Let’s Eat: Gayuma ni Maria (Quezon City, PH)

No Juan Is An Island

Mischievous, inimitable, comfy – 3 words to describe this restaurant.

0a

Located at the tipmost part of Maginhawa Street in Quezon City is a quirky named restaurant called Gayuma ni Maria. It has become widespread for its outlandish interior. (The word “gayuma” means “love potion”). The menu is as eccentric as the restaurant’s theme. Every dish is named/related to love, commitment, desire and passion.

Here is a quick guide to their menu: (Photos uploaded here are those food that we have tried. I guess I have to go bac and try their desserts).

03

Attraction – Appetizer

Tuliro – A nacho cheese dish with savory and yummy chicken/ pork flakes mixed in with …185.00

Forces – a fusion of “gayumatized” cheese, pesto and tomato spread served with garlic toast 105.00

Undress Me – Romaine heart salad with fruits with a choice of citrus vinaigrette, Balsamic vinaigrette, mignonette vinaigrette 185.00

01

Courtship – Soup

Peek-a-Boo –…

View original post 476 more words

Mga Kalituhan sa Buhay

Mga Kalituhan sa Buhay
Ni Apolinario Villalobos

Kumplikado ang buhay dahil sa mga kalituhan at hiwagang bumabalot dito. Marami ang hindi maipaliwanag at nagkokontrahan pa ang ibang mga bagay at pangyayari.

Dahil sa pagsulputan ng iba’t ibang grupo ng matatalino, hindi na alam ng isang pangkaraniwang tao kung saan siya sasama. Nandiyan din ang palaging nababanggit na relihiyon. Lahat sila ay itinataguyod ng mga sarili nilang simbahan at nagpipilit pa na tama sila. Sabagay, karapatan nila ang magsabi na tama sila basta hindi lang demonyo ang kanilang sinasamba.

May kalituhan ding nangyayari sa panahon ngayon dahil naman sa hindi na ikinahihiyang alanganing kasarian. Ang talagang matatapang ay nagsasabi na babae sila na nakulong lamang sa katawan ng lalaki, o di naman kaya ay, lalaki sila na nagkamali lang sa pinasukang katawan. Kaya upang mawala na ang kalituhan sa kanilang pag-iisip ay talagang naglaladlad na tulad ng ginawa ni Charisse, Aizza, at Rustom Padilla. Yong may pera ay talagang pinakialaman na ang ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng pagpalit ng bahaging pangsekswal.

Sa mga bansang talamak ang corruption, tulad ng Pilipinas, nililito ng pamahalaan ang mga mamamayan tungkol sa maraming bagay. Nandiyan ang magreport ang mga ahensiya ng mga ginawa daw nila na drawing lang pala. Ang masaklap ay kung mismong presidente pa ang may kayabangang magreport tungkol sa mga ito, kaya nagmumukha siyang tanga. Kung minsan ay inaangkin pa ng pamahalaan ang mga proyekto ng mga pribadong NGO. Ang panlilito ay isang paraan ng panlilinlang. Subalit kung alam na naman ng mga nililito ang katotohanan, ang taong nanlilito ay nagmumukhang katawa-tawa.

Tungkol naman sa pagpahaba ng buhay, marami ring kalituhan ang nangyayari. Sinasabing kailangan ng katawan natin ang pagkain, subalit hindi naman pala lahat ng pagkain ay pwede sa lahat din ng tao, dahil sa tinatawag na allergy. May mga taong allergic sa itlog, manok, lamang dagat, gatas, mani, maski gulay! May mga synthetic din na mga gamot ang nawawalan ng bisa kung sasabayan sila ng mga halamang gamot o herbal medicine. At ang mga pagkain ay hindi pwedeng basta-basta lalamunin dahil yong iba ay nakamamatay kung sobra ang ipinasok sa katawan dahil sa sarap…kaya tuloy lumalabas na bawal ang magpasarap!

Ang matindi ay ang kuwento tungkol sa isang tao na dahil sa katatawa ay bigla na lang natumba at namatay! Naisip ko tuloy, pwede ka rin palang mabulunan ng hangin….at bawal din pala ang sobrang masaya!…masalimuot talaga ang buhay, kung sa Ingles ay “life is complicated”, kaya nakakalito!

