Ang Pagpapaka-trying Hard ni Jericho Petilla
Upang Makilala
Ni Apolinario Villalobos
Dahil gusto yatang tumakbo bilang senador, si Jericho Petilla na kalihim ng Department of Energy ay biglang nagkaroon ng “infomercial” tungkol sa tamang paggamit ng kuryente. Napaka-tasteless at useless ng “informercial” na ito, na malamang ay ginastusan ng milyones, dahil sa MERALCO naman mismo ay may mga brochures na pinamimigay kung paanong makatipid sa paggamit ng kuryente, at kumpleto pa.
Trapong-trapo ang dating ni Petilla sa pag-trying hard niya upang makilala at matandaan ng mga tao. Hindi siya dapat mag-alala dahil kahit hindi naman magwaldas ang ahensiya ng pera upang ipangalandakan ang plano niyang pagpasok sa pulitika, matatandaan naman talaga siya – BILANG ISANG KALIHIM NA WALANG GINAWA. Naging spokesperson lang siya ng mga negosyante ng kuryente dahil dina-justify niya ang mga kapalpakan nila at ng maya’t mayang pagtaas ng presyo.
May mataas na pinag-aralan si Petilla kaya dapat alam niyang ang mga kalugian ng mga negosyante ng kuryente ay hindi ipinapapataw sa mga consumers. Sa prinsipyo ng negosyo, ang taong papasok dito ay dapat handa sa lahat ng mga pangyayari, lalo na sa pagkalugi. Subalit, sa halip, ang mga power provider ay nagtataas ng presyo kung may mga shutdown o power failure upang mabawi daw ang lugi nila. Ang ganitong maling gawain ay dapat alam ni Petilla o baka nagbubulag-bulagan lamang siya. Dapat ay itong mga provider pa nga ang magbayad sa mga consumers dahil sa hindi birong konsumisyon na dulot nila sa mga tao, lalo na sa mga negosyante.
Si ginagawa ni Petilla ay nabisto na siya pala ay galing sa pamilya na guilty sa issue ng political dynasty. Kaya hindi rin siya naiibang TRAPO! Nakalimutan yata niya na nakakadalawang taon pa lang siya sa puwesto ay nanawagan na ang mga tao na bumaba siya. Pero tulad din ng ibang appointees ni Pnoy na makapal ang apog, kapit-tuko din siya puwesto. Ngayon ay umaapela pa!…baka akala niya ay kaakit-akit ang imahe niya!
Hahaha thanks to this post nakilala ko sya. Kung anu-anong klase ng ninja moves na ginagawa ng mga politician wannabes natin ah. Grabe lang po.
LikeLike
noong una, akala ko bright at disente…yon pala ay trapo to the max!
LikeLiked by 1 person
Pa-bright at pa-disente naman na kasi silang lahat ngayon. Puro sila mapanlinlang!
LikeLiked by 1 person
follow the leader kasi…
LikeLike