan…kinopyang ideya, kaya sobrang palpak!

  1. Sa America, may kasabihang, “If it’s not broken, don’t try to fix it.”  Maraming kaparaanan sa Pilipinas na maayos naman; sana hindi na baguhin!  Sukdol na ba sa ka-swapangan ang ilan sa mga pulitiko, na wala silang ini-isip kundi “kickback” kaya pinapalitan ang sistemang epektibo naman?  Ano na ang nangyari sa “statesmanship?”

    From my Android phone on T-Mobile. The first nationwide 4G network.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s