Ang Ating Ama…

Happy Father’s Day!

Ang Ating Ama…
Ni Apolinario Villalobos

Haligi ng tahanan kung siya ay ituring
Katatagan ay dama natin sa kanyang piling
Katuwang ng ating Ina sa pag-aruga sa atin
At para lang lumigaya tayo, lahat ay gagawin.

Sukdulan mang sumuway siya ng batas –
Magnakaw man, makabili lamang ng gatas
Buhay niya ay itataya, walang pag-alinlangan
Mailigtas lang ang anak sa mga kapahamakan!

Mahalagang bahagi tayo ng buhay niya
Damdamin niya’y dapat din nating madama
Pintig ng kanyang puso ay dapat ding damhin
Dahil sa kanyang buhay, galing ang buhay natin!

Suwail ang anak na sa Ama’y di lumingon
Kanya ring pagsisisihan, pagdating ng panahon;
Buhay o namayapa man ay ating bigyang pugay
Pangalang bigay, ipagmalaki natin at iwagayway!

Ang Mga “Textbooks” na ginawang “Workbooks”…marami nang mali, isang beses lang magagamit

Ang mga “Textbooks” na ginawang “Workbooks”
…marami nang mali, isang beses lang magagamit!
Ni Apolinario Villalobos

Hindi dapat pagtakpan ng kung anong dahilan at pagkabulol sa pagpapaliwanag ang mga mali sa mga textbooks na ginawang workbooks. Isang teacher ang ininterbyu sa radyo na panay ang gamit ng “yata”, “tila nga”, “siguro” sa pagtukoy ng mga mali na nakita sa isang textbook na ginagamit sa Grade 10. Dapat kung mali…mali, hindi na dapat magpa-ikot-ikot pa. Dinagdagan pa ng kalihim ng ahensiya, na kung may mga mali man, bahala na daw ang mga teacher sa pagwasto ng mga ito bago nila ituro, dinagdagan pa ng palusot na baka draft copy lang ang tinutukoy na libro na may 1,300 mali! Ganoon lang???!!!

Inaalipin na nga halos ang mga guro na sinusuwelduhan lang ng kapiranggot, dadagdagan pa nila ng trabaho, kaya tuloy maraming teacher ang namamatay sa sakit na TB…at nalalampasan ng pagkakataong makapag-asawa! Yong mga teacher naman sa mga liblib na barangay, nag-aabuno pa para makabili lang ng mga gamit ng mga batang kung pumasok sa eskwela ay walang laman ang sikmura.

Ang pagpapalimbag ng mga libro para sa mga eskwelahang pampubliko ay ginagastusan ng milyon-milyon, kaya dapat ay maparusahan ang mga nagpabaya. Mula pa man noon sa ilalim ng administrasyon ni Gloria Arroyo hanggang sa kasalukuyan, ay palagi nang may ganitong problema, subalit walang ginagawang pagparusa sa mga sangkot – mga sindikatong nagmamadaling gumawa ng pera. Bakit tahimik ang COA sa bagay na ito? At, bakit hindi ito imbestigahan ng Kongreso at Senado, mahilig din lang silang mag-imbestiga?

May problema na nga sa K-12 program, dinagdagan pa ng mga dati nang naipon, kaya wala nang dapat asahang magagawang maayos ang kagawaran ng edukasyon, na magaling lang sa pagtatakip ng mga kamalian. Ano pa ang aasahan sa mga batang ang pagmumulan ng ituturo sa kanila ay mali? Kawawang mga kabataang Pilipino…itinuring na pag-asa ng bayan, subalit nililinlang sa halip na nililinang o dini-develop ang kanilang kaalaman!

Ang Tiwala sa Sarili

Ang Tiwala sa Sarili
Ni Apolinario Villalobos

Kung may isang pinakamalakas na sandata ang isang tao, ito ay ang tiwala sa sarili. Hindi ito pumuputok tulad ng baril, hindi rin sumasabog tulad ng bomba. Hindi ito nakakasugat tulad ng patalim, at lalong hindi ito sibat o palaso na nakakatusok sa katawan.

