Ang Mga “Textbooks” na ginawang “Workbooks”…marami nang mali, isang beses lang magagamit

Ang mga “Textbooks” na ginawang “Workbooks”
…marami nang mali, isang beses lang magagamit!
Ni Apolinario Villalobos

Hindi dapat pagtakpan ng kung anong dahilan at pagkabulol sa pagpapaliwanag ang mga mali sa mga textbooks na ginawang workbooks. Isang teacher ang ininterbyu sa radyo na panay ang gamit ng “yata”, “tila nga”, “siguro” sa pagtukoy ng mga mali na nakita sa isang textbook na ginagamit sa Grade 10. Dapat kung mali…mali, hindi na dapat magpa-ikot-ikot pa. Dinagdagan pa ng kalihim ng ahensiya, na kung may mga mali man, bahala na daw ang mga teacher sa pagwasto ng mga ito bago nila ituro, dinagdagan pa ng palusot na baka draft copy lang ang tinutukoy na libro na may 1,300 mali! Ganoon lang???!!!

Inaalipin na nga halos ang mga guro na sinusuwelduhan lang ng kapiranggot, dadagdagan pa nila ng trabaho, kaya tuloy maraming teacher ang namamatay sa sakit na TB…at nalalampasan ng pagkakataong makapag-asawa! Yong mga teacher naman sa mga liblib na barangay, nag-aabuno pa para makabili lang ng mga gamit ng mga batang kung pumasok sa eskwela ay walang laman ang sikmura.

Ang pagpapalimbag ng mga libro para sa mga eskwelahang pampubliko ay ginagastusan ng milyon-milyon, kaya dapat ay maparusahan ang mga nagpabaya. Mula pa man noon sa ilalim ng administrasyon ni Gloria Arroyo hanggang sa kasalukuyan, ay palagi nang may ganitong problema, subalit walang ginagawang pagparusa sa mga sangkot – mga sindikatong nagmamadaling gumawa ng pera. Bakit tahimik ang COA sa bagay na ito? At, bakit hindi ito imbestigahan ng Kongreso at Senado, mahilig din lang silang mag-imbestiga?

May problema na nga sa K-12 program, dinagdagan pa ng mga dati nang naipon, kaya wala nang dapat asahang magagawang maayos ang kagawaran ng edukasyon, na magaling lang sa pagtatakip ng mga kamalian. Ano pa ang aasahan sa mga batang ang pagmumulan ng ituturo sa kanila ay mali? Kawawang mga kabataang Pilipino…itinuring na pag-asa ng bayan, subalit nililinlang sa halip na nililinang o dini-develop ang kanilang kaalaman!

6 thoughts on “Ang Mga “Textbooks” na ginawang “Workbooks”…marami nang mali, isang beses lang magagamit

  1. Ang suma ko sa hakbang na ito: walang malasakit ang mga opisyal sa bigat na dinadala ng mga magulang na gustong-gustong itawid ang pag-aaral ng mga mahal nilang anak

    I smell something rotten:  may “deal” kaya ang mga opisyal at ang mga publisher ng nasabing workbooks?

    From my Android phone on T-Mobile. The first nationwide 4G network.

    Liked by 1 person

    • noon pa man, ang mga opisyal ng CHED at DepEd ay walang pakialam sa plight ng mga magulang at mga estudyante….yes, may deal sila, kaya nga kinonbert na workbook ang mga textbooks upang taon-taon magpapa-;print, nandoon ang commission!

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s