More on Sharing…

More on Sharing…
By Apolinario Villalobos

There is more in sharing than what most of us know about it. The heavenly bodies in the universe share ample space. Without the fair sharing in the seemingly infinite space in the universe, the heavenly bodies including earth would have been bumping with each other. Humanity shares the air to be able to survive and so are the lesser creatures. Sharing is not limited to food. The Designer is wise, indeed, and that is what He expects His intelligent creatures to be.

Unfortunately, because of pride and greed among humans, even the road space is not shared fairly, resulting to altercation among greedy motorists. They want to get more than what is provided by going against the flow of traffic or by overtaking the long queue of vehicles as they come to a standstill. This greed sometimes results to violence, and worse, death.

The disgusting land grabbing of government officials and moneyed entrepreneurs show their blatant greed that borders on exploitation of the ignorant. Add to these their robbing of government coffer. These greedy people are not satisfied with what they already have. If only they let the bounties be shared by all, poverty could, at least, be minimized.

Some of us refuse to share honors with others who deserve them by robbing them of such opportunity. In school, students who are desirous to be on top of the honor list, do all possible to garner high grades even to the extent of submitting plagiarized reports and thesis. Unsuspecting artists are also robbed of their rightful opportunity to achieve honor, when their works are plagiarized by fellow artists who make sure that they alone shall get the honor.

On the positive side, there are so many things that we can share with others, such as happiness, knowledge, prayer, and of course, blessings. The righteous sharing is what’s expected of us to do. But if we do otherwise, we should be prepared for the consequence in what the Golden Rule says….do not do to others, what you do not want others, would do to you.

Palaging Nasa Huli ang Pagsisisi

Palaging Nasa Huli ang Pagsisisi
Ni Apolinario Villalobos

Sa Ingles ay may mga kasabihang, “no pain, no glory” at “no guts, no glory”. Sa literal na katumbas, ang ibig sabihin ay, “kung walang pasakit, walang tagumpay”, at “kung walang lakas ng loob, walang matatamong tagumpay”. Kailangang maging handa tayo sa anumang pasakit na idudulot ng pagkabigo at kailangang mayroon tayong tapang sa pagharap sa anumang pagsubok upang tayo ay magtagumpay. Kung mabigo man, may kasabihan pa rin sa Ingles na, “at least, we tried”, kaya hindi tayo dapat magsisi. Subalit kung wala talaga tayong ginawa dahil sa pag-alinlangan at nakita nating okey naman pala kung tumuloy tayo…diyan papasok ang pagsisisi.

Ang tagumpay ay hinahanap dahil inaasam, hindi hinihintay na baka dumating sa ating buhay. Kaya kung tayo ay lalampa-lampa, gigising na lamang tayo isang umaga at magugulat dahil nalaman nating napag-iwanan na pala tayo ng panahon, na nakanganga, samantalang ang ibang nagsikap ay milya-milya na ang narating. Magsisi man tayo…huli na.

Sa isang banda naman, dahil sa sobrang desperasyon ng iba kung minsan, nakakagawa sila ng mga bagay na pinagsisisihan nila, bandang huli. Halimbawa ay ang pagbitiw sa trabaho nang wala sa panahon, dahil gusto nilang magpasarap agad sa buhay, nainggit kasi sa mga kaibigan nilang ganoon ang ginawa. Nang halos maubos na ang pera, saka sila magsisisi, at kung maghanap man uli ng trabaho, wala na silang mapasukan.

Yong ibang mga nagretiro naman, dahil sa laki ng hawak na separation pay, hindi nila alam kung paano ito gagastusin. Pero dahil nakitang nagpa-renovate ang mga kapitbahay ng bahay, nakigaya…nagpadagdag ng mga kuwarto para sa mga anak daw. Subalit, nang nakapagtrabaho na ang mga anak, nagsi-alisan sa bahay, iniwan na silang mag-asawa dahil ang gusto ay sa condo tumira. Sa laki ng ginastos sa renovation, halos wala nang natira sa separation pay. Silang mag-asawa naman ay naiwang kakalog-kalog sa bahay. Mahirap nang ibenta ang bahay dahil lumaki ang halaga, gawa ng mga renovation. Naramdaman nila ang pagsisisi nang magsimula na silang magpa-admit sa ospital dahil sa maya’t mayang pag-atake ng mga sakit nila.

Madaling maramdaman ang ugali ng mga anak kung walang interes sa mga ginagawa ng mga magulang nila para sa kanila. Halimbawa ay ang binanggit kung pag-alis nila sa ancestral house nang makapagtrabaho na. Ang masakit ay ang pagsabihan nila ang kanilang magulang na ibenta na lamang ang bahay na pinaghirapan nilang ipundar, subalit wala namang babanggiting plano pagkatapos, tulad halimbawa ng pag-imbita upang tumira sa kanilang condo. Para na rin nilang sinabihan ang mga magulang nila ng, “bahala na kayo sa buhay nyo”. Sa pagkakataong ito, walang magawa ang mga magulang kundi maghinagpis dahil ang pera na sana ay inilaan nila sa kanilang pagtanda, ay nauwi sa wala! Hindi na sila appreciated, nawalan pa sila ng sana ay pambili ng maintenance na gamot at pampa-ospital.

Iba naman ang kaso ng mga kaibigan kong mag-asawa na nakatira sa isang exclusive subdivision. Nang pareho silang magretiro, itinodo nila ang pagbiyahe kung saan-saan. Noong pumirmi na sa bahay, sa umpisa ay masaya silang nagsi-share ng mga karanasan nila sa ibang bansa. Nang kalaunan, napansin kung malungkot na sila at palaging nagsisinghalan kung mag-usap, lalo na pagdating sa mga gastusin sa loob ng bahay. May isa pa kasi silang pinapaaral sa kolehiyo. Noong minsang napadaan ako at kinausap ko ang kumpare ko sa labas ng gate, nilapitan siya ng kumare ko at humingi ng pamalengke. Ang sagot sa kanya ng kumpare ko, “gamitin mo yong itinabi mong gamit nang mga tiket ng eroplano…litse ka!…aga-aga, eh, nambubuwisit!”. Sagot naman ng kumare ko, “litse ka ring matanda kang panot!…gusto mong biyahe nang biyahe, ngayon, maninisi ka!”. Ganoon sila kasaya kapag nag-uusap…with feelings!

Sa sinabi ng kumare ko, naalala ko tuloy ang isang taong panot din na walang konsiyensiya kahit marami nang naperhuwisyo dahil sa mga desisyon na akala niya ay da best, dahil akala niya ay bright siya! Pinuno siya ng isang bansa……at lahat ng ginawa ay puro bulilyaso. Magsisi man siya ngayon dahil sa mga maling desisyon niya, ay huli na!

(Note: Exception sa title ang hindi ko pagsisisi dahil sa pag-type ng huling paragraph. May kasabihan naman kasi sa Ingles na, “for every rule, there’s an exception”. Kaya itinuring kong exception yong panot na binanggit ko sa last paragraph! Gusto ko pa ring ipaliwanag na ang ibang panot basta hindi nangmumulestiya at nang-aapi, ay hindi ko tinutukoy….exception din sila….dahil ang pagkapanot ay tanda ng pagkamatalino!)