Mula sa puso, dumadaloy ito patungo sa utak upang gabayan ang tao kung ano ang nararapat niyang gawin sa pagharap sa mga unos ng buhay – mga pagsubok, upang hindi agad tumiklop ang kanyang mga tuhod kung panghinaan siya ng loob.

Pinatunayan ng kasaysayan na kung minsan, hindi kailangang may malaking katawan upang manaig sa katunggali, tulad ni David na isang maliit na tao, subalit dahil sa tiwala niya sa sariling nagbigay sa kanya ng tapang ay napatay niya si Goliath.

May mga tanyag ding lider na maliliit subalit ginagalang ng mga tauhan at kinatatakutan ng mga kalaban, tulad ni Alexander the Great, Hitler at Napoleon Bonaparte, iilan lang na mababanggit ko. Si Ferdinand Marcos ng Pilipinas ay hindi rin gaanong malaki, kaya itsinismis pang gumagamit daw noon ng “elevator shoes” upang mabawasan ang diperensiya ng taas nila ni Imelda. Lahat sila ay may malakas na tiwala sa sarili kaya nagtagumpay sa kanilang mithiin…subalit hindi nga lang para sa kabutihan ng nakararami dahil naging mga diktador, maliban lang kay Alexander the Great.

Si Mother Theresa, na ngayon ay isa nang santa, ay mula’t sapol may malaking tiwala sa sarili dahil alam niyang ginagabayan at inaalalayan siya ng Diyos. Siya ay may taas lang na lampas kaunti sa apat na talampakan na lalong pinababa ng kanyang pagkukuba dahil sa diperensiya niya sa likod. Sa kabila niyan, hindi siya natatakot na pumasok sa mga lugar ng iskwater.

Maraming nagtapos sa kolehiyo na valedictorian o may iba pang mataas na karangalan, subalit dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili ay hindi nagtagumpay sa buhay. Natalo sila ng mga nagtapos kahit sa markang “pasang awa”, subalit may malakas na tiwala sa sarili, kaya malayo ang narating sa buhay.

Yong isang Pilipinang singer na galing sa General Santos, na bilib sa kanyang kahusayan sa pagkanta ay nagpilit na gumawa ng paraan upang makilala. Kaya basta may madaanang libreng videoke sa mall na pwedeng kantahan, banat lang siya ng banat sa pagkanta hanggang sa matiyempuhan ng isang blogger, kaya nai-post siya sa you tube habang bumibirit…naging viral tuloy sa internet. Ngayon, international singer na!

Sa may mga mukhang hindi pang-pelikula o TV, ang kunswelo ay pag-isip na marami ang may ganyang mukhang pambihira. Dapat isipin na kung walang pangit, wala ring maganda o guwapo dahil walang magagamit na batayan o basis. Kaya, dapat ay may malakas na fighting spirit ang lahat ng tao, ano man ang hitsura ng mukha! At isipin lang palagi na walang ginawang pangit ang Diyos. Ang kapangitan ay tao rin ang nagdi-develop tulad ng pagiging korap kung nasa pamahalaan na at nasilaw sa pera, kaya lahat sa pamilya gusto nang maging government official!…yan ang tiwala sa sarili na negative!

Totoong mahirap ding magpakita ng tiwala sa sarili na sa tingin ng iba ay pagiging “presentado” o “presentada”. Kaya ang kailangan talaga upang magawa ito ay magpakapal ng mukha….o mag-santabi muna ng hiya. Dapat nating alalahanin na malaking sagutin sa Diyos ang hindi paggamit ng anumang kagalingang ibinigay niya sa atin, lalo na kung ito ay para rin sa kapakinabangan ng iba. Sa madaling salita…bigyan natin ng pagkakataon ang ating sarili, at huwag tayong madamot sa pakikibahagi ng anumang talento na meron tayo.

Paalala lang: dapat makinig sa sasabihin ng iba na huwag nang maglakas-loob na kumanta halimbawa, kung ito ay makakapagpatilapon lamang ng tutule at makakabasag ng eardrum ng ibang tao, dahil yan ay pananakit na ng kapwa, isang bagay na ayaw ng Diyos na gawin natin!