Kawawa naman ang Pangulo…naniniwala pa rin pala sa mga maling report sa kanya

Kawawa naman ang Pangulo
…naniniwala pa rin pala sa mga maling report sa kanya
Ni Apolinario Villalobos

Sa kanyang talumpati sa Japan noong June 3, sinabi ni Pnoy na nabawasan na daw ang nag-aabrod upang magtrabaho. Isa daw itong indikasyon na umaangat na ang ekonomiya ng bansa. Kawawa naman siya, dahil hanggang ngayon ay naniniwala pa rin pala sa mga pambobola ng mga tao sa kanyang gabinete na pinagkakatiwalaan niyang magbibigay sa kanya ng mga impormasyon.

Pagkatapos niyang magtalumpati sa Japan, sa parehong araw pa rin, lumapag naman ang isang eroplano sa Manila galing Saudi Arabia at mula rito ay nagsibabaan ang maraming Pilipino na dineport ng nasabing bansa dahil sa programa nilang Saudization. Madadagdag sila sa mga Pilipinong hindi makakapag-abroad dahil walang panlagay sa mga switik na recruiter, at mga libo-libo o baka milyon na, na naipong mga graduate, at kung ilang taong nang nakaistambay. Ang maswerte sa kanila, kahit papaano ay nakakakuha ng contractual na trabaho sa loob ng limang buwan. Yan ang tunay at kalunus-lunos na kalagayan ng kakapusan ng trabaho sa Pilipinas!

Ang mga nabanggit ba ang indikasyon na umaangat ang ekonomiya ng Pilipinas? Anong pera ang gagamitin ng mga istambay upang magastos, na siya sanang magpapausad ng mga negosyo, ganoong wala naman silang trabaho o pirmihang trabaho?

Sa susunod, sana huwag nang magsinungaling ang pangulo upang maiwasang siya ay mapulaan o pagtawanan. Kung wala siyang masabi, magkuwento na lang ng iba…tulad halimbawa ng pagbalik sa serbisyo mula sa anim na buwang suspension ng kanyang best friend na si Allan Purisima. Pwede rin niyang ikuwento ang pagtakbo ng mga questionable na mga kalihim niya sa election 2016, na ang infomercials ay umaarangkada na sa TV at radyo – ginastusan ng milyones na pera ng bayan. At lalong maganda kung kanyang i-enumerate ang mga anomalya na naipon ng kanyang administrasyon – sa mga ganyan siya pag-uusapan…kung yan ang gusto niyang mangyari. Baka mailagay pa siya sa Guinness Book of World Record!

7 thoughts on “Kawawa naman ang Pangulo…naniniwala pa rin pala sa mga maling report sa kanya

      • Thank you din sayo! Kase ikaw ang unang nagcomment sa tula ko na hindi ko kilala in real life 🙂 “right you are… I like your style” yung comment mo dun sa mga days na “I think it’s a poem” pa yung mga title ng poems ko haha yung about sa “home” 🙂 Sobrang natuwa at nafuel up yung self confidence ko nun sa pagsusulat ng poem/tula 🙂 So I should really be the one who says thank you to you 🙂

        Liked by 1 person

  1. few lines pa lang ang nabasa ko…nakita ko na ang swabe mong style…definitely yours, kaya na-comment ko yon…you deserve the praise kaya naman marami kang recognition…kaya go! go! go! lang….

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s